BOM 13 (TAKBOOO!)

2.5K 29 0
                                    

Continuation..

Angela's POV

"dude, una na kami" sabi ni Alex

"salamat pala at pati na rin sayo Angela" sabi ni Marko

Tapos na kasi silang sumayaw este kami tapos kuwentuhan din.

Wag niyo ng alamin kung ano pinagkuwentuhan namin.

Alam ko na pangalan nila! ^.^

"salamat din! nagenjoy ako kanina" sabi ko

Nalaman kong nagaaral din pala ang dalawang to sa Wilson Academy.

Akala ko.. tambay lang sila XD

"ingat na lang kayo" sabi ni Ced

Umalis na yung dalawa.

"sa susunod ulit!" pahabol ko

Nagsmile lang sila sa akin.

Mababait pala sila! akala ko hindi kasi sa itsura nila.

Sabi nga nila.. don't judge the book by its cover ^___^

Ai! kinompara ko naman sila sa libro.

"Hatid na kita" -Ced

"wag na! maglalakad na lang ako"

"sige na! hahatid lang naman eh"

"maglalakad lang ako"

"baka marape ka!"

Sus! marunong kaya akong magmartial arts! ^____^

***

Eto kami ngayon, naglalakad.

Medyo maaga pa naman mga 3:00 pm.

Di naman pala siya maarte eh. Sinabayan pa ako sa paglalakad tapos maglalakad ulit pabalik sa kanila.

Gusto ko siyang ihatid baka kasi ihatid niya ulit ako tapos ihahatid ko na naman siya.

Yun bang.. walang katapusang hatid XD

"Gela, gusto mong mangtrip?"

"mangtrip? paano?"

"manuod ka"

Lumapit siya sa isang bahay.

"hoy! anong gagawin mo!" sigaw ko

"ssh.. wag kang maingay!"

*ding *dong *dantes

Waaaaaaaah!

Pinindot niya ang doorbell!

Loko to ahh >____<

Biglang may lumabas na matandang babae. Mukhang masungit!

"TAKBOOO!" sigaw ni Ced

Tumakbo na lang ako. Narinig ko nga yung matandang sumigaw.

"WAG NA KAYONG BABALIK DITO!"

Tumatakbo pa rin kami habang tumatawa. Parang baliw lang.

Ang saya pala nito! ^____^

Huminto na naman si Ced sa isang bahay.

*ding *dong *dantes

Nakakapagtaka.. bakit halos ng doorbell ay may dantes?

O______o

Yaaaay! may lumabas na lalaki na sobrang laki ang katawan!

Hala! nakakatakot! >3<

"TAKBOOO!"

Binilisan ko ang pagtakbo.

Humahabol si manong!

Sana di niya kami maabutan! T____T

"HOY BUMALIK KAYO DITO!"

Waaah! galit na galit si manong!

Akala ko masaya yun pala nakakapagod! T3T

Nakalayo kami kay manong. Ng biglang matanggal ang isang sapatos ko.

"hoy Ced! yung sapatos ko!"

"gusto mo pang balikan yun? papalitan ko na lang!"

"sabi mo yan ah!"

Haaay.. kakapagod tong araw na to! naiwan ko pa yung isa kong sapatos =____="

Di na pwedeng balikan yun dahil nakuha na ni manong T_____T

Pero.. papalitan naman ni Ced.

Baka yung original pa?

Imitation lang kasi mga sapatos ko eh.

Dapat pala.. lagi kong naiiwan ang sapatos pag kasama si Ced para palitan niya.

Tapos.. original na lahat! hihihi ^___^

Abusado naman ako =______=

Boys Over ME?! (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon