Angela's POV
Bukas na ang kasal namin.. excited na ako at medyo kinakabahan.. ewan ko ba!
Nandito ako ngayon sa sementeryo para dalawin si papa at Peejhay. Magkatabi lang kasi sila ng puntod.
"Peejhay.. sorry kung ngayon lang ako dumalaw.. alam mo ba, ikakasal na ako bukas! sayang wala ka na at di mo ako makikita.. kung buhay ka pa siguro tayo ang ikakasal.. kaso wala eh! diba dapat sabay tayong mamatay? kaso nauna ka.. madaya ka! pero ng dahil sayo, nakikilala ko si Paul.. siguro pinagtagpo mo kami no? binulungan mo siguro si Lord para ihanap ako ng lalake na magmamahal sa akin.. na magiging kapalit mo.. sana naman lagi mo akong babantayan.."
Pinunasan ko ang mga luha ko.
"oo naman"
O_________O
Luuuh! nagsasalita ang puntod?! O.o
"Peejhay! wag mo naman ako takutin oh!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Humarap ako sa likod ko..
Potek! si Paul pala! >_> pinalo ko siya sa balikat.
"langya ka!"
Hindi niya ako pinansin. Aba!
"pre, wag kang magalala ha! aalagaan ko si Angela. Pag sinaktan ko siya, multuhin mo ako. Pero di naman mangyayari yun eh, mahal na mahal ko si Angela. Kung di ka pala namatay, kayo pa! buti na lang at namatay ka na kundi di siya magiging akin" sabi niya
"PAUL!!" sigaw ko
Anong pinagsasabi niya?! >__<
"joke lang yun! oi pre.. wag mong seryosohin yung sinabi ko! ayokong mamatay ng dahil lang sa tinakot mo ako! kailangan ko pang pakasalan si Angela at magkakaroon kami ng maraming anak! pwede na siguro yung bente"
Binatukan ko siya.
"che! kausapin mo naman si papa! lagot ka sa kanya sige.."
Lumapit siya sa puntod ni papa.
"hi dad! ikakasal na po kami bukas ni Angela. Punta ka po! hatid mo siya sa altar"
Nakakakilabot naman ang sinabi ni Paul!
"promise ko po sa inyo, hinding hindi ko sasaktan si Angela. Mamahalin ko siya. Magiging mabuti po akong asawa. Siya po kase ang boss ko! dapat siya lang ang sundin at paniwalaan ko kahit na anong mangyari.. kapag po nanlalake siya, kayo na bahala. Kayo na ang magparusa sa kanya. Ako naman po ay lagot kay Peejhay pag may ginawa ako kay Angela. Bantayan niyo po siya at pati na rin ako!"
Naiiyak ako sa mga sinabi niya..
Niyakap niya ako.
"I love you cream!"
"I love you too cookie!"
Tapos nagkiss kami.
.
.
KINABUKASAN..
"ang ganda mo talaga anak!"sabi ni mama
Natapos na kasi akong magpamake up. Susuotin ko na maya maya yung wedding gown ko.
"syempre ma! mana sayo eh!"
Konting oras na lang at ikakasal na kami ni Paul. Magiging Mrs.Angela Serrano na ako! hihihi ^______^
"ang bilis naman anak.. ikakasal ka na!"
"oo nga po eh! kinakabahan tuloy ako.."
"ganyan talaga"
BINABASA MO ANG
Boys Over ME?! (ONGOING)
RomanceCopyright ⓒ 2013 by FairyWings07. ALL RIGHTS RESERVED. A story of a Girl who live as a simple Nerd,but one day she met four boys that made her simple life up side down.This four boys who will make her heart beats too fast.