Imbes na sa rest room ako pumunta ay pumasok ako sa restaurant kung saan naroon si Klein. Gusto ko siyang maka-usap tungkol sa nasabi ko kagabi. I know he's shocked. Disappointed as well.
“Jetro?” I approached his friend. Nakikita ko kasi siya sa mga posts ko, nagco-comment.
“Oy, Clevria! Napadpad ka ‘ata rito?” Aniya.
“S–Si Klein? I would like to have a talk with him.”
“Ah, palagay ko busy 'yon. Pero tatawagin ko, teka lang.” Akma na sana siyang umalis para hanapin si Klein ngunit panandalian itong napatigil.
“Jet, order 'to sa room 61—,” he paused as his eyes bumped into mine.
I could tell, his eyes are unrecognizable. Parang pagod ang mga ito. At kung tingnan ako, para siyang nandidiri. . .
I pursed my lips. “May we talk?”
He shrugged and looked away. “Lagot, busy kasi ako. Next time na lang siguro.”
I slowly nodded. He won't talk to me. By the way he talk. It's not gentle.
“Kukunin ko na rin pala 'yong bayad. Kailangan ko para sa renta.” Muling sabi niya.
Mula sa pagkaka-yuko, napaangat ang tingin ko. Processing his words.
“Jetro, ihatid mo 'yan do’n.”Sabi niya sabay tapik sa kaibigan saka umalis.
Napalunok ako sa narinig. He's now distant to me.
“Pasensya ka na ha. Kagabi pa 'yan ganyan.” Jetro talked. “Pero ayos lang 'yan!”
BINABASA MO ANG
Along Siargao
Romancequerencia series #7 | clevria & klein | epistolary [PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE.] the unfortunate love