TKG8: Something's Fishy

6 0 0
                                    

''A-anong...'' Di ko alam ang erereact ko. Gosh, nag away ba sila? Bakit? Dahil na naman ba dun sa pagiging ampon ni Kuya?

''A-ah! N-nwebe! Andyan ka pala! Ano? Kakain na ba daw? Tara baba na tayo? Gutom na kasi ako. Haha'' Pag sisigway ni Kuya. Napakunot naman ang noo ko. Si Papa naman tumalikod lang. Tinalikod naman ako ni Kuya paharap sa hagdanan at dahan dahang ginayak pababa. Di pa rin ako makapagsalita. First time kong makita sila na nag aaway. Huhu. Wae?

''Nwebe, kalimutan mo na yung nakita mo. Kunting di pagkakaunawaan lang yun. Okay?'' Pabulong na sabi sa'kin ni Kuya noong malapit na kami sa kusina.

''Ma! Andito na kami! Susunod nalang daw si Papa.'' sabi niya kay Mama. Tsaka ako pinaupo. Umupo din siya sa tabi ko kaagad.

''Kain na, Nwebe.'' Sabi sakin ni Kuya. Tumango lang ako sa kanya at kumain na rin. Maya-maya bumaba na rin si Papa. Nakapagbihis na rin siya. Tumingin sakin si Papa pero iniwas ko lang ang tingin ko.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na sina Mic at Keso. Uuwi na daw kasi sila. Hinatid ko lang sila sa labas ng gate. Pero di kaagad ako bumalik sa loob, naglakad lakad na muna ako. Papunta sa may park. Malapit lang naman kasi. Nasa kabilang kanto lang.

Naglakad lakad lang ako at nung may makita akong isang bench, doon ako umupo. Ba't ganto? Ang weweird ng mga tao sa paligid ko.

Akala ko, kakalimutan na namin ang lahat. Na balik sa normal na. Na parang di namin nalaman na ampon si Kuya. Ganun? Pero bakit parang hindi naman ganun ang nangyayari?

Si Papa at Kuya, nagsusuntukan. Nagsasakitan sila. Paano nangyaring humantong sa ganoon? Gusto ba ni Kuya na hanapin ang mga totoo niyang magulang?

Ang weird, pero pakiramdam ko may tinatago silang lahat sa'kin. Pati na yung si Mic, ang seryoso niya ngayon. I mean, simula nang makita niya sina Mama at Papa. Bat ganun yun?

Si Luhan nalang, huhu! Yun nalang ang magandang nangyari, may mas malaki na akong chance na maging isang exchange student.

''Twinkle, Twinkle, little Chen

OMG there's twelve hot men

Oh so far away in Seoul

Jong In's hair cut like a bowl

Yixing, Luhan, Tao and Kris

Chinese chingus hard to miss

Kaisoo, Baekyeol, and Sehun

Granny leader named Joonmyeon

Twinkle, Twinkle, little Chen

Steambun baozi, called Xiumin~''

Natigilan ako sa pagkakanta ng mapansin kung may nakatingin sa'kin. Well, di ko siya masyadong makita. Nasa madilim na parte kasi siya. Basta, naramdaman ko nalang ang mga mata niya na nakatingin sa'kin. Eer, creepy!

Dahil nga sa taong yun kaya tumayo na ako at umalis. Nakakatakot kaya. Jeeez, titingin tingin pa din ako dun sa taong yun ng may nabangga ako. Esh, nubayan!

''Naku, sorry po! Sorry po talaga!'' Sabi ko doon sa nabangga kong matanda habang tinutulungan ko siyang tumayo. Inupo ko kaagad siya doon sa bench na inuupuan ko kanina. Nang tingnan ko uli kung saan banda nakatayo yung tao kanina, wala na ito dun. Eeh?

''Okay lang ako iha. Salamat sa pagtulong.'' Sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

''Eh, lola? Bat pa po kayo andito? Gabi na po ah, delikado na para sa inyo.'' Sabi ko dito habang tinitignan uli ang langit na ngayon ay punong-puno ng mga bituin.

''Ah, may hinulaan kasi ako doon sa kabilang kanto.'' Sabi niya ulit. Napatingin naman ako sa kanya. Totoo pala yang mga manghuhula na yan?

''Talaga po? Manghuhula kayo? Totoo?'' Di mapaniwalang sabi ko sa kanya. Wala pa kasi akong nakikilala na manghuhula eh.

''Bakit? Gusto mo bang magpahula iha?'' Tanong niya sakin. Uwaaa, i want! I want! I want! Hihi! Itatanong ko kung magkakatuluyan ba kami ni Luhan ko. Hihi!

''Pwede po ba? Kaso wala po akong dalang pera ngayon eh!'' Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin bago nagsalita.

''Di bale, libre nalang para sayo. Akin na ang kamay mo, iha.'' Sabi niya saka inilahad ang kamay niya. Kaagad ko namang inilagay doon ang kanang kamay ko. Naeexcite ako! Haha!

''Ano po? Ano pong nakikita niyo? Uhm, magkakatuluyan po ba kami ni Luhan? Ano po siya, maputi, gwapo, cute parang bata? Ganun. Hihi. Ano po?'' Excited at sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin. Eh? Ano yun? Oo ba yun?

''Maghanda ka, Iha. Darating ang isang araw na may malalaman kang isang sekreto na babago sa buhay mo. Hindi lang sa buhay mo, kundi pati na din sa buhay ng mga taong nakapaligid sayo. Iha, lawakan mo ang pag uunawa mo sa mga darating na pagsubok.'' Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Eh? Ang lalim naman nun.

''Ah, pwede po explain?'' Hindi ko kasi naintindihan masyado, naku! Baka niloloko lang ako nito ni Lola! Hmp!

''Balang araw maiintindihan mo rin iyan, iha. Ang lahat. Mauna na ako, iha. Lumalalim na ang gabi. Mag ingat ka.'' Huling sabi niya saka na umalis.

''Ay, kaloka! Lo--''

''Nwebe.'' Napalingon naman ako sa tumawag sa'kin. Eh?

''Kuya? Anong ginagawa mo dito?'' Tanong ko kaagad sa kanya. Ayun, nakalayo na tuloy si Lola. Sheez.

''Ako dapat ang magtanong n'yan. Gabi na ah?'' Sabi niya saka umupo dun sa bench. Umupo nalang din ako ulit.

''Alam kong gabi na Kuya. Kitang kita naman eh. Psh.'' Sabay lingon ko sa kanya. Di na kasi siya sumagot sakin. Nakatingin lang siya sa langit.

''Kuya?'' tanong ko dito. ''Hmm?'' maikli niyang sagot. Nakatingin pa din siya sa langit. ''Bakit?'' tanong ko sa kanya. Kaagad naman siyang napalingon sa gawi ko. ''Bakit?'' ulit niya sa tanong ko. Tumango lang ako sa kanya.

''Bakit? Kasi galit ako. Galit ako, Nwebe.'' Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Galit siya?

''Bakit ka galit?'' Tanong ko pa ulit sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin pero halata namang pilit! Hmp!

''Kuya, gusto mo na bang hanapin ang mga totoo mong magulang? Iiwan mo na ba kami?'' Natanong ko nalang bigla. Kanina ko pa kasi to gustong itanong eh!

''Hindi ako aalis, Nwebe. Hindi ko kayo iiwanan. Hmm, masyado ng malalim ang gabi. Uwi na tayo?'' Sabay tayo niya. Hmp. If I know, sinusubukan niya lang umiwas sa mga tanong ko pa.

Anyways, tumango nalang ako at tumayo na rin. Something is really fishy in here! I can smell it! Jeeez!

Kuya? What are you hiding? Papa? Mama? What are keeping from me? Mic? Why are so weird all of a sudden? People of the world, what is really happening? Something is really fishy in here!

Trip To Korea (A fangirls story)
© JournalPrincess

Trip To Korea (A fangirl's story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon