Chapter 11

253 8 0
                                    

"Max." I said that it almost did not came out of my mouth.

"Pinabibigay ni Pierre, naiwan mo raw." Bago nito iniabot sa akin ang aking telepono.

"Thank you." Pagkatapos no'n ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong ayain siya na sabay na kaming umuwi na dalawa dahil sobrang tagal na nung panahon simula nang makapag-usap muli kami. Kaya lang ay natatakot ako pero bahala na.

I was about to ask him to come with me again, but someone called his name. "Yco!" Silvestre said. Gano'n lang kadali sa kaniya na ipatawag 'yung palayaw sa kaniya ng kaniyang pamilya e samantalang ako halos magmakaawa na sa kaniya para payagan akong tawagan siya sa ganito. Nakadagdag pa sa inis ko kung papaano niya gano'n kadaling lapitan muli iyang si Silvestre na parang walang ginawang masama sa'min at sa ibang tao noon. Hindi ko na alam sa'yo, Max.

Hindi ko na hinintay pa na makapagpaalam kaming dalawa sa isa't isa. Nang tawagin siya ng kumag na iyon ay agad na akong tumalikod at hinayaan silang dalawa. Siguro ay tama lang na dumating iyong bugok na 'yon dahil nasa kalingkingan na ako ng pagtitiis sa kaniya. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at yakapin siya tapos bahala na kung ano ang mangyari. Wala namang kaso sa'kin kung siya ang mamahalin ko, walang kaso na iisa kami ng kasarian. Ang iniisip ko lang ay hindi kami iisa ng nararamdaman. Masyadong mababaw ang sa'kin na alam kong aabot sa punto na hindi magiging sapat para sa kaniya.

"Thiago." He called me again, but this time, I did not turn my head. I just walk slowly away from him.

I lay my back on my bed the moment I entered my room. Dalawang linggo nang hindi umuuwi si nanay mula sa mansion nila Max. Hindi naman nila alam ang nangyari sa pagitan namin pati si Jackson at Milo. Ang alam lang ng dalawa ay magka-away kami pero hindi nila alam ang rason. Buti at nirerespeto nila ito kahit minsan nararamdaman ko na gustong-gusto na nila ito malaman. Wala rin naman ako sa lugar magsabi lalo pa't nakasalalay ang identity ni Maximilian dito. Ayaw ko siyang pangunahan at tanggalan ng karapatan sa isang bagay na hindi niya kayang sabihin. Kung hindi siya handa ay dapat walang kahit sino man ang dapat na mamilit sa kaniya.

Nakatulog ako nang hindi ko namalayan. Nagising nalang ako nang magmamadaling araw na. Hindi pa ako kumakain at hindi pa rin ako nakakapagpalit ng uniporme ko kaya ginawa ko na ang mga bagay na dapat kong gawin at pilit na inabala ang sarili ko. Ala una y media ng madaling araw nang matapos ako sa lahat at kahit na pagod ako at wala sa wisyo ay pinilit ko mag-aral dahil hindi ako makakatulog at si Maximilian lang ang iisipin ko hanggang sa mag-umaga pati hanggang sa pagpasok.

"Hi, Thiago." Bati sa akin ni Silvestre matapos ko siyang makasalubong sa pintuan, ako papasok, siya ay papalabas hatak-hatak si Max.

"Anong problema mo?" Walang buhay kong tanong sa kaniya.

"Ililibre ko si Max, gusto mong sumama?"

Nakaharang kaming tatlo sa pintuan dahil hinihintay nila ang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nag-iisip pa ako gayong ayaw ko naman na makasama silang dalawa. Kaya hindi ko nalang pinansin ang mga ito at dumiretso na sa upuan.

Pakialam ko sa kaniya kung ilibre ni si Max e hindi naman sila sabay maligo di gaya ko. Mas lamang pa rin ako kapal ng libag niya.

Buong araw akong nakabusangot dahil sa puyat at sa pagiging masaya nila sa harapan ko. Gusto kong sipain ang kamay ni Maximilian na nakapatong sa likod upuan ni Silvestre na nasa kanan nito. Bakit parang inaakbayan mo iyang gago na 'yan e wala namang magandang ginagawa sa buhay 'yan. Walang nagawa ang pag-control ko at agarang tumayo kahit nasa kalagitnaan kami ng pag-aaral. Tumayo ako idinikit ang hinaharap ko sa kamay niya dahilan para mapabitiw siya rito. Nagkunwari nalang ako na pupunta sa banyo para naman lumamig ang isip ko at magkaroon ng kapayapaan sa utak.

The Light After Dusk (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon