Ilang araw pagkatapos ng pag-uusap nila ni Derek hindi na niya ito nakita sa bahay. Hindi man lang ito nagpaunti-unti. Talagang nawala na agad ito.
Natapos na ang bakod at ang taniman. Parang pinapakitang wala na nga itong babalikan. Hindi na rin nito dinadalaw ang kapatid niya. At siya hindi man lang nito kinamusta. Pero ano nga ba ang aasahan niya mula dito. Ang gugulin nito ang buhay sa paghuhugas ng kasalanan na matagal naman na nitong pinagsisihan.
Hindi naman niya ito magagawang itali sa nakaraan dahil unfair din naman yon dito pero sana hindi na lang ito nagpakita ng kabaitan sa kanya. Hindi sana umasa ang puso niya ng kahit konti mula dito.
"Bakit mukhang matamlay ka?" tanong ng ina.
"Wala ho medyo masakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan niya
"Ganoon ba? Eh di magpahinga ka muna sa kuwarto tapos tatawagin na lang kita pag kakain na."
"Ang dami nyo namang niluluto?" nagluluto ito ng kare-kare at crispy pata. Wala naman siyang naaalalang special occasion.
"Ito ba? Medyo sinipag lang."
Pumasok na nga siya sa kuwarto pero imbis na humiga ay nagbasa siya para maokupa ang isip niya ng ibang bagay. Pero ilang minuto pa lang ay naggive-up na siya hindi mawala sa isip niya si Derek.
Kunyari ay inaalala niya ang pamilya dahil masyado na itong napapalapit sa binata pero ang totoo mas inaalala niya ang puso niya dahil kahit ayaw niya hindi maiwasang umasa ang puso niya na may pagtingin din ito sa kanya. Bakit naman kasi hinalikan pa niya ito noon.
Hinawakan niya uli ang labi paano ba niya ito makakalimutan eh nakatatak na sa utak niya ang mga halik nito at yakap. Dahil hindi na mapakali ay lumabas na rin siya ng kuwarto. Tutulong na lang siya sa pagluluto dahil baka mabaliw na siya.
Akma namang paglabas niya ay tumunog ang doorbell. "Baka Papa nyo na yan. Buksan nyo ang pinto" siya na ang nagbukas at laking gulat niya ng si Derek ang bumungad sa kanya.
"Hi" maiksing bati lang nito.
"Kuya derek" sigaw agad ng kapatid niya pagkakita dito.
Sinalubong agad nito ang binata na hindi makaugaga sa dami ng dalang pasalubong.
"Tamang-tama ang dating mo Derek. Nakapagluto na ako. Kumusta ang biyahe?" tanong naman ni aling Dolores
"Okay lang po. May pasalabong nga po pala ako. Yung request nyong danggit. Tsaka ito yung pinangako ko sayo Aaron. Sabay abot sa isang maliit na gitara na regalo nito sa kapatid niya.
"Kaya ka nawala dahil umalis ka?" hindi niya mapigilang tanong dito.
"Oo four days convention sa Cebu. Nagpunta muna ako dito bago umalis para magpaalam kay Tita.
"Bakit di mo sinabi sa akin Ma?" Kaya pala parang balewala dito na hindi dumadalaw si Derek.
Bakit nagtanong ka ba? Sagot naman nito sa kanya.
"Mukhang paborito ko po yang niluluto niyo ah." Pansin nito sa niluluto ni aling Dolor.
"Siyempre alam kung darating ka kaya kare-kare itong niluto ko."
Pumunta pa ito sa kusina at tinikman ang nilulutong kare-kare.
" Perfect po ang lasa pareho kayo ni Mama ang galing magluto." Puri nito.
Hindi na siya makatiis. "Puwede Derek mag-usap muna tayo sa labas?" aya niya dito.
Kahit medyo nagtataka ay sumagot ito "Sure." Nginitian pa siya nito.
"Di ba may usapan na tayo." Simula agad niya nang sigurado niyang hindi na sila naririnig mula sa loob ng bahay.
"Ha anong usapan?" Parang nagtaka naman ito.
BINABASA MO ANG
Dangerously in Love
RomanceNagbalik si Derek sa Pilipinas galing Amerika dala ang isang malaking pasanin sa dibdib.... GUILT. Six years ago isang malaking pagkakamali ang nagawa niya. Isang pagkakamaling naging dahilan ng pagkaulila ng isang anak sa ama. He wanted to...