TKG9: Kami ni Mic?

6 1 0
                                    

Good morning, world! Maaga akong nagising ngayon! Sabi kasi ni Ma’am, ngayon daw namin pag-uusapan ang tungkol sa page-exchange student ko! Kinuha ko ang frame ng picture ni Luhan sa gilid ng side table ko.

‘‘Joh-eun achim, Luhannie! Excited na ako! Kunti nalang, kunting kunti nalang! Makikita na din kita! Hihi!’’ Saka ko ito inakap.

‘‘Nwebe, alam kong gising ka na! Lumabas ka na d’yan! Maawa ka naman sa picture frame na yan!’’ Sigaw ni Kuya. Loko talaga.

‘‘Oo na, Oo na!’’ Ibinalik ko na ang picture frame at tumayo na papuntang banyo.

Nang matapos na akong magbihis ay bumaba na kaagad ako. Pagkababa ko ay kumakain na sila kasama si Cheska. Aba nga naman.

‘‘Nwebe, kain ka na!’’ Sabi sa’kin ni Keso. Ang babae talagang to!

‘‘Kelan ka pa nakarating dito?’’ Tanong ko habang nagsisimulang kumain.

‘‘Uhm, Nong ginising ka ng Kuya mo! Hehe!’’ Masigla niya pang sabi. Tumango-tango lang din ako.

‘‘Hoy! Keso! Tara na, ano ba! Wala ka bang balak pumasok?’’ Pagyayaya ko kay Cheska. Ang tagal kasi matapos kumain, nauna pa akong matapos!

‘‘Oo na, Oo na! Excited ka lang eh!’’ Sabi niya pa habang sinusuot na ang backpack niya.

‘‘Mabuti’t alam mo!’’ Sabi ko nalang sa kanya. ‘‘Ma! Fly away na kami! Annyeong!’’  Paalam ko kay Mama at nagsimula na kaming umalis.

‘‘Nwebe?’’ Biglang tawag sa’kin ni Keso. Napalingon naman kaagad ako sa kanya, ‘‘Hmm?’’ sagot ko sa kanya.

‘‘Gusto mo ba talagang pumunta sa SoKor?’’ Napalingon naman kaagad ako sa kanya. ‘‘A-ang ibig kong sabihin, pangarap mo talaga yun?’’ sabi niya pa. Napaisip naman ako dun.

‘‘Oo. Bilang isang Kpoper, bilang isang fangirl. Yun din naman sayo diba? Sa lahat ata ng kpoper eh. Tayong mga fangirl, isa lang naman ang gusto natin eh. Aminin man natin o hindi, ang makita ang iniidolo natin at mapansin nila tayo ang mga pangarap natin. Yun nga lang, mahirap yun, malabo. Kaya ako, kahit makita ko lang siya ng personal. Masaya na ako dun! Hmm, bakit nga ba? Bakit bigla mong natanong?’’

‘‘Ah? Wala. Curious lang. Alam mo, Nwebe, pwede ka ng sasaeng fan! Haha’’

‘‘Hindi ako sasaeng fan! Ay, maiba nga tayo. Ikaw ba, Keso? Hindi mo man lang ba gugustuhing makapunta ng SoKor? Makita si Chanyeol?’’

‘‘Oo na hindi. Oo, kasi tulad nga ng sabi mo kanina, wala nang iba pang mas hihigit na makakapagpasaya sa isang fangirl kundi ang makita ang iniidolo nito sa personal pero, Ayaw kong umalis dito. Ayaw kong iwan ang lugar nato, andito buhay ko eh. Kuntento na ako na makita ang mga ngiti ni Channie ko sa pictures at videos! That smile that made my heart beat fast. That smile that I can only admire from afar. Cause I know, that smile can never be mine.’’ Sagot niya.

‘‘Lalim nun, Keso ah! Pero alam mo, gusto ko pa din pumunta ng SoKor! Bata pa kaya tayo pangarap ko na yun! Bago ko pa nakilala si Luhan. Haha!’’

‘‘Good luck, Nwebe.’’ Napalingon naman kaagad ako sa kanya. Ang seryoso kasi nang pagkakasabi niya. Creepy!

‘‘Ge.’’ Sabi ko nalang.

‘‘Nwebe! Keso!’’ Sigaw ni Mic mula sa pinto ng classroom namin.

‘‘Oh, Mic! Welcome back!’’ Bati ko sa kanya.

Trip To Korea (A fangirl's story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon