Angela's POV
"ARAY!"sigaw ko
"masakit ba talaga cream?"
"oo naman cookie! dahan-dahan ka nga! huhu"
"wag ka kasing malikot!"
"ARAAAAAYYYY!"
"ganun ba talaga kasakit para sumigaw ka ng ganyan kalakas cream?"
"SISIGAW BA AKO NG GANITO KUNG HINDI MASAKIT?!"
"di naman kalakihan ang hiwa!"
"MAHAPDI NGA!"
"manahimik ka na lang"
Ginagamot ni Paul ang daliri ko na nahiwa kanina habang hinihiwa ang punyaterang sibuyas.
Naiiyak ako habang ginagawa yun kaya nagshades ako para di maiyak.
Pero imbes na yung sibuyas ang nahiwa ko, yung hinlalaki ko.
Ako rin may kasalanan kase may pashades-shades pa akong nalalaman.
"sipsipin mo na lang cookie"
"ano ako, bampira? tsaka may betadine na yan! kadiri"
"arte mo! hinlalaki naman yan ng taong mahal mo!"
Nilagyan na niya ng band aid tsaka hinalikan.
"tapos na cream! di na masakit yan kasi may kasamang halik na punong puno ng pagmamahal"
"asus! pakiss nga cookie!"
"tara sa kwarto tayo cream"
"di pa ako ready! pagkatapos na lang ng kasal"
"sige sabi mo yan"
Binisita ko kasi si Paul at ipagluluto sana siya kaso di natuloy dahil nasugatan ako.
"cream magdedeclamation ako"
Tumayo siya sa harapan ko.
"*ehem* ehem* sa gabing madilim at mainit, may dalawang nagmamahalan na bumubuo ng pag-ibig. Nakalock ng maigi ang pinto, bawal may sumilip. Nakatago sa kumot, naglalaro ng bahay-bahayan at paglabas ay magiging tatlo tapos tsaka nila uulitin"
Tumayo ako at sinapak siya.
"tumigil ka nga!"
"aray cream! ang sakit ng pisngi ko!"sabi niya habang hinahaplos ang kaliwang pisngi
Tinignan ko ang pisngi niyang namumula.
Hala! napalakas ata! O.o
"sorry cookie! kaw naman kasi eh! saglit lang at kukuha ako ng ye--"
Nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ako.
Titigil na sana siya kaso nilagay ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya at tinuloy.
Laplapan time! ^o^
Napahiga kaming dalawa sa sahig. Nakapatong siya sa akin. Naghahalikan na para bang wala ng katapusan at hindi na ako makahinga.
"AI JUSKO!"
Napatigil kaming dalawa ni Paul at tumingin kay manang na nagsisign of the cross.
Tumayo ako kaagad at inayos ang sarili.
Feeling ko mukha na akong kamatis T3T
Grabe! nakakahiya yun! >////<
"a-ano po kailangan niyo?"tanong ni Paul
"nasa garden sina Sir Jam at iba pa niyang kasama"
"sige po manang pupunta na kami ni Angela"
Umalis na si manang pero may binulong siya na narinig ko naman. "binata na talaga ang alaga ko! hihihi"
BINABASA MO ANG
Boys Over ME?! (ONGOING)
RomanceCopyright ⓒ 2013 by FairyWings07. ALL RIGHTS RESERVED. A story of a Girl who live as a simple Nerd,but one day she met four boys that made her simple life up side down.This four boys who will make her heart beats too fast.