Cian's POV
Nandito nanaman ako sa The Kryann Coffee Shop. Hinihintay ko yung dalawang bruha. Pano iniwan ako kanina habang busy ako sa library. Tss. Ibabalibag ko talaga silang dalawa palabas ng shop na to pag nakita ko sila!
Pero nagulat ako nung may kumalabit sa akin. Nakita ko si Vany. Muntikan ko pa syang mahampas! Akala ko rapist eh! -___-
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya. Umupo muna sya sa harap ko bago sya sumagot sa tanong ko.
"Di naman! Sabi sakin ni Aya (Ateng Kuya) Keno mauna na daw ako eh! Samahan daw kita!" Casual nyang sinagot sa akin.
"Hampasin ko kaya kayong dalawa? Halos isang oras na kaya ako dito!" Sabi ko at nagpeace sign lang ang gagita. Di ko naman mabatukan dahil masyado syang kyut!!
Ako nga pala si Cian Zeldan. 1st year college sa St. Adrian's All Boys School. At yung cuuuuuute na ulzzang sa harapan ko ay si Vanello Salvador or Vany. Dahil muka daw syang Bunny! Hehe! Grade 11 palang sya at minsan lang magkita kaming tatlo dahil iba ang buildings namin.
"Cian, pinapunta ako kanina sa Dean's Office." Biglang kwento naman ni Vany kaya napatitig ako ng masama sa kanya. Ano naman kaya ginawa ng gagita?
"Don't stare at me like that! Wala akong ginawa noh! Masyado akong mabait! Pinatawag nya lang ako dahil malapit na daw yung Foundation Day natin! Kaya naman pinatawag ako dahil ako yung president ng Highschool Division!" Agad nyang paliwanag sa akin na medyo natataranta. Buti naman! Sapakin ko sya eh!
"Ano namang ginawa nyo dun?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Well, may pina-assign sa amin ang Dean. Ang Elementary Division ay gagawa ng mga banners, posters, etc. Ang Highschool Division ay gagawa ng mga booths! While ang College Division naman ang gagawa ng mga shops or mini restaurants!" Sabi nya sa akin at napaisip naman ako.
Kaso biglang dumating yung isa pang gagey. Umupo sya sa tabi ko at hinihingal pa.
"Sensya na mga bhe! Tinakbo ko pa hanggang dito!" Sabi nya at halos mapayuko sa table sa sobrang hingal.
"Ano ba kasi ginawa mo at saan ka nagsususuot?" Tanong ko naman sya kanya.
"Hinahabol kasi ako nung dalawang ex ko! Parehong gustong makipag-balikan! Kaya ayun! Pinagsapakan ko sila sa likod ng school saka ako tumakas!" Agad nyang paliwanag sa amin.
"Ganda nya oh!" Sabi ni Vany at binatukan sya ni Keno.
Yes, all boys school yun pero pinapayagan ang mga same sex relationships. Nakaka-anim na boyfriend na nga itong si Keno eh! PlayGay kase! Ako naman nakaka-isa palang! Habang itong si Vany ay NBSB!
Aba! Baka masapak kami ng magulang ni Vany kapag nagka-boyfriend ng maaga ang gaga!
"Pano naman kase! Hindi sila marunong makuntento! Ikaw na nga itong shungers na ibinibigay ang lahat, tapos nanloloko lang ang mga gago!" Naka-busangot kong sinabi sa kanya.
"Kaya nga agad kong tinakasan eh!" Sabi nya pabalik sa akin.
"Tama na nga yan!" Pagsuway naman nung bata sa harapan namin.
Teka nga... Bakit sya ang nag-sasaway sa amin?! Dinaig nya ako ah!
"Ikaw nga, umorder ka nalang ng gusto mo! Hayaan mo muna kaming magusap!" Utos ko kay Vany.
"Hmph!" Sabi nya at naka-nguso pang tumayo papuntang counter. At tumingin naman ako kay Keno na nakatitig lang din kay Vany.
"Okay, ngayon gagawa tayo ng plano para sa Foundation Day." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman si Keno sa akin.
"May task na tayo sa Foundation Day?" Tanong nya sa akin.
"Yup. Shops or mini restaurants daw ang gagawin ng College Division." Sabi ko sa kanya kaya nagisip sya.
"Anung klaseng shop naman kaya ang atin?" Tanong nya sa akin kaya napaisip din ako.
Pero naputol ang pagiisip ko nang makita kong may kinakausap na ibang lalaki ang gagitang batang nasa counter!
"Keno!" Sabi ko at napatingin sya sa direksyong tinitignan ko.
"Ako na." Sabi ni Keno at lumakad papunta kay Vany.
Agad nya itong inakbayan at umastang boyfriend. Lumayo namna ang lalaki matapos kumaway kay Vany. Pakaway kaway pa! Sipain ko sya eh! Papasabugin ko muna ang future nila bago sila makalapit kay Vany!
"Aya naman eh!" Medyo nagdadabog pa si Vany nung makabalik sya sa upuan namin na may dalawang tatlong frappe.
"Tse manahimik ka! Lagot kami kina Tito Khimm at Tito Dayle!" Sabi ni Keno at natauhan si Vany.
"Ayyyt. Oo nga pala!" Sabi nya at nagpeace sign ulit.
"Pasalamat ka kyut kang bata ka!" Sabi ko at humigop ng binigay nyang frappe.
Nagtatawanan naman kami dahil kung anu ano ang mga kinukwento namin sa isa't isa. Hanggang sa namalayan namin na gabi na pala. Hinatid ko na si Vany gamit ang kotse ko dahil may sariling kotse naman si Keno papauwi sa kanila.
"Thanks Aya! Bye bye~" Sabi nya at sobrang kyut na kumaway sa akin. Kumaway naman ako pabalik at hinintay na pumasok sya ng gate nila bago ako nagdrive papauwi.
Ano kayang magandang shop para sa Foundation Day???
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Halooo!! First Chapter na ituu mga bhe! XD Si Cian nga po pala yung picture sa side! Cute nya nuuuh? Wehehehe! Next chapter na yung picture ni Vany para malaman nyo na cute din sya! XDD Mahilig ako sa cute eh!!

BINABASA MO ANG
Guys vs. Gays (BoyXBoy) [Editing...]
RomanceWARNING!!! YAOI OR BOY X BOY PO!!! WAG BASAHIN KUNG AYAW!! XDD