Chapter IV

21.6K 263 4
                                    

Nagsalubong ang mga kilay ni Derek dahil nang dumating siya sa klase ay hindi niya nakita si Trixie. Ang kaibigan nitong si melody ay present kaya nagtataka siya. Hindi rin ito nag-apply as student assistant. Kahit mabababa ang grades nito magagawan naman sana niya ng paraan para maipasok ito. Pero kahit anino nito ay hindi nagpakita para magpasa ng application form.

Ang balak talaga niya noong una ay maging mabait dito para makuha niya ang tiwala nito pero palaban talaga ito at obvious na hindi madadala sa pagiging mabait niya kaya he decided na maging medyo mahigpit dito pero parang talagang nananadya ito.

"Pasaway talaga." Pero ano pa nga ba ang inaasahan niya. Kahit medyo tinakot na niya ito kahapon ay hindi pa rin ito natinag. Hanggang sa huli ay defiant pa rin ito. Hindi niya maubos maisip kung paanong naging anak ito ni Agent Marcus na sobrang istrikto pagdating sa pagsunod sa mga batas at patakaran. Hindi magiging madaling makuha ang tiwala nito. Natapos ang klase pero hindi talaga ito dumating. He decided to talk to melody.

"Miss Ramirez"

"Melody na lang po sir." halatang masaya na kinausap niya ito.

"Yes melody. Di ba magkaibigan kayo ni Pat- I mean miss Romero? Alam mo ba kung bakit hindi siya pumasok?" Nginitian niya ito. Medyo nag-alangan ito kung magsasabi ng totoo. Kaya alam niyang meron itong nalalaman. "Huwag kang mag-alala hindi ko naman siya pagagalitan."

"Sir sa totoo lang nagtext siya sa akin na may importante daw siyang lakad." Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo pero may winiwithhold na information. Kailangan niya itong mapaamin.

"Oh i remember may nasabi siya sa akin kahapon may kaibigan daw siyang pupuntahan. Nagpaalam nga siya na importante nga raw yon pero ang sabi niya malelate lang siya ng dating pero hindi aabsent. Nasabi nga rin niya kung saan sila magkikita nung kaibigan niya pero di ko matandaan. Ikaw natatandaan mo ba?" tanong niya uli dito. Sana hindi nito mahalatang he is just fishing for information.

"Sir sa Malate. pero sa atin-atin lang to sir ha wala akong tiwala don sa kaibigan niyang kakatagpuin. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan yung toby na yon." Kuwento agad nito.

Bigla siyang naalarma doon. pero hindi niya yon pinahalata. "Ganoon ba? May balak ka bang sumunod sa kanya sa Malate? tanong niya. Inaalam ang eksaktong lokasyon ni Trixie.

"Naku hindi ko kasi alam kung saan yung date niya." Bigla nitong natakpan ang bibig dahil sa pagkakadulas ng dila. "Naku sir huwag niyo akong isusumbong ha."

"It's alright Melody huwag kang mag-alala hindi naman kita ipapahamak sa kaibigan mo. Salamat ha. Kita na lang tayo next week." Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya kahit naaalarma na siya.

Pagkaalis nito ay tumayo na rin siya agad. Sinubukan niyang tawagan si trixie. Nakuha niya ang numero nito sa records ni Mr. Osorio pero walang sagot, cannot be reach.

Nagmamadali siyang umalis. Hahanapin niya ito at kung kinakailangang gulagurin niya lahat ng bar at restaurant sa Malate gagawin niya para makita lang ito. Kinabahan siya nung sinabi ni melody na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking kasama nito.



Sa isang bar nakipagkita si Trixie sa manliligaw na si Toby. Ito ang nagsuggest ng lugar at pumayag na lang siya tutal siya naman ang may kailangan dito. Dahil biyernes medyo maraming tao kahit past 7 pa lang ng gabi.

"Madalas ka ba rito?" Tanong na lang niya para masimulan lang ang usapan. Nag-aya kasi agad itong sumayaw pagkadating pa lang nila kaya hindi siya makahirit sa kailangan niyang limang libo dito.

"Every weekend dito ako pumupunta. Kilalang-kilala na ako dito. Kilala ko rin kasi ang may-ari ng bar na ito" pagyayabang pa nito.

"Ah okay." Ininom niya ang inorder na orange juice. Hindi na siya nagtanong pa dahil baka liparin na siya sa kayabangan nito. Lahat na yata na sikat na tao ay kilala raw nito.

Dangerously in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon