CHAPTER 1Napabuntong-hininga na lamang si Sophia habang hinihilot niya ang kanyang batok. Tambak ang kanyang paper works dahil isang linggo siyang 'di nakapasok sapagkat inimbitahan siya sa kasal ng kanyang pinsan na nandoon sa Europe. Siya ang ginawang Maid of Honor nito. Tumayo siya sa kanyang swivel chair at nag stretch.
' Uggh! I wanna go home' bulong niya sa sarili. Matapos niyang mag unat ng kanyang katawan ay dinampot niya ang kanyang bag at cellphone at saka lumabas ng opisina.
Pagkalabas niya ay agad siyang tumungo sa elevator at pinindot ang button para sa VIP Parking lot. Nang makarating sa parking lot ay sumakay siya sa kanyang kulay asul na Volkswagen Taigun at tinawagan ang kaibigan na si Audrey."Hello Sophia? Where are you na ba?" maarte nitong tanong. Napairap na lamang siya. "I'm on my way na Aud, don't worry". Hindi niya na hinintay na sumagot ang kanyang kaibigan at ibinaba niya ang kanyang tawag.
Habang nagmamaneho ay nagpatugtog siya ng 'Shout out to my ex' ng Little Mix.
This is a shout out to my ex
heard she's inlove some other chic
yeah yeah that hurt me
I'll admit
forget that boy I'm over it
Naaliw siya habang sinasabayan ang kanta. Ito ang naging break up song niya nung naghiwalay sila ni Jasper five years ago.
Guess should I say thank you
For the "hate you's" and the tattoes
Oh baby I'm cool by the way
Natatawa na lamang siya sa sarili habang naalala niya ang kanyang ginawa noon nang maghiwalay sila ng dating nobyo. Gumawa na siya ng suicidal note at akmang ibibitay niya ang kanyang sarili ngunit nabigo siya sapagkat nakikiliti siya sa leeg. Pagkatapos nang insedenteng 'yon ay di niya na nagawang sumubok muli.
Pagdating niya sa Coffee shop na itinext ni Audrey ay pinark niya ito sa harap. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pumasok na sa loob.
"Good Evening Ma'am" bati sa kanya nang staff. Ngiti lamang ang kanyang tugon nito. Iginala niya ang kanyang paningin. 'Hmm this place is quite minimalist I like it' sabi niya sa isip.Ang coffee shop ay kulay puti lahat ang pintura, maganda ang Interior nito. Kahoy ang Mesa nito maging ang upuan ay kahoy din pero may throw pillow na kulay ang itim na nakapatong sa ibabaw nito ang mga ilaw ay nilagyan nila nang naka-square na kahoy. May mga maliliit na halaman sa ibabaw ng mesa na siyang nakadagdag ng ganda sa kabuuan.
Napukaw ang kanyang atensyon nang may tumikhim na isang lalaki sa kanyang likod. Kunot-noo niya itong nilingon at sa 'di inaasahan ay napatitig siya sa kabuuan nito. Prenteng nakatayo ito sa kanyang harap habang nakapamulsa. Nilalabanan ng lalaki ang kanyang titig, pansin niyang nakasuot ito ng Chef Jacket at naka itim na slacks.
Muli itong tumikhim na siya namang ikina gisisng ng kanyang diwa. "Good evening ma'am, Do you have any reservations?" Bago pa man siya makasagot ay nag salita si Audrey, "Yes, Baste she's with me" sabay nilang tiningnan ito habang naglalakad papunta sa kanilang kinatatayuan. Nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa dalawa. "Baste she's my best friend Sophia, Sophia this is my cousin Baste" ani Audrey. Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay at pormal na nagpakilala, "Hello Sophia, I'm Sebastian. Pleasure to meet you" tinanggap naman niya ito, "Hi, I'm Sophia. Nice to meet you too." saglit silang nagkatinginan saka nila binitawan ang kanilang kamay.
"So, pano Baste. We'll go upstairs na. I'm starving na kasi eh" ani Audrey.
Kunot noong tiningnan ng lalaki ang kanyang kaibigan, "Will you please stop calling me Baste, Audrey? sounds irritating""Duh! Whatever! I don't care" sagot niya sa pinsan at hinila si Sophia patungo sa kanilang table. Pagka upo'y ang lalaki ang laman ng kanilang pag-uusap. "You didn't tell me na meron ka palang gwapong pinsan" she smirked. "Duh! as if namang magugustuhan mo siya! He's not your type nor your ideal man Sophia. I know you're taste girl. Hindi siya pasok sa standard mo" natatawang sagot ni Audrey habang kinakain ang Sweet Dough Pie na kanyang in-order. "Malay mo" nagkibit balikat siya at tinikman ang blueberry cheese cake. "Hmm... this is so good. I love this! Who made this?" bulalas niya habang nginunguya ang cake. "He made that" ngising sagot ni Audrey. Tumaas ang kanyang kilay, "Who do you mean by " he"? You're cousin? " ulit niyang tanong. " Of course. He owns this place girl. Siya rin ang gumagawa ng cakes and pastries" napaawang ang kanyang mga labi. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Audrey. Seriously? Lalaki? gumagawa ng cake? tanong niya sa kanyang isip. Ngayon lang niya napagtanto kung bakit nakasuot ito nang chef jacket. "Masarap siya to be fair" ngising tugon niya. Namilog ang mga mata ni Audrey, "Hoy girl! baka mag think ka na he's good in bed. FYI, he's virgin pa ha? His whole life is umiikot lang sa family and work niya. He's a bread winner, three silang magsiblings and he's the eldest" umismid siya, "Tss. Don't fool me Aud, we are now in year 2022, walang lalaking virgin pa ngayon. Sa gwapong niyang 'yon?!" ibinaba ni Audrey ang kanyang kinakaing pie at saka humigop ng kape. "Yes believe me girl! I'm his cousin" inirapan niya lang si Audrey at nagpatuloy siyang kumain.
Matapos kumain ay bumaba na sila, Audrey ask the cashier if where's her cousin and the girl responded na nasa kitchen daw ito. "Will you please call him? He's not too busy right? Magpapaalam lang sana kami" tumango ang cashier, "Sige po ma'am, tawagin ko po muna si Sir"
habang naghihintay sila ay may pumasok na customer. "Good evening Ma--... Kylaaaaaa! OMG! How are you?!" hindi na natapos ang pagbati ni Audrey sa customer nang mapagtantong kaibigan niya pala sa High school ito. "Girl talk lang kami saglit ha?" pagpapaalam ni Audrey kay Sophia, tango at ngiti lamang ang tugon niya nito. Lumabas ang cashier sa mula at kitchen, "Ma'am pasok lang po daw kayo sa loob" sabi niya.Tumango siya at kumatok sa kitchen, "Pasok" binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob. "Hi ulit" aniya, napahinto si Sebastian sa pagdedesinyo ng cake, at tumingin sa kanya. "Oh? ikaw pala Sophia, come in. Give me a minute, sorry I have to finish this" sagot niya at itinuon uli ang atensyon sa kanyang ginagawa. Ngumiti siya at humakbang papalapit sa lalaki, "So, this is your place pala. I didn't know na may pinsan si Audrey na Pastry Chef" panimula niya. "What should I call you by the way? Is it okay if I call you Baste? or should I call you Sebastian talaga?" magkasunod niyang tanong. Inilagay ni Sebastian ang piping bag sa ref at isinunod naman ang cake saka niya hinarap si Sophia. Ngumiti siya at namulsa,
" Just call me Seb" maikling sagot nito. Tila may kung anong kiliti sa tiyan ni Sophia nang makitang ngumiti si Seb. Tinitigan niya ang buong mukha nito mula sa makakapal niyang kilay, kulay tsokolateng mga mata, matangos na ilong hanggang sa mapupula nitong mga labi. She never felt like this before. Parang nalulunod siya sa mga titig nito, 'He's so perfect' sabi niya sa isip. "Are you okay Sophia? Bigla ka yatang namula? May lagnat ka ba?" nag aalalang tanong ni Seb. "Wala akong lagnat, kinilig lang ako kaya namula ako" walang pag aalinlangang sagot niya kay Seb. Napako naman ang tingin sa kanya ng lalaki, tila hindi ito makapaniwala sa kanyang sagot. Humakbang pa ng papalit si Sophia hangang sa ilang pulgada nalang ang pagitan sa kanilang mukha. Tumingkayad siya at siniil niya ng halik ang lalaki, biglang napaatras si Seb sa kanyang ginawa. Ngumisi siya, "Tss... First time? Alis na kami ha? Bye" hindi na nakasagot si Seb. Nakatulala itong sinundan siya ng tingin, parang hindi pa ng sink in sa kanyang utak ng nangyari.Pagkalabas ni Sophia ay inaya na niyang umuwi si Audrey. May napansin agad ang kaibigan at tinanong siya, "Why are you smiling like that? Is there something happened?" ngumisi lang siya at pumaunang naglakad patungog parking lot.
To be continued...
YOU ARE READING
Possessive Series: Sophia Charlotte Loughty
RomantikSophia Charlotte Loughty is a business woman from her own Advertising Company, the SCAC. She's one of hell woman when it comes to business, wala siyang pinapalagpasan. Aside from being a Business woman, she's also a Goddess, an Independent Daughter...