Vany's POV
Pano ko to sasabihin kina Aya?! T_T
Tambay nga muna ako sa TeaPop. Mag-iisip muna akez. Recess naman eh. Buti nalang may marami silang ginagawa sa Student Council ngayon, kung hindi sinasakal na nila ako pareho ngayon...
"Hey. Pwede maki-upo? Puno na kasi yung ibang table eh." Napatingala naman ako sa magandang boses na lalaking lalaki and...
Waaahh... *Q*
Ang gwapo ni kuya. Hehehe.
"Ayy, sige po. Upo lang po kayo dyan." Sabi ko naman tapos ayun, umupo naman sya. Dala nya yung tray na may lasagna tapos Wintermelon Tea ata yung kanya eh.
Pang-dalawang tao lang kasi yung mga tables eh. Maliban dun sa dalawang mahahabang table na nasa dulo, pang-8 people yata.
"Thanks. I'm Dylan nga pala." Nag-extend naman ng hand si Kuya, kaya shinake ko naman.
"Vannelo po. Pero Vany nalang." Sabi ko tapos kumain nalang sya.
Ang laki ng mga braso ni Kuya, halatang alagang alaga ang katawan at sure ako na may abs si kuya. XD Medyo mahaba ang hair, pero ang lakas ng dating nya. Ang daming tumitingin sa kanya eh. Peri dedma lang si Kuya. Haha!
"Bie, mas maganda siguro kung wag ka masyadong ngingiti." Bigla nyang sinabi sa akin, tapos nagtaka naman ako. Bie talaga? Hehe.
"Bakit po?" Tanong ko kaagad sa kanya.
"Yung mga lalake dun sa dulong table, pinagnanasaan ka na." Sabi nya tapos pasimple naman akong tumingin dun sa table.
Mukang mga gangster naman yung mga yun. Ewan ko ba kung pilit magmukang hipster o talagang jejemon sila manamit...
"Ahh. Wala naman po silang ginagawa eh." Sabi ko tapos napatingin sya sa akin.
"Masyado kang inosente kung magisip Bie. Malay mo hilain ka nalang ng isa sa mga yan maya maya." Pananakot pa ni Kuya.
Di ako nakasagot. Instead, nagisip lang ako ng mga bagay na maaaring mangyare nga naman sa aken.
Eehhh!! Ayoko ng negative thoughts!! >___
Naka-pout ako nung maisip ko na tama nga naman si Kuya. Muka silang manyakis. Sorry po kung judgemental... T.T
"Wag ka mag-pout dyan. Mahalikan ka bigla ng kung sino." Sabi nya nanaman tapos agad ko namang binalik sa normal yung nguso ko. Hanubeh. XD
Natawa naman sya, pero nakitawa na din ako kahit konti lang. Napatingin naman ako sa relo ko. Ten minutes nalang at tapos na ang break.
"Ah, Kuya Dylan. Alis na po ako. Malapit na pong matapos ang break namin eh." Sabi ko tapos tumayo na ako.
"Ingat ka. Salamat ulit." Sabi nya tapos nagpaalam na ako.
Gwapo, mabait, caring at gentleman talaga! Okay si Kuya ah! Madami sigurong naging girlfriend yun? Or at least, nagpantasya na maging GF nya! XD
Nang makarating naman ako sa campus, madaming estudyante ang nagmamadali na unakyat sa kanya kanya floors. Ganun din naman ako, hehe.
"Hey you!!" Narinig ko yung pamilyar na boses sa likod ko habang papaakyat ako ng 2nd floor.
Paglingon ko naman, medyo nagulat ako. Sya yung Gino Dela Vieno!
Naku, nakakatakot ang itsura nya! Nanlilisik ang mga mata nya tapos ang angas ng porna nya!
"Baket?" Kaagad kong tanong sa kanya.
Lumapit sya sa akin, kaya medyo napa-step back ako. Baka sapakin ako bigla eh!!
"Don't you dare to come near us. Understand? Nagsorry na kame kaya wala nang dahilan pa para lumapit kayong tatlo sa amin." Sabi nya tapos umalis na sya.
Bipolar ba si Kuya? Sya nga yung lumapit eh, tapos ako yung sasabihan nya!
Saka, grabe si kuya nakaka-offend. -_____-
Madali naman akong kausap eh! Ang kaso si Ms. Samonte ang kinakatakutan ko!!
Ano kaya gagawin ko?! T__________T
BINABASA MO ANG
Guys vs. Gays (BoyXBoy) [Editing...]
RomanceWARNING!!! YAOI OR BOY X BOY PO!!! WAG BASAHIN KUNG AYAW!! XDD