CHAPTER 5

4 3 48
                                    

CHAPTER 5

Bakit hindi ako matalino tulad ni Trina?

A question that running through my mind while heading to the faculty room to talk the Lec. I stop when I reached the door. Huminga ako ng malalim bago kumatok.

“Come in!” Pumasok ako ng marinig ko ang boses ng Lec.

“Good afternoon, Ma'am...” I trail off. “Bakit niyo po ako gustong makausap?” I can't hide the nervous from my voice.

“Good afternoon, Miss Ortega! I want to talk to you regarding your school performance. Your grades is really frightening especially in my subject! Kapag pinagpatuloy mo pa ang ganiyang gawain... you might... fail.” seryosong ani nito. “But as your Lecturer, I believe that no student should left behind. Kaya, I want someone to tutor you. Actually, nahirapan akong kumbinsihin siya na turuan ka ngunit alam ko malaki ang maitutulong niya sa'yo—” natigil sa pagsasalita ang Lec ng may kumatok.

“I think he's here...”

Pati ako ay nakaabang sa papasok sa silid. Hanggang sa bumukas ang pinto at nanlaki ang aking mata ng sumulpot si—Chanwell.

“S-siya po ang mag-t-tutor sa akin?”

“Yes, Miss Ortega. Do you have a problem with that?”

“W-wala po...”

“Good afternoon Ma'am. Nandito na po Miss yung hinihingi niyong reviewer.”

“Come here Mr. Filkins! I hope you remember the things we talked a while ago about tutoring stuff.” Tumawa ang Lec. Dahan-dahan namang tumango si Chanwell.

“I want you to tutor Miss Ortega to improve her grade.”

Akala ko ay tatanggi si Chanwell hanggang sa marinig ko ang kaniyang sagot na nagpaawang sa aking labi.

“Sure Miss, it's okay with me...” pinasadahan niya ako ng tingin bago ako irapan.

Sungit!

“Okay, that's good. I hope this is settle. I'm waiting for your improvement Miss Ortega! Goodluck!”

Nang makalabas ng faculty ay mabilis na naglakad ang lalaki kaya mabilis akong tumakbo upang mahabol siya.

“Ayos lang ba talaga sayo na i-tutor ako?” Napahawak ako sa aking dibdib dahil kinakapos ako ng hininga.

He stopped before glancing on me with his raising brows. “Sa tingin mo makakatanggi pa ako?” masungit nitong usal bago maunang maglakad.

Napanguso ako. “Nagtatanong lang naman galit na galit agad...” bulong ko sa aking sarili bago siya sundan.

***

“Kumusta ka, Zoey ko? Anong nangyari matapos kang kausapin ni Amazona?” tukoy ni Tristan sa Lec. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria habang nanananghalian kasama si Celes.

“Oo nga, anong nangyari?” si Celes habang kumakain.

“Tss! Gaya-gaya,” pambabara niya sa babae kaya inirapan siya nito.

I sighed. Mula nang magkakilala ang dalawang ito noong isang araw ay di na sila natigil sa pagbabangayan. “Ayos lang naman sa katunayan nga ay sa kabila ng nangyari kanina ay may mabuting rin pala itong dulot.”

“Ha? Pinagsasabi mo?” they asked in unison. Nagkatinginan silang dalawa bago sabay na umirap.

“Ikaw lang ang kilala ko na masaya pa kahit napagalitan.” si Tristan.

I smiled in nowhere. “Masaya ako kasi i-t-tutor ako ni Chanwell!”

“Ano?!” Tristan exclaimed.

The Foolish AssetWhere stories live. Discover now