TTK1: Her life

82 6 3
                                    

"H'wag kang mag-alala, Luhan. Pupuntahan din kita dyan at magtatagpo din ang landas nating kaliwa't kanan! Hintay ka lang diyan at wag kang titingon sa iba ah? Mwaaaah~" Sabi ko sabay halik sa picture ni Luhan na nilagay ko pa sa isang maganda at mahal na picture frame! Oh, diba? Ambongga!

"Hoy, Nwebe! Umaga na oh? Nananaginip ka pa rin dyan tungkol sa koreanong hilaw na yan? Hahaha! Wengya, nwebe! Gising-gising din pa may time! Hahaha!" Muntanga tong si Kuya -,- sarap sapakin! Ang ganda na ng moment eh! Panira, sisingit-singit pa kasi!

"Yah! Jugulae?! At, putspa kuya! Chinese sya, CHINESE! Gets mo?! Panira ka eh!" Sabi ko sabay balik sa picture ni Luhan sa side table ng kama ko at tumayo na papunta sala.

"Tigil-tigilan mo nga ako sa mga kabaliwan mo nwebe! May pa yah jugulae-jugulae ka pang nalalaman! Sabog din naman yang utak mo! Haha" Argh! Nakakainis talaga si Kuya! >____<

"Kung sabog akin, Mas sabog sayo! Lahat naman ata sayo sabog eh!" Tsaka ako umupo sa lamesa. Ikakain ko nalang tong inis ko kay kuya.

"Oh, nag aasaran na naman kayong dalawa. Tama na yan. Baka san pa mapunta yang asaran na iyan at kumain na kayo. Ano ba, may pasok kayo diba? Bilisan niyo't mshuhuli na kayo." Singit naman ni Mama. Haaay! Itong paulit-ulit na eksena na naman tuwing umaga! Gigising ako, hahalikan ko ang picture ni Luhan, mabu-bwesit kay Kuya, sisingit si mama, tatahimik, aalis papuntang school, uuwi, bu-bwesitin na naman ni Kuya, paulit-ulit nalang! Kaylan ba mababago? Yung tipong paggising ko si Luhan katabi ko tapos magyayakapan kami tas-----

"Nangangarap na naman siya. Hahaha! Kawawang bata! Nay, wala na yang pag-asa, e m.h mo na yan! Hahaha! Alis na ako!" Singit na naman ng napakagaling kong kuya! Kahit kelan talaga eh!

"Anong MH?" Sabay naming tanong ni Mama.

"Mental Hospital! Hahahaha!" Sabay takbo niya palabas ng bahay. Putspa. Teka--- OMO! Aigoooo! MH daw bagsak ko? Grrrr! If only he knows, simbahan bagsak ko with Luhan! Hahaha! >:P

-

"Crush ka daw ni Mike, Nwebe! Ayiieee~" Kung sa bahay may bakulaw dito sa school andaming butiti -,- Ang sasakit sa tenga, mga walang kwenta ang pinag uusapan, kitang busy ako sa pagbabasa ng news and updates about my Lu eh!

"Lang may pake." Patuloy pa din ako sa pagbabasa. Ayaw kong mawala ang concentration ko no!

"Eh? Sayang naman. Pero bakit? Gwapo naman siya ah? Dami pa ngang nagkakacrush dyan eh! Ano ba type mo?" Nawawala na ako sa binabasa ko, kainis!

"Oy,  dali na nwebe!" Sabay yugyog nila sa'kin. BOOOOOM. Ubos na ang pasensya ko.

"Ano ba? Di ko nga siya type kasi HINDI SIYA SI LUHAN! HE'S NOT AS CUTE AS LUHAN, AS MANLY AS LUHAN, AS TALENTED AS LUHAN, AS HANDSOME AS LUHAN AND LAST, HE'S REALLY NOT MY TYPE. GETS?" Napatayo na rin ako. Masyado kong fineel ang speech nato. Nakakairita na kasi. -________- Di na sila sumagot kaya umupo  na ulit ako at pinagpatuloy ang pagbabasa. Kung sana kasi pinatapos muna nila akong magbasa eh! Ayan tuloy!

Trip To Korea (A fangirl's story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon