TKG5: MY Kuya :)

12 0 0
                                    

''Janine, anak? Tanghali na. Bumangon ka na d'yan.'' Sabay katok ni Mama sa pinto na ikinagising ko. ''Opo, Ma! Five minutes.'' sabi ko habang kinukuskos ang mga mata ko.

Haaay. Antagal pala ng tulog ko. 8:30 na kasi sa alarm clock ko. Paano ba naman kasi, naiintriga pa rin ako sa narinig ko kagabi. Aish, ano ba naman yan!

Pumasok na ako ng banyo at naligo. Bumaba na din naman kaagad ako. Eh? Ba't ang tahimik ng bahay? Dati naman pag ganito, maingay at magulo ah.

''Good morning, Ma, Pa at K-kuya...'' Bati ko sakanila. Ba't naman ganyan itsura ni Kuya? Nakakatakot tuloy. Galit na galit eh. Eer, naalala ko na naman yung kagabi. Sinabi niya kaya kina Mama at Papa yun? Bungangero pa naman to.

''Oh, kumain ka na anak.'' Sabi ni papa. Nag nod lang ako. Ano ba yan! Bat ang seryoso ng mga tao dito ngayon? Naninibago tuloy ako.

''Kuya? Sino yung katawag mo kagabe? May girlfriend ka na ba? Aba kuya, umaasenso ka na! Haha! Alam niyo ba, ma at pa, si kuya narinig kong may katawag kagabi. Binata na! Hahahaha'' Pagbabasag ko ng katahimikan. Tawa lang ako ng tawa ng makita ko ang reaksyon nilang lahat. Tinitignan lang nila ako. Eh? Ba't ganyan sila?

Tinignan ko si Papa, tinuloy niya lang ang pagkain niya. Si Mama naman, tinignan lang ako at ngumiti ng kunti. Teka, ba't parang malungkot si Mama? Si Kuya naman tahimik lang. Ba't ganyan siya? Kapag ganto naman, bumabanat din siya ah. 'May problema ba? Ma? Pa? Kuya?'' Tanong ko sa kanila. Kasi naman, naninibago talaga ako. Kung wala, edi sana nakisabay na sila kanina pa diba? Pero, hindi eh. Batid kong may problema. Kagabi pa to.

''Ma? Pa? Kuya? May problema ba? Ba't naman kayo ganyan? Ano bang nangyayare?'' Pagtatanong ko sa kanila ulit pero yumuko lang silang tatlo. ''May tinatago ba kayo sa'kin? Ma? Pa? Kuya?'' Naiiyak na ako. Ba't sila ganyan? ''ANO BA?! BA'T DI NIYO KO SINASAGOT?! ANONG PROBLEMA?!'' This time, naiyak na talaga ako. Nagulat naman sila sa pagsigaw ko, kahit na ako. Ugh, enough for this. Tumakbo nalang ulit ako pabalik sa kwarto ko.

Ba't sila ganon? Alam ko namang may problema eh. Ramdam ko. Pero bat di nila sinasabi sakin? Ang daya ah, sila alam nilang lahat ang problema ko. Samantalang ako, walang kaalam alam sa problema nila.

Iyak lang ako ng iyak, tumahimik ka. Hindi ako OA. Di ko kasi maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nakakaramdam ng matinding lungkot ngayon. Instincts eh? Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.

Nagising ako bandang ala 1 na. Grabe yung tulog ko ah. Bumaba ako para hanapin sila Mama at Papa at Kuya, magsosorry lang ako.

Pero, wala akong nadatnan na tao. Eh? Asan sila? Nilayasan na ba nila ako? Di naman din. Ang OA na kung ganun. Hinanap ko sila sa kusina, wala, labas, wala. Kaya umakyat ulit ako papunta sa kwarto nila Mama at Papa. Naka open ang door?

Since nakaopen ang door ay pumasok nalang ako. ''Ma? Pa?'' tawag ko sa kanila habang hinahanap sila. Wala namang sumasagot. Hays, wala talaga siguro sila dito. Aalis na sana ako ng may napansin akong papel na linipad ng hangin. Nakabukas kasi ang electric fan nila sa kwarto.

Lumakad ako papunta sa papel at kinuha yun. Baka kasi importante. Ilalagay ko na sana ang papel sa table nila Papa at Mama ng aksidente ko itong mabasa.

Certificate of Adoption

''Certificate of Adoption?'' Adoption? Bakit meron sina Mama at Papa nito? May inampon ba sila na di namin alam ni Kuya? Dahil na rin sa curiousity ko ay binasa ko ito lahat, i dont know, pero kinakabahan ako. Possible kayang isa samin ni Kuya ang ampon? Aish! Hindi! Totoong kapatid ko yung mokong na yun!

Certificate of Adoption

This is to certify that Elizabeth Thomas and Fernando Thomas legally adopted Laurence De Sidro in this 18th Day of March year 19---

''Janine.'' Kaagad akong napalingon sa isang tao na ngayon ay nakatayo malapit sa cabinet nila Mama at Papa.

''Pinilit ko. Pinilit kong unawain ang lahat at intindihin sila. Sinubukan ko. Sinubukan kong itago ang lahat sayo. Natatakot kasi akong mangyari na isang araw, paggising ko. Di mo na ako kilalanin, mahalin at pahalagan tulad ng dati. Importante ka sa'kin, Nwebe....'' Di ko na napigilang umiyak. Bakit ganto? Totoo ba'to?

''Wag ka ngang umiyak, pumapangit ka lalo eh! Maawa ka naman, baka hindi ako makatulog mamaya.'' Sabi niya habang pinapawi ang mga luha ko gamit ang kamay niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

''Tse! Ako nga araw araw di makatulog dahil araw araw kong nakikita yang mukha mo. Haha.'' Pambabara ko dito saka ko siya niyakap. ''Kuya, mabuti naman at bumalik ka na sa dati. Namiss ko yon ah! Ang seryoso mo kasi. Kagabi pa. Haha!'' Sabi ko sa kanya. Di pa rin ako bumibitaw sa yakap. Minsan lang kami ganito. Susulitin ko na. ''At, kuya, hindi mo naman kelangan ikatakot yun! Dahil hindi kailan man yon mangyayari. Drama mo ha, pero infairness! Natouch ako! Haha'' Kahit nalaman kung di ko talaga siya totoong kapatid sa dugo, para sa'kin, magkapatid naman kami sa puso. Ansabe, ang lalim nun! Hahaha!

''Eliza-- Mga anak? Anong ginagawa niyo dito?'' Napalingon kaagad kami ni Kuya kina Mama at Papa na bagong dating lang. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. ''Pa, Ma, Family hug?'' Tsaka ko inextend ang isa kong kamay sa kanila. Ngumiti naman silang dalawa at lumapit din para maki hug.

''Family hug! Yohooo!'' Sabi ko habang kayakap sila. Ang saya ko ngayon, dahil kumpleto pa rin kami at dahil dun, i feel blessed. Si Luhan nalang talaga. Haha.

''We are one! Ajaa! Haha'' Sigaw ko ulit. Mala EXO lang eh? Haha. Pabayaan niyo na. Moment ko ituuu, at ang pang wakas, ''Laurence, hyung. Saranghae!'' Sigaw ko ulit at nginitian si Kuya ng pagkawagas. Si Kuya naman, clueless. Actually, sila lahat. Haha. Yeah, 'Hyung', wag kayong makulit, ayaw ko ng Oppa, kasi parang iba ang rating? Haha. Basta yun, kaya yun. Hyung :)

''Ano yun?'' Tanong niya, nagbitiw na rin kami sa Family Hug namin. Hehe.

''Sabi ko, You're the best, MY KUYA!''

Trip To Korea (A fangirl's story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon