2:

431 5 3
                                    

Vany's POV

Uwaaaaaaaahhh! Ang saya saya ko dahil ako ang magaayos ng mga booths namin para sa Foundation Day!!

Bumaba na ako para pumasok na sa school, at nakita ko ang Mommy and Daddy ko! Well, kahit boy si Mommy, ang pretty nya kaya!!

"Mommy~ Daddy~ Alis na po akooo~" Sabi ko habang papunta ako sa pintuan.

"Ingat ka baby~" Sabay pa silang sumigaw at tumakbo pa para halikan ako sa noo. Hihi! ANg sweet nila!

Tapos nun, umalis na ako ng bahay. Mas maagat kasing pumapasok ang mga Aya ko kaya magisa lang akong pumapasok everyday, pero hinahatid nila ako pag sabay kami umuuwi minsan!

Naglalakad na ako papalabas ng street namin nang may kumalabit sa akin. Nung nilingon ko sya, nakita ko yung Vice President slash bestfriend ko na si Kaii Rodriguez.

"Hi Kaii!" Bati ko sa kanya at ngumiti sya ng malapad.

"Hi Vany! Tara sabay na tayo!" Sabi nya tapos naglakad na kami papuntang school.

Masaya kasama si Kaii. napaka-hyper nya tapos mahilig ding magpatawa! Kaya hindi ka talaga magsasawa o malulungkot kapag si Kaii ang kasama mo. Kaya nga tuwang tuwa ako kapag kasama ko sya!

Grade 12 lang si Kaii, pero hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala dahil hindi halata sa physical appearance nya ang age nya. Sobrang tangkad nya, at halos hanggang dibdib nya lang ako. Sobrang gwapo din nya at parang college na sya!

"Oo nga pala Vany, tulungan na kita mamaya sa pag-plano ng mga booths natin ah?" Tanong nya kaya napangiti ako.

"Sure! Kita tayo sa Coffee Shop after school ah?" Sabi ko at agree naman sya sa akin.

Nang makarating kami sa school ay hinatid nya ako sa 1st floor dahil dun ang classroom ko, habang sya sa 2nd floor. Pareho kaming section A kaya madalas kaming magkasama.

Nang magsimula na ang klase, lahat kami ay nakikinig maigi. Pero nang makarinig ako ng sigawan sa labas ng classroom dahil katabi ko ang bintana, napahinto ako.

May tatlong lalaki ang napapaligiran ng mga sampung lalaki siguro. Puro pasa at sugat na yung tatlong lalaki at mukang pagod na.

"Yes Mr. Salvador?" Tanong ng teacher namin nang magtaas ako ng kamay. Lahat naman sila ay napatingin sa akin.

"Ma'am! There is a fight going on outside our building!" Sabi ko at agad na umarangkada ang teacher namin papunta sa kinauupuan ko at nakita nga nya ang away.

Agad naman syang lumabas nag makita nya na unti unting lumalabas ang mga estudyante at naunuod ng suntukan. Kaya pati kami ay lumabas na.

Nakita ako ni Kaii kaya agad syang lumapit sa akin.

Guys vs. Gays (BoyXBoy) [Editing...]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon