"Aray . . ." Nakangiwi si Tash habang hindi alam ang baling na gagawin. Matindi ang panaginip niya, parang totoong-totoo talaga ang aksyon!
Nag-inat siya at bumangon sa napakalambot na kama na masakit ang ulo nang makita niya sa kanyang tabi ang nakadapang lalaki. Napangiti pa siya habang tinititigan ito.
"Ang gwapo naman talaga ni Lucas," komento niya pa sa sarili. Makapal ang pilik-mata nito habang nakapikit, mapayapa ang mukha, at bahagyang nakakunot pa rin ang noo kahit tulog. She lazily stared at him for awhile, smiling, before realizing something's wrong.
"Lucas?" Nagulat siya sa sarili na ito nga ay kanyang katabi.
"Lucas!" Mabilis niyang sinilip ang sarili sa ilalim ng makapal na comforter at natagpuang wala siyang saplot. Lumipat ang mga mata niya sa katabi at iniangat din ang comforter na nakatakip dito. Napanganga siya!
"Ay pwet!" Nakita niya rin ang pang-upo ni Lucas na noong isang araw lang ay sinisilip niya pa sa ilalim ng pantalon nito.
Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo sa panlalamig nang husto. Pumikit siya nang mariin at inalala ang nangyari kagabi nang mabilis na mabilis para malaman ang susunod niyang hakbang.
Naghahanap siya ng banyo tapos ay nakita niya si Lucas, inayang uminom, nakita niyang nagsasarili sa banyo pagkatapos ay nag-volunteer siyang tulungan ito. Kasi siya si Tasha Roces, at your service!
Napasinghap siya at napatakip ng bibig nang maalala ang ginawa sa amo. Best employee yern?
Ibig sabihin, isinuko niya ang Bataan kahit nasa Palawan sila?
"Tash-aaaa!" naiinis siyang mahinang napatili sa sarili. "Ano'ng ginawa mong gaga ka! Trabaho ang ipinunta mo rito, gerl!"
Naalala niya pa ang mukha ni Lola Candy na nagbilin na huwag niyang ipapahiya tapos sa unang araw ay nakipag . . . plok . . . plok . . . siya sa kanyang amo.
Tinitigan niya si Lucas at ang payapang mukha nito habang nahihimbing. Dumako ang tingin niya sa mapupulang labi nito at parang may naalala muli siya sa nangyari kagabi. Naroon si Lucas sa pagitan ng kanyang mga hita at sinasabunutan niya ito. Unti-unting nahulog sa kanyang utak ang mumunting alaala ng kanyang pagiging wild!
Bumalik ang pag-iinit ng pisngi niya dahil sa alaalang iyon.
Kumilos si Lucas at nanigas siya sa kanyang puwesto. Siguro ay sisigawan siya nito at tatanungin siya kung bakit siya nasa kuwarto nito. At sisisihin siya sa nangyari kagabi at mapapalayas siya. Mababalita sa San Isidro na isang araw lang siyang nagtrabaho at sisante na agad. Pagkatapos hahabulin siya ng walis ni Lola Candy dahil hindi na siya virgin!
"Good morning . . ." Ang bahagyang malat na baritonong boses ni Lucas ang nag-alis ng atensyon niya sa mga naiisip. Walang bakas ng kahit anong gulat na ngayon ay magkatabi sila.
"G-good morning?" nagtataka niyang tanong.
"Bakit? Anong oras na? Tanghali na ba?" Iniinat nito ang braso habang nakadapa at sinilip ang alarm clock sa side table nito. "It is still morning."
Bakit parang normal lang ang lahat sa lalaki? Samantalang siya ay kung ano-ano na ang naiisip na malalalang senaryo!
"H-hindi ka ba sisigaw? H-hindi ka magugulat? Hindi ka ba magagalit?" sunod-sunod na tanong niya.
"Magagalit? For what? Last night was okay."
"O-okay?" paniniyak niya.
"Yeah. Not much experience but . . ." Itinagilid nito ang ulo, ". . . pwede na."
Cool na cool itong tumayo at lumantad ang walang saplot na katawan nito. Hindi niya kinaya ang itsura nitong walang saplot ngayong wala na siyang tama ng alak. Nahihiya siya pero hindi niya magawang magtakip pa ng mata. Sinundan niya lang ang kaperpektuhan nito.
BINABASA MO ANG
Temptation Island: Role Play
General FictionYoung and ambitious, Estancia Roces always gives her all to reach her dreams. But when she crosses paths with billionaire Lucas Monasterio and unexpectedly gets a job at Temptation Island, Tasya discovers that a life with Lucas is far more complicat...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte