113

177 5 4
                                    

“I now pronounce you, wife and wife.” The man stated.

Ate Freilla and Zaina kissed infront of us. The wedding is not legal since wala namang same sex marriage sa pilipinas, para lang daw ito sa mga kaibigan nila rito sa pinas, para kahit papaano ay masaksihan ang pagmamahalan nilang dalawa.

Nagpalakpakan kami pagkatapos. “Isa pa!”

Tiningnan ko si Kuya Bryx. Bakas pa rin sa mukha ang kalungkutan kahit nakangiti ito. Ganoon na rin si Latina, parang gumuho ang mundo namin no'ng nawala siya.

Pagkatapos ng kasal ay dumiretso agad ako sa sementeryo kung saan nalibing ang bracelet ni Clevria. Hindi nahanap ang katawan niya dahil sa araw na iyon ay malakas ang alon at sumabay pa ang ulan.

At isa pa, isang buwan na rin naman ang nakakalipas. Hindi ko pa gaanong natanggap, umaasa na baka naka-ligtas siya pero ang daming ebidensya na nagpapatunay nawala na talaga siya.

Masakit...sobrang sakit. Hindi ko pa siya nahalikan, o kahit malutuan man lang. Hindi ko nagawa ang mga bagay na nais kong gawin.

“Hello, beh...sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw, masakit pa rin kasi eh.”

Nagkuwento ako tungkol sa bagong trabaho na napasukan ko. Nasabi ko rin na pinagpatuloy ko ang pag-aaral ng college, sa kursong political science. Pati 'yong wifi nagamit ko na rin.

Pasensya na, Clevria. Sana nga hindi mo na lang ako nakilala. Sana sinungitan mo na lang ako. Putangina, umiiyak na naman ako. Ang hina ko sa 'yo, Clevria.

“Alam mo ba, no’ng nabugbog ako? Si Kuya Bryx pala 'yong nagtanggol sa akin. Kaya laking gulat ko talaga no'ng nalaman ko na kuya mo siya,” wika ko.

“Nawala ka agad, eh. Hindi man lang kita napasyal, o nalibre sa isang restaurant. Hindi ako naging sapat, para sayo, Clevria...”

I cried, really hard.

“Miss na kita,” sabi ko ulit. “Pati si Sachi, hinahanap ka.”

Gihigugma tika pag ayo, unta magkita ta sunod. . .

Along SiargaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon