34

75 5 0
                                    

Klein's POV

“Wow, kyrie shoes! Galing ba ‘yan sa sugar mommy mo?” Ani Jetro.

Suot ko kasi ‘yong bili ni Clevria na sapatos. Astig talaga!

“Daghan dahan ka sa pananalita mo ha,” inis kong sagot.

“Ito naman, biro lang. Pero kanino ‘yan galing? Mahal kaya ‘yan.”

Napangisi ako. “Kay Clevria, bayad niya raw. Sinamahan ko kasi siyang mag-grocery.”

Sa totoo lang, ayos na ako sa pasasalamat, ewan ko kung bakit bumili pa siya ng ganito.

“Grabe, ang yaman!”

Hinintay ko pa nga siya dahil alam kong surfing lesson nila ngayon. Medyo maaga pa naman kaya magse-serve muna ako ng orders.

“Kleintoy! Nandiyan na siya,” sabi ni Jetro sabay tapik.

Ngumiti ako at pinuntahan siya. "Hi!"

“Oh, it's you,” she said and glance at the shoes she gave me.

“Sakto lang ba sa paa mo?” Tanong niya.

“Oo, ang ganda! Salamat ulit, first time kong makatanggap ng ganito. Makakabili naman ako ng sapatos pero ‘yong tag-199 lang ang pares. Saka kahit mabilis masira okay lang, basta may masusuot ako sa trabaho. Thank you talaga!” I'm overjoyed.

She smirked. “Small things.”

Along SiargaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon