Chapter IX

20.5K 278 4
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Trixie sa nangyari. Sinalat pa niya ang mga labi, medyo namamaga pa yon dahil sa mga halik ni Derek. Malamig ang gabi pero parang naiinitan pa rin siya.

Nalilito siya kanina sa reaksyon ni Derek. Naiintindihan niya they kinda cross the line of decency dahil estudyante siya nito but its not like she's a minor and he's a dirty old man.

Ilang estudyante na ba ang nagkagusto sa teacher nila and vice versa. Pero bakit ba parang sobrang guilty ito na akala mo ay nakagawa ito ng krimen na walang kapatawaran?

Hindi pa siya nakakalayo ng biglang may humarang sa daan niya.

"Benjie melody anong ginagawa nyo dito?" halata sa boses niya ang kaba.

"Hindi ba dapat kami ang nagtatanong sayo? Anong ginagawa mo sa bahay ng Math professor nyo ng ganitong oras?" Nag-aakusang tanong sa kanya ni Benjie.

"M-mali ang iniisip nyo." Pero may kutob siyang may nalalaman na ang mga ito.

"Kaya ba mukhang guilty ka? Tanong pa rin nito.

"Bakit kailangan kung magpaliwanag sayo?" naiinis na siya sa paraan ng pagtatanong nito.

"So kanino mo gustong magpaliwang sa dean? Mabuti pa nga ng magkaalaman na."

"Sandali lang magkakaibigan naman tayo. Pwede itago na lang natin ito."

"Naririnig mo ba ang sarili mo Trixie?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Melody. "Alam kung guwapo si Sir at lagi akong nagbibiro sayo na papatulan ko siya kapag nabigyan ako ng pagkakataon but this is getting too far. Paano na lang pag nalaman ito ng ibang estudyante at professor puwede kang makick-out sa school. Tsaka paano kung may lumabas na video scandal."

"Melody you're overreacting."

"Is she Trixie? Halos Dis oras na ng gabi at nasa bahay ka ng isa pa namang teacher. Higit sa lahat pumunta ka rito ng palihim wala kang sinabi kay melody. So anong gusto mong isipin namin?'

"Walang nangyayari sa amin puwede ba. Gusto nyong malaman ang totoo. Pinuntahan ko siya dahil gusto kung malaman kung bakit siya umabsent. Inisip ko may sakit siya. Masama ba yon? Concern lang naman ako." Totoo naman ang rason niya.

"Gusto mo pa talaga siyang ipagtanggol? Noong isang Linggo ka pa namin sinusundan ni Melody. Noong una hindi namin alam na yung Sir derek mo ang pinupuntahan mo diyan ng halos araw-araw. Kaya huwag ka nang magsinungaling sa amin." Huli na siya nito.

"I'm sorry Trixie nacurious lang naman ako sa mga ginagawa mo kaya nagpasama ako kay Benjie na sundan ka. Im sorry talaga." Paghingi ng tawad sa kanya ng kaibigan.

"Alam mo mabuti pupuntahan ko na yang lalaki na yan eh." halata ang galit sa boses ni Benjie.

"Yan ang huwag mong gagawin benjie. O kalimutan mong magkaibigan tayo." Pagbabanta niya dito.

Tiningnan siya nito ng may halong lungkot at galit pagkatapos ay nagwalk-out ito. Sinundan naman ito ni Melody.

Naiwan siya na nag-aalala. Hinabol niya ang mga kaibigan para pakiusapan ang mga ito.





" Derek mag-usap muna tayo bago ka pumasok." Salubong a kanya ni Jon na sobrang seryoso ang ekspresyon.

"Anong problema?" tanong niya sa pinsan. Tinawagan siya nito kanina at sinabihang huwag munang magpapakita sa campus hanggat di pa sila nakapag-uusap. Nagkita muna sila sa isang restaurant malapit sa university.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa inyong dalawa ni Trixie?" diretsang tanong agad nito.

"Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan?"

Dangerously in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon