CHAPTER 6
Nang sumapit ang weekend ay maaga akong nagising. Dahil ito ang simula ng tutor session ko kay Chanwell. Sinadya ko pa talagang bilugan ang araw sa kalendaryo upang hindi ko makalimutan.
Inunat ko ang aking kamay bago magpakawala ng isang malawak na ngiti. I did my usual morning routines before going down.
Kahit ako ay hindi ko inaakalang ganito ako kasigla dahil lamang i-t-tutor niya ako. Mabilis akong nag-almusal bago muling bumalik sa kwarto upang maligo at mag-ayos. After few minutes, I'm done. Wala akong sinayang na oras bagkus ay dali-dali akong nagtungo sa kanilang bahay. I press the doorbell until the door slowly open. Parang nag-slow motion ang aking paligid ng masulyapan ko si Chanwell na siyang nagbukas ng pinto.
Nakagat ko ang aking labi bago maarteng hawiin ang aking buhok.
“Tch! You're early than I expected...”
“Sorry, na-excite lang ako hehe!” ngumuso ako. “Pwede na ba akong pumasok?”
Pinag-ikutan niya ako ng mata bago buksan ng malawak ang gate. Sa pagdaan kong iyon ay patago ko siyang sininghot upang amoyin ang kaniyang samyo.
Ang bango niya pa rin kahit umagang-umaga!
Lumingon siya sa akin. “Just wait in the living room. Maliligo lang ako,” he said without any emotion at all.
Agad akong tumungo sa may sala bago naupo sa may couch. Napatingin ako sa lapag dahil abalang naglalaro roon si Neon. Ngumiti ako at lumuhod sa may sahig upang magkapantay kami ng bata. Dahan-dahan itong tumingin sa akin. Ang kilay nito ay nagsalubong habang pinanliliitan ako ng mata.
“Neon! Bakit wala kang kalaro?”
“Ayaw kong makipaglaro sa ibang tao. I just want to play only with kuya Chanwell.”
Napanguso ako. “Ha? Ayaw mo bang makipaglaro sa mga bata sa labas? Hindi ba masaya kapag ang bata ay nakikipaglaro sa kapuwa niya bata?”
He rolled his eyes. “I'm not a kid anymore. Malaki na ako!” pangangatuwiran niya kaya natawa ako.
Lumubo ang pisngi niya at pinanliitan ako ng mata kaya mas nagmumukhang siyang cute. “What are you laughing at?” sinimangutan niya ako.
“Wala hehe...”
Napalingon ako sa gawi ng dumating si Chanwell. He is wearing a simple black and white strip basic tees paired with black board short.
Dali-daling tumayo si Neon bago hawakan ang kamay ng lalaki. “Kuya Chanwell, let's play!” hinigit nito ang kaniyang kamay.
“I'm sorry Neon but me and your ate Zoey, have important things to do...” wika ng lalaki habang nakatingin sa kaniyang nakababatang kapatid.
Ngunit ang higit na nakatawag sa akin ng pansin ay ang pagtawag niya sa akin na—Ate Zoey.
Nag-iwas ako ng tingin habang nangingiti.
“Zoey! Let's go!”
“Ano ka ba Chanwell masyado kang mabilis... dahan-dahan naman...” sabi ko sa aking isipan.
Kyah!
“Zoey, I said let's go so we can start!”
“Kuya Chanwell ni Neon tapos ako ang Ate niya Zoey, eh 'di para kaming mag-asawa!” I just imagine myself walking in the Church with my wedding dress while Chanwell waiting at me on the aisle as my groom.
Grabe nakakakilig!
“Zoey!” Chanwell shouted in front of my face before flicking my forehead to burst out my bubble. His breath smell like a mint. “What are you thinking bubblehead? I said let's go!” seryoso niyang wika habang ang kaniyang makakapal na kilay ay tila maging isang linya dahil sa labis na pagkakakunot.
YOU ARE READING
The Foolish Asset
Teen FictionBEAUTY AND FLAWS SERIES #1 No one born perfect. Zoey Babe Ortega is a trying hard girl. Everything she did turned not so well even just simply cooking egg failed her to do so. But it never stop her to achieve all the things she want. Since elementar...