Kundimang walang tunog, ang tanging ini-aalay,
At patuloy na pag awit ng pag irog saiyo.
Bawat salita na aking binabaybay,
Ay sagisag ng pusong handog ng buong buo.
Takip silim, ng ika'y di pa namumulat,
Puhunan ay imahe ng pag tulog mo.
Lahat ng katagang aking isusulat,
Isusulat lamang para saiyo.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetryMga tulang isinulat upang ipahayag ang di na maitatagong emosyon. Compilation of original Filipino poems about deep loving desires, divided into parts. Dedicated to PJM.