Chapter 1

584 15 0
                                    

As I am walking my way towards the field where the welcoming for the new students will occur, I can't help, but to feel anxious because of how I am afraid of how my life will turn out to be. Tanaw ko na ang dagsa ng mga estudyante dahil sa ito ang unang araw muli ng pasok matapos ang ilang buwan na bakasyon. Hinahanap ko kung nasaan ang mga kaibigan ko dahil sa hindi naman ako pamilyar sa eskuwelahan na ito.

I took Civil Engineer along with Maximilian, Milo, and Jackson. Unlike me, the three of them both have the capability to study in a known school in Manila. Sadyang hindi lang nagkaton dahil bukod sa maayos naman ang turo rito, hindi sila pare-parehas na pinayagan. Maganda na rin kung gano'n dahil sa hindi kami magkakahiwa-hiwalay.

"Tagal mo bro!" Wika ni Milo nang makarating ako.

"Nasaan si Max?" Tanong ko rito.

"Nandoon kasama sila Benjamin dahil pinopormahan na naman si Chloe." Sagot ni Jack.

Sa aming apat na magkakaibigan, tanging si Maximilian lang ang may ayaw sa kurso na ito. Bukod sa puro ito Sipnayan, pinilit lang din siya ni Tito Esteban para kuhanin ito dahil sa ang business ng kanilang pamilya ay tungkol sa mga konstruksyon. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya hayaan ang anak niya na kuhanin kung ano ang gusto nito, mahirap at baka lalong kumawala si Maximilian dahil sa hindi naman siya masaya sa kung ano ang ginagawa niya.

"Tulala ka na naman, Thiago!" Wika ni Milo dahil kanina pa pala ako nito kinakausap. "Ingrid na naman?"

"Hindi, gago." Saad ko bago ko irapan at ambahan ng suntok.

"Bilisan niyong dalawa! Baka mahuli tayo sa unang klase!" Si Jack. "Nasaan na ba si Max?"

"Hindi ko alam, hayaan mo siya kung gusto niya ro'n. Kanina pa naman natin tinatawagan hindi man lang nagre-reply." Galit na sabi ni Milo.

Umalis na kami sa aming puwesto kanina at tumungo na sa aming unang klase na hindi kasama si Maximilian. Nang nasa kalagitnaan na kami ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Max na mukhang galing sa pagtakbo dahil sa pawis na pawis.

"Sorry, Ma'am dahil late po ako."

"Why are you late?"

"I settled things regarding my schedule."

"Okay, sit down!" Masungit na sabi ng aming guro.

Agad niya kaming nginitian na tatlo pero hindi ko siya pinansin at itinuon ko nalang ang sarili ko sa aming professor na may sinasabi sa harapan. Hindi namin siya naging katabi dahil nasa tabi ng isle si Milo at okupado na ang silya na nasa kaliwa ko.

"I miss you, bro!" Bulong nito sa aking likuran na ulit ay hindi ko binagyan ng pansin.

"I miss you too!" Bulong ni Milo

"Hindi ikaw tanga!" Si Maximilian

Naghagikgikan kaming tatlo dahilang upang sawayin kami ng aming professor sa harapan. Mabuti at hindi kami napalabas dahil sa ingay na nagawa namin.

"Bro palit tayong upuan." Bulong muli ni Maximilian sa kaklase namin na nasa tabi ko bago abutan ng limang daang piso na agad nagpatayo rito. Kahit kailan talaga ay laging gagawin ang mga ganito para makuha ang gusto.

"Sabi ko namiss kita dahil hindi ka na nagpakita sa'kin simula nung..."

"Busy ako." Agad kong pagputol sa sasabihin niya. "Bakit ka nahuli sa klase? Sabay-sabay lang naman tayong apat na nagpa-enroll, bakit magka-karoon ng problema ang schedule mo?"

"Hindi ako nakaalis kaagad dahil katabi ko si Chloe." Natatawa nitong tugon.

"Ewan ko sa'yo."

"Sungit mo naman, Thiago. Unang araw pa lang naman, wala pa namang ginagawa."

Hindi ko na pinansin ang sinasabi nito at hinayaan nalang siyang magkwento ng kung ano-anong nangyari sa kanya noong mga nakaraang araw. Nang kalaunan ay natapos na rin ang aming klase kaya lumabas na kami para sa susunod.

"Bastos naman, Thiago! Kanina mo pa ako hindi pinapansin." Pagrereklamo niya nang iwan ko siyang mag-isa at sumabay sa paglalakad ni Milo at Jack.

"Wala ako sa mood, Max." Tamad kong tugon.

"Okay." Sabi niya bago ito tuluyang tumabi sa gilid ni Jack at doon ito nakipag-usap.

"Magkagalit kayo, bro?" Si Milo.

"Hindi."

Sumapit ang uwian nang hindi man lang kami nakakapag-usap muli. Hindi rin ito tumatabi sa akin kaya mas lalong nag-init ang ulo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang gusto ko lang ay kulitin niya ako nang kulitin kaya lang ay alam kong parang tanga naman ako kung gano'n ang mangyayari kaya hinahanayaan ko nalang din siya sa gusto niyang gawin sa buhay niya.

"Hey, babe. I miss you! It's been a week since the last time we saw each other." Matamis kong saad dito matapos itong dumating sa lugar na usapan namin para maihatid ko siya sa kaniyang sasakyan.

"I miss you too, babe!"

"Tigilan niyo na nag kalandian niyo. Gusto ko ng umuwi." Si Max.

Magkasabay kaming naglalakad ni Ingrid sa likod ni Jack, Milo at ni Maximilian na nasa pinakaunahan.

"Thiago, our third month is already near. I want to go to the beach somewhere here in Bataan. Would that be possible?" She asked.

"Hindi ako sigurado, Ingrid. Baka ikain nalang kita sa labas." Tugon dahil wala naman akong pera para sundin ang kagustuhan nito.

"Really, Thiago? Hindi mo man lang ba pinaghahandaan ang araw na iyon?" Mangha nitong sinabi sa akin.

"Hindi naman sa gano'n, Ingrid. Mas hinihintay ko ang isang taon natin kaya doon nalang ako mas gagastos ng malaki."

"Bahala ka, Thiago. Akala ko pa naman ay mayroon kang sorpresa."

"Alam mo namang hindi ako kasing yaman mo. Nagsisimula palang ako, sana maintindihan mo."

"Hindi ko alam, Thiago. Hindi ko alam." Huling sabi nito bago siya sumakay sa kaniyang sasakyan at mabilisan itong pinaandar.

"You know what, bro? Lilipas din yan. Hayaan mo muna siyang magpalamig ng ulo tapos ibigay mo lang kung ano ang kaya mo. She'll appreciate that." Milo said after she.

"Let's just pray to that." Then Jack. "Tara na, bro. Kita nalang bukas." Paalam nito at bago ito pumasok sa sasakyan ni Milo.

Hindi agad pumasok sa isip ko na kami nalang ni Max ang naiwan kaya naman nang mapagtanto ko ito ay nagpaalam na rin ako sa kaniya para tumungo sa sakayan dahil nahihiya akong makisabay sa kahit isa sa kanila. Bukod pa ro'n ay hindi naman madadaanan nila Jack ang bahay namin hindi tulad kila Milo na kalapit subdivision lang.

"Alis na ako Max, bukas nalang."

"Bakit mo ba ako nilalayuan, Thiago?" He said making me feel that he's relieved after he said that. "Kung dahil iyon sa halik ay patawarin mo ako. Hindi ko p'wedeng sabihin na hindi ko sinasadya dahil intensiyon ko naman talaga ito dahil sa inaasar kita. If it's really a big deal to you then I'll still give you more time to think, but please don't get out of my life just because of that." Sabi niya bago tumingin sa ibang gawi na tila bang iniiwas saking ipakita ang emosyon na nararamdaman niya.

Wala akong kahit anong salita ang maitutugon sa kaniya dahil may punto ang lahat ng sinabi niya. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko iniiwas ang sarili ko sa bagay na ito dahilan para hindi ko siya kausapin at puntahan. Masyado ba akong nagpaapekto sa bagay na hindi ko naman dapat na nararamdaman?

I know all of our feelings are valid, but the way I handle the situation is so unfair to him which made him feel this way.

"Patawad din, Max. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon." Sinsero kong sabi sa kaniya. Agad akong dinapuan ng hiya dahilan upang iiwas ko ang tingin ko sa kaniya at ipukaw ang atensiyon sa iba. Hindi sapat ang sinabi ko pero alam kong totoo ang mga ito. Hindi ko alam at hindi ako sigurado sa kung paano at bakit ako humantong sa paglayo sa kaniya.

Sana lang ay ang mga nararamdaman namin sa mga oras na ito ay hindi maging dahilan para tapusin namin ang mga mga bagay na nasimulan namin simula noong mga bata pa kami.

The Light After Dusk (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon