New Chapter

136 2 0
                                    

"Wow dean's lister ka ngayong sem iba na talaga ang may inspiration. Congrats."

Bati kay Trixie ng kaibigang si Melody.

"Ganun talaga kapag maganda at matalino. Suwerte din sa lovelife." Pagyayabang pa niya sa kaibigan.

"Ay bumait ka nga naging mayabang ka naman. Sandali saan ka ba mag OOJT? Baka mahirapan akong maghanap ng mapapasukan. Puwede ba ako dun sa papasukan mo?" tanong nito. 

Big deal sa mga estudyante ang internship ngayong graduating na sila.

“Saan pa ba eh di sa kumpanya nila Derek. Nakapagpasa na ako ng resume at tinanggap at naapprove na ako. Pero magkaiba tayo ng kurso. Mga business management students Lang ang hinahanap nila eh masscom ka. Tsaka di ba next year ka pa naman kukuha ng OJT?” tanong niya dito.

“I'm just preparing ahead of time. Pero swerte mo talaga. Ang balita ko may sweldo mga intern sa kumpanya nila sir. Iba na talaga ang may jowang anak ng may-ari.” 

“Allowance lang hindi sweldo. At di ko ginamit ang lakas ko. I got in sa sarili kung merit. Ang rigorous kaya ng process. Akala ko nga di ako matatanggap kasi nga ang baba ng grades ko nung previous years pero humanga daw sila sa interview ko kaya tinanggap ako.” Pagmamalaki niya.

“Ganun? Akala ko si Sir ang namili kaya ka natanggap.”

“Di nga niya alam na nag apply ako for internship. Balak ko kasi siyang surpresahin.” Excited niyang sagot dito. 

“Ang sweet naman, sana matuwa sya sa effort mo.”

“At bakit hindi siya matutuwa eh makakasama nya ako araw-araw. Ako na maganda at sexy niyang girlfriend.”

“Dapat siguro icheck ko ang forecast ng PAGASA para kasing may parating na bagyo." Nakataas na ang kilay nitong sagot sa kanya.

“Alam ko namang di ka magagalit sa kayabangan ko dahil bff kita.” nakangiti niyang sagot dito sabay yakap.

“Oo naman pero pwede medyo hinaan mo yang electric fan mo. Single tong kausap mo. Sobra ka magflex.” paalala nito. 

"Wala pa rin bang ganap sa inyo ni Benjie?" Tanong niya dito. 

“Hay Diyos ko waley. Ang hina makaramdam ng lalaking yon. Eh papano hindi pa yata nakakaget over yon sayo.” nakasimangot nitong kuwento

“Eh kahit nung wala pa si Derek sa buhay ko eh ilang beses ko na rin naman siyang binasted.”

“Alam ko naman yon. Ewan ko ba dun asang-asa sa'yo eh nandito naman ako.” 

Napabuntunghininga siya dun. Nakakapanghinayang ang friendship nila ni Benjie. Medyo nakakalungkot na hindi na sila ganun kaclose mula nung inamin niya rito na magkasintahan na sila ni Derek. 

“Pasasaan ba’t magigising din yon sa katotohanan.” pagbibigay pag-asa niya dito.

“Ah basta ayoko nang umasa, kaya maghahanap na lang ako ng iba na kayang iappreciate ang beauty ko.” deklara nito. 

“Well that's my girl. Sure bet ako makakahanap ka rin ng lalaking maappreciate ka at mamahalin.”

“May kaibigan ba si sir Derek na kasing gwapo niya?” Tanong nito.

“Kay sir Jon lang siya close at may girlfriend na yon na mas maganda sa ating dalawa, si Miss Sarah.”

“Crush ko nga si sir Jon nun. Best Friend pala sila.”

“Di lang basta magbestfriend kundi magpinsan.” inform niya dito. 

“Ay ang dami mo na talagang alam. Pinakilala ka na ba sa pamilya?” Biro pa nito.

“Hindi pa pero malapit na.” Confident nyang sagot dito. Mamaya na tayo magkwentuhan may klase pa ako.” Paalam na niya dito. 

“Sige dean's lister later na lang.” Paalam na rin nito sa kanya.

"Sorry hindi tayo pwedeng magkita mamaya may date ako." nagpeace sign pa siya dito.

"Kainis o sige bukas na lang. Siguro naman libre ka na." 

"Oo naman."

"Okay Ciao." At nagpunta na nga sila sa kanya-kanyang klase.



"Papa sigurado na ba kayo sa desisyon nyo?" Tanong ni Derek sa ama.

"Oo naman. Ikaw lang naman ang nag-iisa kung anak. At ngayong papasok ka na sa kumpanya I want to give you all my support."

"I just think fifty percent of your shares is too much. Matagal pa naman kayong magreretire. At yung paglalagay nyo nga sa akin as director ng IT Department eh sobra sobra nang pagtutol ng board. Kapag nalaman nila na ibinigay nyo sa akin ang kalahati ng shares nyo lalong magagalit ang mga yon." nag-aalala niyang sagot dito. 

"Hayaan mo silang magalit. I didn't raise this company from the ground up para sila lang ang makinabang. Nung magpakasal kami ng mama mo lahat sila ayaw sa akin." pagtatapat nito.

"Wow, I didn't know that. Ayaw sayo ng mga Hermogenes?" nagulat dun si Derek. 

"Sinasabi nila i just married your mom for money at wala raw akong kayang ioffer sa pamilya nila. During that time kakatayo pa lang ng freeman corporation. And Hermogenes Inc is ruling the market. Pero nung nagka financial crisis sa buong Asia I survived it but Hermogenes fumbled. Kaya nga nagkaroon ng merge to save their dying company." kuwento nito. 

So hindi pala tsismis yung issue nyo ni Uncle. I thought society pages are making up stories about our families' cold war. At kaya pala Jon decided to just focus sa pagpapatakbo ng Hermogenes university instead na makigulo pa sa main office at board room." 

"If not for your mom's pleading hindi ako makikipag merge sa kanila. Ano ngayon ang desisyon mo ngayong alam mo na ang totoo?" Tanong nito.

"I could just walk out of here and say to hell with this company and just live a normal life. But I owe you one father. Naging masama akong anak at panahon sa siguro para bumawi ako sa inyo. So I'm going to accept the job and your shares." Pagdedesisyon niya.

"Anak nga kita. I know you will make the right decision. Gusto mo na bang makipagmeeting sa bago mong department?" Tanong nito.

"Not today dad. Sa Monday na lang. May date kami ni Trixie." paalam niya dito.

"Seryoso ka na ba sa kanya?" curious na tanong nito. 

"Yes Dad seryoso ako kay Trixie. Hindi ka naman siguro tututol di ba?" Naninimbang na tanong niya dito.

“Alam mo naman na ang istorya namin ng mama mo kaya di ko gagawin yon. I just want you to introduce her to me. After all, she's the daughter of the man who saved your life. Kahit man lang sana sa kanya makapagpasalamat ako.” paliwanag nito

"Makikilala mo rin siya Dad. Ayoko lang siyang biglain." Nakangiti niya paniniguro niya dito.

"Okay, see you Monday at the office. Tamang-tama may company dinner. I will instruct my assistant to introduced you sa lahat ng mga empleyado sa main office."

"No need Pa I can handle it. Sige aalis na ako baka naghihintay na sa akin si Trixie." Paalam niya dito. At pagkatapos nun ay nagmamadali na siyang lumabas ng opisina nito. 

Dangerously in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon