Chapter 28

225 10 0
                                    

Umaga rin ng kinabukasan ng kaarawan ni Mateo ay umuwi na kaming tatlo. Hindi ko lang alam kay Thiago dahil sa nasa likuran ko lang ang sasakyan nito mula kanina pa. Pagkatapos noong usap namin kagabi ay madalang nalang ang naging pagsasalita nito kahit pa tinutukso siya ng dalawa. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung tungkol ba iyon sa mga nasabi ko noong kinagibihan din na 'yon pero I chose not to. Buti at hindi kami ang magkatabi dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagtatanong. Panigurado na magmumukha na akong assumero noon kapag nagkataon.

Nagpark ako ng sasakyan at gano'n din ang ginawa niya. Magkalayo nga lang kami ng kaonti pero sabay pa rin kaming pumasok ng building. Mukhang mainit ang ulo nito dahil kanina pa nakalukot ang noo. Hindi ko na siya tinanong at sumandal nalang ako sa dingding ng elevator hanggang sa sumapit ang palapag kung nasaan matatagpuan ang condo ko at ang condo ni Cassandra.

Hinihintay ko na siya ang unang lumabas pero halos isang minuto na itong nakatingin lang sa button ng elevator at matagal na pinindot ang pagtigil ng pagsara ng pintuan. Wala akong nagawa kung hindi ang magsalita na.

"Thiago, hindi ka ba lalabas?"

"What do you think, Max?" Hindi ko siya naintindihan kaya sumagot nalang ako ng hindi dahil kung oo ay sana kanina pa kami nakalabas.

"Sige."

Agad siyang tumabi mula sa pagkakaharang sa gitna ng pintuan ng elevator at hindi na ako muli pang nagsalita para magpaalam man lang sa kaniya. Nakarating na ako sa pintuan ko at natanaw ko na hindi ito lumabas ng elevator.

"Ikaw na ang magpunta kay, Thiago!" Singhal ni Benjamin sa'kin dahil hirap na hirap na naman itong pilitin ako. Isang linggo na ang nakakaraan mula noong kaarawan ni Mateo at isang linggo ko na rin itong gustong makita. Ayaw ko lang biglain si Benjamin dahil baka magtaka ito kung bakit pumapayag ako kaagad gayong sanay na sanay ito na sigawan ito bago ako mapapunta.

"Ayoko. Dagdagan ko nalang bayad ko tapos ikaw na umasikaso sa lahat ng may kinalaman sa kaniya."

"Wala ako sa kompanya ngayon. Kasama ko si Lucas dito sa Tagaytay at mamaya pa ang uwi ko. Baka madelay ang project kung hindi mo ipapapirma at ikoconsulta kay Thiago ang lahat. Ako naman ang kakausap. Matagal ng nasa proseso ang mga papeles, Max! Ikaw lang ang magbibigay."

"Okay." Tipid kong sabi dahil nararamdaman ko ang pikon nito. "Love you, Benj. Uwian mo akong bulalo."

"Oo, 'yung nakain ko na dahil pikon na pikon na ako sa'yo!" Saka ito tumawa. "Punta ka na."

Naggym muna ako at nag-asikaso na nang pagpunta dahil alas dose ng tanghali ang usapan. Nang nakapasok ako sa opisina nila ay agad kong nakita si Benjamin at Lucas na nandoon at tumatawa nang napakalakas. "Akin na at nagdidilim ang paningin ko sa'yo." Bago ko ibinaling ang paningin ko kay Lucas at nakitang nakangiti rin ito. "Isa ka pa!" Sabay hampas ko sa mga ulo nila ng mga papel na hawak ko.

Nang nakarating ako sa palapag kung nasaan ang kompanya ni Santiago ay una kong tinungo ang opisina ng dalawa para mangumusta. Pagkatapos ng ilang minuto ay sa opisina na ako ni Santiago pumunta. Dahil wala naman ang secretarya nito ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok pero hindi ko inaasahan na may ibang tao itong kasama sa loob. Agad akong nagpaumanhin at lumabas ng opisina niya. Maghihintay nalang ako sa sofa sa malapit kahit nakatingin sa akin ang ibang empleyado nila.

Hindi pa ako nakakaupo nang bigla akong tinawag ng babae na kasama ni Thiago sa loob ng opisina niya at doon ako pinapasok. Mukhang pamilyar ito pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.

"No, I'm okay here. Pupunta nalang ako sa shared office ng tatlo dahil papalabas na rin naman si Milo at Jack. Doon nalang ako maghihintay."

"I'm not a client, Max." Wait, she knows me? "Kaya pasok ka na dahil mukhang mainit ang ulo ni Thiago." Bulong nito.

"Cassandra, please go outside. Kanina ko pa sinasabi sa'yo pero hindi mo ako pinapansin." Agad niyang sinabi matapos kong maisara ang pintuan niya. Okay. I remember her. Iyong patay na patay kay Santiago noong nasa unang taon kami ng kolehiyo. Halos araw araw pa akong kinukulit nito malaman lang ang number niya. Buti at mabait na ako ngayon kung hindi ay baka sinusungitan pa rin kita.

"Okay lang na nandito siya, tatawagan ka naman ni Benjamin."

"Hindi ikaw ang kinakausap ko."

"Sungit mo ha! Sabakan kaya kita dyan!" Agad kong sabi sa kaniya. "Huwag kang aalis Cassandra. Hayaan mo siya, ako bahala sa'yo."

"Nasa opisina kita, Maximilian at hindi ang restaurant mo ang usapan dito kaya hindi ikaw ang masusunod." Sabay irap nito sa'kin. Shit, ang pogi! "Cassandra, please. Mag-uusap tayo mamaya."

Wala ng nagawa ito at agad na rin siyang tumungo sa labas at bakas sa mukha nito ang pagtutol.

"You are thirty minutes late, Maximilian. Anong ginawa mo at hindi ka sumusunod sa takdang oras?"

"Napasarap ang pag-gygym ko." Saka ako natawa sa sinabi ko. "Si Benjamin na ang kausapin mo. Sandali lang at tatawagan ko."

"Nagkausap na kami kanina pa. Unahin mo kasi ang ibang bagay, Max para matapos agad and restaurant mo. Mabuting gawain 'yan para sa nagsisimula ng business."

"Talunin ko restaurant mo e." Sabay irap ko sa kaniya. "Minsan nalang tayo magkita lagi pa tayo nag-aaway."

"Bakit, ako ba ang may kasalanan sa lahat e ikaw lagi ang nagsisimula."

"Oo nga." Tanging nasagot ko. Sinubukan kong maghanap ng salita pero ngayon pa talaga ako nawalan ng masasabi kaya ang ending ay nakangiti ito ngayon.

"Max, kumain ka na?" Tanong ni Milo mula sa pintuan.

"Hindi pa, pakain ako!"

"Si Thiago ang bahala dyan!" Saka siya tumawa nang malakas. "Dito ka na kumain, para magkasama 'yung past at present." Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at tuluyang niya ng sinara ang pinto.

Okay. Dapat pala ay hindi ako naging mabait kanina. Ito na pala ang bago mo.

"Girlfriend mo?" Tanong ko rito habang abala sa pagtingin sa mga papeles na ibinigay ko. Tinignan lang ako nito at hindi man lang sinagot ang tanong ko kaya inulit ko ang tanong pero ngayon ay mas malakas.

"Bakit, nagseselos ka?" Oo

"Anong sagot 'yan? Ano ba kita, Thiago?"

"Ano mo nga ba ako, Max?"

"Huwag mo ibalik ang tanong sa'kin. Ako ang unang nagtatanong sa'yo!"

"Hindi. Are we good?"

"Hindi raw pero sa condo niya natutulog? Anong ginagawa niyo ron, nag-aaral?"

"Nagro-role play, Max. Masaya ka na?"

"Hindi, paano ako sasayo ro'n?"

"Ewan ko, hawak ko ba buhay mo?"

"Oo, Thiago." Saka ko siya inirapan. "Bilisan mo at nagugutom na ako."

"Opo, tapos na po ang lahat, ako nalang po ang mag-eexplain kay Benjamin po para hindi po kayo pabalik-balik. Nakakahiya po kasi at naabala po kayo." Pilisopo nitong sabi sa'kin bago niya iniabot ang lahat ng papel. Matapos no'n ay agad na rin akong umalis para pumunta sa shared room nilang tatlo at doon ako magtatanghalian. Nadatnan ko ang dalawa ro'n na nakikipagusap kay Cassandra.

"May canteen sa baba, Max. Hintayin lang natin si Thiago." Bungad na sabi sa'kin ni Jackson.

"Nagdala akong pagkain ni Thiago. Kayo nalang ang bumaba." Okay.

"Tara na, may dala naman pala siya." Agad kong sinabi sa kanila. Nakalabas na kaming tatlo at doon ko sinabi sa dalawa na mauna na sila dahil balak kong ipalagay muna ang mga gamit ko sa opisina ni Thiago dahil nakalimutan ko kanina gawa ng sobra ang inis ko sa kaniya.

Nadatnan ko na galing ito sa banyo at nag-aayos ng kaniyang pantalon. "Paiwan ako ng gamit dito at 'wag ka na raw bumaba dahil may dala 'yang nobya mo!" Bago ko ito pinagbagsakan ng pintuan. 

The Light After Dusk (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon