Angela's POV
Wooh.. kakapagod kagabi! pero enjoy naman ^____^
Pagkatapos akong isayaw ni Ced, sinayaw ako ni Gab, Jam at Paul.
Last dance ko si crush! <3 hahaha!
Sabado ngayon at walang pasok.
May mangyayari ngayon!
Actually, masakit nga eh </3
Liligawan ni Paul si Giselle. Huhuhu T^T
Sana naman di sagutin ni Giselle si Paul!
*FLASHBACK*
Sumasayaw kami ni Paul sa tugtog na Buko.
Theme song namin. Hahahaha joke XD
"bespren, tulungan mo akong manligaw kay Giselle bukas"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"bukas?"
"oo, bakit?"
"wala lang.. bakit di mo agad sinabi?"
"nakalimutan ko eh"
Ai -____-
"nakaready na?"
"oo naman! last week pa"
"ahh.. sige una na ako"
Umalis na lang ako.. pupuntahan ko na lang si Giselle.
Syempre masakit marinig na mahal niya talaga si Giselle pero wala na akong magagawa.
Bespren lang naman niya ako diba? <|3
*END OF FLASHBACK*
Nakaready na ang lahat gaya nga ng sabi ni Paul.
Ang gagawin ko ay tatawagan si best.
Kailangan kong maging masaya.
Pero deep inside, medyo nasasaktan ako..
Ganun naman talaga diba?
Kapag di ko tinulungan si Paul, magagalit siya.
Ayoko naman maging selfish..
Dapat maging masaya ako sa gagawin ni bespren! tama!
Giselle's POV
Ano kaya magandang gawin ngayon?
Alam ko na! magmamall na lang kami ni best ^__^
Okay. Tatawagan ko siya!
Calling..
Best Gelai
Ayiieee~ siya pa talaga yung tumawag!
"hello best!" sagot ko
(HI! PUNTA KA MAMAYA SA HARLEM SWEETS 7:00 SHARP!)
Grabe naman kung makasigaw! di naman ako bingi =_____=
(a/n:Yay! sorry po kung HARLEM SWEETS ang ginawa kong pangalan. Uso kasi ngayon ang HARLEM SHAKE eh XD)
"eh? anong meron bakit *toot *toot"
Arrgh! bakit niya inend?!
Pupunta na nga ako baka magtampo pa si best.
*Harlem Sweets
*____*
Wow! ang ganda ng pagkakaayos!
May red carpet na may petals, may nakasabit na heart shape, may mga balloons sa sahig at may maliit na stage.
Teka.. anong meron?
Nasaan si Angela?
"♪mabuti pa sa lotto
may pag-asang manalo
di tulad sayo, imposible♪"
O_________O
Anong ginagawa niya dito?!
Tsaka anong meron bakit siya kumakanta?
Nakakainis naman si best!
Nasaan na siya?! >_____<
"♪prinsesa ka, ako'y dukha
sa tv lang naman kasi, may mangyayari♪"
Papalapit sa akin si Paul.
Tss. Anong kalokohan na naman to?
"♪at kahit mahal kita, wala akong magagawa
tanggap ko to aking sinta
pangarap lang lang kita♪"
Bigla siyang lumuhod at binitiwan ang microphone.
"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"
Syempre ang isasagot ko ay isang malakas na
"NO" sagot ko at tumakbo na papalayo
Angela's POV
Nagtataka kayo kung bakit sa Harlem Sweets pinili ni Paul?
Eh kasi di lang siya basta basta resto. May isang room na pwedeng rentahan at sila na ang bahalang magaayos.
Nandito ako sa likod, pinagmamasdan ang dalawa.
Lumuhod na si Paul.
"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"
"NO" sagot ni Giselle at tumakbo na papalyo.
Di ko na siya sinundan.
Sabi na eh! di niya sasagutin si Paul.
Haist. Siguradong naiinis siya sa akin. Sorry best!
Lumapit ako kay Paul.
"okay ka lang?" tanong ko
O____o
O////O
Bigla niya akong niyakap.
"tara uwi na lang tayo" sabi niya at umalis na sa pagkayakap
Makikita mo sa mata niya ang lungkot.
Bakit ganun? di ba pwedeng pag gusto mo ang isang tao, gusto ka rin niya?
Kung ganun lang.. siguradong sasaya ang lahat!
Pero hindi rin.. paano yung iba?
Madami ring masasaktan.
***
Nandito ako sa bahay ni Paul at nasa kwarto niya.
Ewan ko ba kung bakit may alak.
Malamang iinom siya Angela -___-
"gusto mo?" tanong ni Paul sabay abot ng alak
"pasensya ka na di ako umiinom"
"sige na ngayon lang"
"konti lang ah!"
Di naman kasi ako umiinom. Kahit konti lang nalalasing na kaagad ako.
After 5 minutes..
"alam mo *hik bakit di niya ako kayang mahalin *hik"
"oo nga *hik ewan ko ba *hik sha babaeng yun.. chooshy!"
Okay. Lasing na ako =____=
"bakit *hik shiya pa ang minahal ko *hik"
"ewan ko shayo *hik eh nandito *hik naman ako"
"shana ikaw na lang *hik ang una kong *hik nakilala shimula pa noon"
Lumapit ako sa kanya.
*tsup*
O//////O
Sa oras na ito, ay naghahalikan na kami.
Nabigla ako sa ginawa ko pati si Paul pero tinanggap niya ang halik ko.
Naamoy ko ang alak sa bawat hininga niya.
AKO NA LANG PAUL.
BINABASA MO ANG
Boys Over ME?! (ONGOING)
RomanceCopyright ⓒ 2013 by FairyWings07. ALL RIGHTS RESERVED. A story of a Girl who live as a simple Nerd,but one day she met four boys that made her simple life up side down.This four boys who will make her heart beats too fast.