Keno's POV
Hay nako!! Sasapakin ko talaga yung tatlong gago na yon! Sinaktan nila si Baby Vany Labidabs ko!! >___
Ni hindi nga namin pinapadapo sa langaw yun eh! Tapos bigla nilang gaganunin??!! AAAAHHH!!!!!
"Alam kong galit na galit ka dun sa tatlo. Hayaan muna natin na sina tito muna ang umasikaso neto. Kapag hindi parin gumana, saka natin sugurin." Mabilis na sinabi sa akin ni Cian kaya tumango nalang ako. Mas bayolente to eh!!
Nung nakarating kami sa bahay nina Vany, kinabahan ako bigla! Pano kung hindi na nila ipagkatiwala si Vany sa amin?!! Ayoko nuuun!!
Hinawakan ako ni Cian sa braso nung napansin nya na hindi pala ako sumusunod sa kanya papasok ng bahay. Nakita namin sina Tito Khimm at Tito Dayle na nanunuod ng movie sa sala nila.
"Hi po!" Sabay naming bati ni Cian.
Agad naman silang napatingin sa amin at medyo nagulat nang makita nila kaming dalawa.
"Cian? Keno? Anong ginagawa nyo dito? Nasaan si Vany?" Agad na tanong ni Tito Dayle. Nakakatakoooooot!!
"Uhhm... Pinapatawag daw po kayo ng Dean namin." Yun nalang ang sinabi ko dahil maski si Cian ay hindi alam kung ano ang sasabihin.
Tinignan muna nila kami bago sila tumayo.
"Sige. Wait for us here. Magbibihis lang kami." Sabi nila at parehong umakyat sa taas.
"Takot ako bhe." Bulong ko kay Cian. Siniko nya naman ako kaya medyo napalayo ako sa kanya. Bayolente as ever. -___-
"Ikaw lang ba? Ako din kaya!" Sabi nya tapos binelatan ko lang sya.
Napatigil kami sa paghaharutan nung narinig namin na pababa na sina Tito Khimm at Tito Dayle. Agad nila kami sinenyasan na lumabas na kay ginawa namin ito.
"Susunod nalang kami. Magkita nalang tayo sa Dean's Office." Sabi ni Tito Dayle kaya sumunod kami ni Cian sa kanila.
Nung nasa school na kami, nagpunta kaagad kami sa Office ng Dean namin. Nakita namin sya sa nakaupo ng maayos at nakatingin sa amin. Nandun yung tatlong kumag na naka-disgrasya kay Vany.
Naramdaman ko na parang kumukulo yung dugo ko sa kanila. Pero pinipigilan ko yung sarili ko dahil baka mamaya ay ako naman ang ipastay ng Dean sa Office nya.
"Good Morning Mr. Salvador. Nandito na pala kayo." Sabi nung Dean namin. Napaupo kami ni Cian dun sa may gilid, habang yung tatlo naman ay katabi namin at sina Tito Khimm at Tito Dayle ay kaharap ang Dean.
"Yes Ms. Samonte. What can we do for you? May nangyari ba kay Vany?" Tanong agad ni Tito Khimm sa Dean namin.
"Vany is in the clinic today because of an accident. These three boys are in a huge fight outside the Highschool Building, and unfortunately itong si Mr. Lazaro ay nawalan ng balanse habang nakikipag-away and he landed on your son." Kalmadong paliwanag ng Dean sa kanila.
Buti pa yung Dean namin kalmado!! Habang kami ni Cian ay halos nagha-hyperventilate na dahil sa nerbyos!!
"What?!" Napasigaw sina Tito sa harap ng Dean at napatingin sa tatlong lalaking katabi namin.
"Lagot na..." Bulong ni Cian kaya yung tatlong lalaki ay napatingin din sa amin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BINABASA MO ANG
Guys vs. Gays (BoyXBoy) [Editing...]
RomanceWARNING!!! YAOI OR BOY X BOY PO!!! WAG BASAHIN KUNG AYAW!! XDD