Bakit pangalan ko ang iyong sinisigaw?
Kahit hindi karapatdapat sa iyong pagmamahal.
Bakit tanging mga mata ko ang iyong laging tanaw?
Na para bang inantay ng napaka tagal.
Bakit saakin ini-aalay ang iyong pag ibig?
At mga pagkakataong saiyo ay mahalaga.
Bakit ako ang batid ng iyong bibig?
At ang nais makita sa pag bukas ng bawat umaga.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetryMga tulang isinulat upang ipahayag ang di na maitatagong emosyon. Compilation of original Filipino poems about deep loving desires, divided into parts. Dedicated to PJM.