Chapter 14

218 9 3
                                    

"Hey, Cassandra. May hinihintay ka?" Tanong ko sa kaniya matapos kaming pagpahingahin ni Coach at pinilit akong puntahan ito.

"Yeah. I just want to give this to you." Bago nito iniabot sa akin ang inumin at pagkain.

"Nag-abala ka pa." Una kong sabi bago ako nagpasalamat.

"Una na rin ako, Thiago. Inabot ko lang talaga 'yan."

"Sandali at magpapaalam lang ako kay Coach. Ihahatid na kita hanggang sa makasakay ka."

Sumapit ang ilang araw hanggang sa dumating na mismo ang finals ng tournament namin. Nang makalabas ako sa locker room dahil sa isa-isa na kaming ipakilala ay agad kong hinanap ang mga kaibigan ko at nakitang hindi nila kasama si Max.

Lumipas ang ikalawang quarter ng laro at lamang ng ilang puntos ang kalaban. Rookie lang kami ng mga kasabayan ko pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na namin sila kayang pantayan. Ang iba man ay nasa bangko pero alam kong kaya ko at ng mga senior ko na maipanalo ang laro na ito. Nang dumating ang oras na ipagpapatuloy na muli namin ang ikatlong quarter ay luminga muli ako sa mga kaibigan ko at nakitang wala pa rin doon si Max. Hindi na muli ako umaasa kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na itunon ang pansin sa ginagawa at mas magpokus.

Natapos ang game at naipanalo namin ang unang laro. Sa susunod na linggo gaganapin ang ikalawa at kung maipapanalo naming 'yon ay school na naming ang kikilalanin na kampyeon sa ngayong taon na tournament. Sana lang sa susunod ay nandyan na siya para masaksihan ang lahat.

"Si Max?" Bungad ko sa dalawa matapos namin na makalabas ng court.

"Nasa bahay nila, kasama si Silvestre. Pilit nga naming inaaya kaya lang ay ayaw talaga at napapagod daw siya." Si Jack.

"Sayang namang kung gano'n."

"Di bale, Thiago. May susunod pa naman." Si Milo

"Hi, Thiago!" Bati sa'kin ni Cassandra. "You did well. Ang galing mo maglaro."

"Salamat, Cass. Mga kaibigan ko, si Milo at si Jack." Pagpapakilala ko sa dalawa. "Wala kang kasama?"

"Meron, nandoon 'yung iba kong kaklase naghihintay." Bago niya ito itinuro. "Congrats, Thiago. Alis na rin ako."

"Okay. Ingat ka."

"Chix mo, bro?" Tanong ni Jackson matapos maakalis ni Cassandra sa lugar naming.

"Hindi, bro." Sabi ko na ikinatawa nila. Akala yata ay nagbibiro ako, bahala kayo dyan.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at kani-kaniyang umuwi sa bahay na akala nila. Pupuntahan ko si Max. Ibabalita ko lang naman sa kaniya ang nangyari tapos aalis na rin ako. Bago iyon ay dumaan muna ako sa paborito naming na kinakain lagi at nagtake-out para kahit papaano ay may pag-asa ako na hindi niya ako tanggihan at kausapin habang nandoon ako. Bawat pangungusap ay isang piraso ng egg ball ang ipapakain ko, kung mauubos ay ibang egg nalang.

"Pasok ka, Thiago." Bati sa akin ng kasamahan ni Nanay.

"Nandyan po si Max, Manang?"

"Oo, kasama nila Ma'am na nagmemeryenda sa comedor." At talagang pati si Tita Margaratte ay kinuhanan ng loob nitong si Silvestre. Di bale nalang kung gano'n. Mukhang masaya na rin naman si Max sa kaniya.

"Manang pabigay nalang po ito kay Max. Pakisabi rin po na nanalo po kami sa laban. Salamat po."

"Sigurado ka Hijo? Ayaw mo nang pumasok?" Sasagot na sana ako nang marinig kong magsalita ang si Tita at lumabas dahilan para makita pa ako nito.

Agad niya akong iginaya sa kanilang hapag at doon pinaupo kasama si Max at Maxine tapos 'yung isang kuto sa katabi ni Max.

"Hi, Kuya Thiago. Ang tagal mo na pong hindi nagpupunta rito."

"Hi, Maxine. Busy lang po kaya hindi ako nakakadalaw."

"Max, may dala 'yang si Thiago ng paborito mo." Ani Tita matapos itong makaupo sa hapag.

"Sawa na ako dyan, Mommy." Agad niyang sinabi.

"Ang tagal na ng alitan niyong dalawa. Akala ko ay natapos na iyan noong Pasko?"

"Ayos naman kami, Mommy. Hindi lang kami gano'n kadikit hindi gaya dati."

Walang nagsalita sa amin, kahit ang nanay ni Thiago. Nabasag lang ito nang mapagpasiyahan ko na umalis nalang mismo sa hapag nila at kumustahin si nanay na hindi ko alam kung nasaan.

"Aalis na rin po ako, Tita. Puntahan ko lang po sana si Nanay, nasaan po ba siya?"

"Dito ka matutulog, Thiago. Ayusin niyo 'yang gulo niyong dalawa parang awa niyo na."

"Huwag niyo po kaming pilitin, Mommy. Silvestre is my new best friend po and I respect that you want me and Thiago to be okay, but that's not gonna happen anytime sooner, Mom." Pag-apila niya sa sinabi ng nanay niya. "Aakyat na po kami."

"Sige, Maximilian. Sayangin mo ang mga taon na magkasama kayong dalawa ni Thiago. Hayaan mo siyang makahanap ng bagong kaibigan tapos ikaw naman ngayon ang hahabol sa kaniya."

"Hinding-hindi ko po hahabulin 'yan."

Tahimik lang ako na nakikinig at nakatingin sa kanilang dalawa. Wala naman akong magawa at wala rin akong karapatan para putulin ang pag-uusap nila dahil unang-una hindi naman nila ako kaano-ano. Hinayaan ko lang sila mag-usap hanggang sa tumahimik sila at ako na mismo ang magsalita.

"Okay po, Tita. Hayaan niyo na po si Max." Sabay baling ko ng paningin ko sa kaniya. "Uuwi na rin po ako. Saka ko nalang po kukumustahin si nanay. Salamat po." Hindi na ako naghintay ng tugon mula sa kanila. Agaran na akong tumayo at tinungo ang daan papalabas ng mansyon nila saka ko napagpasiyahan na sa kubo naming na dalawa muling matulog.

Dumaan muna ako sa bahay bago para maligo at magdala ng pagkain bago ako makarating dito. May alikabok na ang ibang gamit kaya naglinis muna ako at pinalitan ang mga pangtakip sa unan at sa kama bago ako nahiga. Nakatanaw lang sa bubong ng kubo at pinilit na matulog kahit alas otso palang ng gabi. Ayaw ko nang mag-isip ulit nang mag-isip dahil masyado nang nakakapagod ang araw na ito para sa akin. Kaya imbes na hayaan ko muli ang sarili ko na mag-isip ng mga p'wedeng gawin para kay Max ay nagtingin nalang ako ng mga ganap sa social media ko na sobrang limit ko na bisitahin maliban sa messages ng Facebook

Nakita ko ang napakaraming notification mula sa aking mga account at isa isa itong tinignan. Ang iba ay iilang bati mula kanina at halos ang lahat ay friend request. Tinignan ko ang profile ni Max at nakita ang ilang picture nito kasama si Silvestre sa iba't ibang lugar dito sa Bataan. Sila ata ang madalas na magkasama sa nitong nagdaan na bakasyon dahilan para makaramdam na naman ako ng selos. Napansin ko rin na pinalitan na nito ang profile picture niya na noon ay litrato naming na dalawa.

Ramdam ko na ayaw na talaga nito sa'kin kaya naisip ko na oras na ba talaga para tumigil ako? Nalalapit naman na ang kaarawan niya at susubukan kong mag-isip ng p'wedeng gawin. Kung wala pa rin ay baka ito na talaga ang dahilan para sumuko at ipagpatuloy nalang ang buhay na wala na siya. Masakit at nakakalungkot pero parte 'yon.

Bigla akong napaupo sa paghiga nang biglang bumukas ang pintuan at inilabas nito si Maximilian na mukhang pagod at kanina pa nag-aalala. 

The Light After Dusk (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon