94

66 4 1
                                    

Kuya and his friends left a while ago. And right now, I'm getting ready . .  .

Pupuntahan ko si Klein sa nirerentahan niyang bahay, nabigay niya rin sa 'kin noon ang address niya.

I arrived at his house, a bungalow style.

“Naku, hijo! Hindi na pwede, laking gulo ang dala mo! Alis ka na!” Rinig kong sigaw ng babae.

Nagkalat ang ilang damit sa labas habang binabato pa ang ibang gamit galing sa loob.

“Parang awa niyo na po, kahit bukas po aalis ako. 'Wag niyo pong itapon ang gamit ko . . .” Umiiyak niyang tugon.

Hindi ako makagalaw sa nakitang kamalasan ni Klein. I know, it's my fault. All mine.

“Bukas, dapat wala ka na rito!” muling sigaw ng babae.

Nakaharap pa rin ako sa bahay hanggang sa nakita ako ng babae pagka-labas niya. I handed her a thousand bill and left.

“Klein!” Pumasok ako sa bahay at nakita ang umiiyak na lalaki.

He looked at me with his teary eyes. “O–Oy ikaw pala ‘yan, kumain ka na ba?"

Binuksan niya ang refrigerator ngunit itlog lamang ang bumungad sa kaniya. Muli siyang napayuko at humagulgol.

“Sorry, wala akong pagkain dito . . .” bigo niyang sabi.

Along SiargaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon