Na-corner ako ng mga interviewer. Kanina pa nila ako hinihintay kahit nasa loob pa ako, nagtatrabaho.
“Mr. Echavez, nagpakamatay ba si Clevria Gozon?”
“Sir, kayo ho ba ang dahilan ng pagkamatay niya?”
“Nakuha niyo na ba ang pera, sir?”
Putangina nila, wala akong balak sagutin ang walang kwentang tanong na 'yan. Kitang kamamatay pa lang ng tao, hindi ba pwedeng patahimikin o kaya bigyan ng respeto si Clevria?
“Sir, kung sakaling mayaman kayo, sa tingin niyo hindi nangyari sa in–,”
Sinuntok ko siya. Galit na galit ako, sa mga paratang nilang walang basehan.
“Hindi niyo siya tanggap para sa akin! Hindi nagawa ng mga tao na maging masaya para sa amin!” I shouted in pain.
“Kaunting respeto naman, ang sakit na kasi...kahit saglit lang, manahimik muna kayo!” Muli kong sabi at umalis nang walang paalam.
BINABASA MO ANG
Along Siargao
Romancequerencia series #7 | clevria & klein | epistolary [PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE.] the unfortunate love