May araw na nang makauwi si Trixie sa bahay. Gising na rin ang kanyang ina.
"Akala ko mamaya ka pa makakauwi. Bakit yung professor mo pa ang tumawag sa akin at hindi ikaw mismo." Tanong nito.
"Sinong tumawag?" Takang tanong niya.
"Yung professor mo tumawag kagabi sinasabing hindi ka nga raw makakauwi dahil sa isang project."
"Well Ma kung ako naman kasi ang tatawag sa inyo alam ko namang hindi kayo maniniwala sa dahilan ko. Kaya mabuti nga yung iba na lang ang tumawag sa inyo."
"Ilang beses ka na rin kasing nagsinungaling sa akin. Nag-aalala lang naman ako sayo."
"Just worry about your other family."
"Trixie!" Galit nitong tawag sa kanya pero parang wala siyang narinig. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa sariling kuwarto.
Madalas ganoon ang nangyayari sa kanilang mag-ina. Hindi na sila nagkasundo mula nang nagpasya itong magpakasal mahigit isang taon pagkamatay ng kanyang ama. Hindi niya maunawaan ang dahilan nito. Paano nitong kinalimutan na lang basta-basta ang kanyang ama? Samantalang siya ni hindi pa rin makalimutan ang sakit.
Lalo tuloy niyang naramdaman ang pag-iisa sa pag-aasawa nito. Noon akala niya ay makakatuwang niya ang ina, na maaasahan at sandalan nila ang isa't-isa pero naging mas mahina ito sa kanya. Hindi nito kinaya ang kalungkutan kaya nagpakasal ito sa iba sa kabila ng pagtutol niya. At kahit pa mabait sa kanya ang kanyang step-dad at ngayon ay may kapatid na rin siya ramdam pa rin niya ang pag-iisa
"Ate baka gutom ka na. Kain na tayo." Tawag sa kanya ng nakababatang kapatid.
"Mauna ka nang kumain Aaron busog pa ako." Sagot niya sa kanyang half-brother. Kahit naman galit siya sa ina ay hindi niya magawang magalit sa kapatid. Yun nga lang hirap din siyang maging malapit dito. Pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa bagong pamilya ng kanyang ina. Kaya tumimo sa kanya ang mga sinabi ni Derek kanina sa kanya. He knew exactly how she felt. He somehow feels her pain. Marami nang nagpanggap na naiintindihan ang sakit na nararamdaman niya pero ngayon lang siya nakahanap ng isang tao na ayaw sumuko sa kanya and somehow she found comfort sa mga salita nito. Gusto talaga siya nitong tulungan. Maybe she's not a hopeless case after all. Atleast sa mga mata nito.
"Himala nag-aaral ka." Pansin ni melody kay Trixie.
Malapit na ang midterms natin. Sagot niya dito.
"At kailan mo naman naging motivation sa pag-aaral ang mga nalalapit na exams ha? Are you sick or something?" Parang hindi pa ito makapaniwala sa new found kasipagan niya.
Hindi naman niya ito masisisi dahil madalas nga siya pa ang pasimuno ng lakwatsa kahit malapit na ang mga exams kaya nga lagi siyang bagsak. Wala naman kasi siyang pakialam sa mga grades niya noon pero iba na ngayon.
Medyo na challenge siya sa sinabi ni Derek aka Mr. substitute professor about responsibility. He wants to teach her responsibility na parang sinasabi nitong wala siyang sense of responsibility. Yun ang impression nito sa kanya na parang tumatakbo siya sa mga responsibildad and that she always wants the easy way out. Hindi naman niya ito masisisi. Kaya tinanggap niya ang paglilinis ng bahay nito at ngayon nga ay nag-aaral siya para patunayan dito na kaya niyang maging responsable.
"Kung ako sayo gayahin mo na lang ako remember binigyan ka na ultimatum ng parents mo na hindi ka na nila susuportahan kapag bumagsak ka uli. So i suggest magbasa ka na rin." Inabot niya rito ang isa sa mga libro na hiniram niya sa library.
Parang medyo natakot naman ito sa paalala niya kaya kinuha na rin nito ang libro at nagbasa pero ilang sandali pa ay nagsalita uli ito.
"Sa tingin mo Trixie single pa kaya talaga si sir Derek." Curious na tanong nito.
BINABASA MO ANG
Dangerously in Love
RomanceNagbalik si Derek sa Pilipinas galing Amerika dala ang isang malaking pasanin sa dibdib.... GUILT. Six years ago isang malaking pagkakamali ang nagawa niya. Isang pagkakamaling naging dahilan ng pagkaulila ng isang anak sa ama. He wanted to...