TKG4: Family Problem?

20 0 0
                                    

''Calling all the candidates for Mr. & Ms. Auston Academy, please proceed to the auditorium. Also to those students that are assigned for the program, please come too. I repeat...'' Haaay, ito na naman si intercom. Tinatawag na naman kami na nagpapahiwatig ng isang bagong nakakapagod na araw na naman. Psh.

''Class, to those who participated in the mentioned activity. You are now excused. You may go now.'' Sabi ni Ma'am. Kaya tumayo na rin kami ni Cheska papunta doon. Isa kasi si Cheska sa mga magpaplan ng program at ako, sa candidates at sa design.

Two weeks na rin kasi simula nong usapan namin ni Ma'am Arguilles. Ibig sabihin, two weeks na ring tadtad ang katawan ko.

Next week na kasi ang gaganapin ang program kaya eto, sobrang busy talaga. Palagi na nga kaming ginagabe kung umuwi eh. 4-5 kasi ang sched ng practice namin sa candidate while 5-6 or minsan inaabot kami ng 7 ang sched ng pagdedesign, pagpaplano at kung anu-ano pang chuchuburitche sa paghahanda.

''Ey, ano nga pala gagawin mo para sa talent portion Nwebe?'' Aish, isa pa yang problema ko. Nahihiya kasi akong sumayaw or kumanta. Pariho kasi akong di magaling sa mga d'yan.

''Nag iisip pa ako, eh. '' Btw, si Mike yung partner ko. Tanda niyo pa ba? Yung sa Chaptee 1?

''Oh, Bilis na. Umupo muna kayo dito. Magmemeeting muna tayo saglit.'' Salubong ni Mam Trae. Siya yung teacher na na assign sa Program. Mapeh teacher kasi siya. Umupo naman kami sa gilid, meeting daw muna eh.

''So, I guess kumpleto na tayo. Today is Friday, right? At sa Monday na ang anibersaryo ng paaralan natin. Sa Monday na ang ika 100 years ng paaralan na to. I want to say na sana pagbutihin natin sa araw na iyon. Okay? Good luck everyone. Now, time to work. Move now.'' Panggagayak ni Mam Trae samin. Tumayo na naman kami at nagsimula ng gawin ang mga dapat gawin.

Suus! Kung bakit ba din naman kasi ang raming ka ek-ekan ng school na'to eh! De bale na nga, wala din naman akong magagawa. Estudyante lang po ako dito.

-

''Good job, everyone! Thank you for participating and good luck again!'' Hooooo! That's it! Natapos na rin! Nakakapagod ngayon. I mean, mas nakakapagod. Mas marami kaming ginawa ngayon eh.

''Oy, Newbe! Uwi na tayo?'' Pag aaya ni Cheska. Tinignan ko ang langit, at as usual, MADILIM NA. Tinignan ko naman ang relo ko, 6:59 PM.

''Uhh, sige.'' Naglalakad na kami ng biglang may tumawag sa pangalan namin kaya lumingon kami, si Mike lang pala.

''Oh, ano? Sawa ka na sa buhay mo? Laslas na.'' Sabi ko rito. Tumawa lang siya atsaka nagsalita.

''Pasabay sa inyo, ah.''

''Sa pang araw-araw mong pagsabay samin, ngayon ka pa lang talaga nagpaalam ha?'' Pamimilosopo ko sa kanya. Yeap, araw-araw na siyang sumasabay samin, AT NGAYON LANG TALAGA SIYA NAGPAALAM.

''Uhh? Ngayon lang ba? Haha. Nakalimutan ko eh.'' Lay lang ang peg? Haha. Harsh ko.

''Oh em gee! Nag update si Channie ko sa instag niyaaa! Look! He's so gwapo as ever talaga! Hahaha!'' Tili ni Cheska. Inagaw ko naman Cp niya para tignan. Nag update nga.

''Mas gwapo naman dyan si Luhan ko eh!/Mas gwapo naman ako dyan eh!'' Sabay naming sabi ni Mike. Teka, ano nga ulit sabi niya? Mas gwapo pa siya?

''Talaga lang, Mike ha? Nangangarap ka na naman. Tsk. Tsk.'' Sabay tawa namin ni Cheska. Hiniram ko uli ang Cp ni Cheska para icheck ang instag ni Lulu.

Di ko pa kasi nakuha yung akin eh. Pero malapit na naman din. Tiis tiis lang. Ay, di nag update? Sayang naman. Binalik ko na din ang Cp kay Cheska at nagkanya kanya na kami ng landas. Haha.

Trip To Korea (A fangirl's story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon