Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 2

394K 10.6K 5.6K
                                    

Kung ano'ng bilis na ma-interview si Tash, ang siya namang tagal ng kanyang paghihintay na matapos ang lahat ng nag-a-apply. Hindi na muling nag-interview pa ang lalaking masungit. Siya lang talaga ang nabiktima nito at ipinahiya!

Nilamok na siya sa kanyang pwesto pero ayaw niyang umalis. Makikiusap siya, magmamakaawa kung kinakailangan. Wala namang hindi makukuha kapag hinihingi nang maayos.

Nang tumayo na ang lahat ng nasa mesa at mangilan-ngilan na rin lang ang tao sa basketball court, tinungo niya agad ang lalaking nag-interview sa kanya. Tumalikod na ito patungo sa nakaparadang mga sasakyan doon sa labas ng basketball court. Mukhang papauwi na.

"Sir." Nakasunod siya sa likuran ng lalaki. Ang malapad na likod nito at matambok na pang-upo ang kanyang napansin. Matangkad na siya pero malaki ang agwat sa kanya ng lalaki. Kailangan niyang tumingala para mapagmasdan ang batok nito. Humaplos pa roon ang palad ng lalaki kaya napansin niya ang pag-flex ng muscles nito sa braso. Dinaig pa ang mga nakasama niyang mga lalaki sa bikini open kung laki rin naman ng katawan ang pag-uusapan. In fact, parang kaya siyang durugin nito sa braso nito, iyon e kung yayakapin siya. Malamang kapag nakulitan sa kanya ay papaputukin nga siya gamit ang mga kamay.

"Sir," ulit niya. Huminto ito sa tapat ng magarang pulang sasakyan kaya ganoon din siya.

"Sir, sorry. Sanay kasi akong dinadaya ang edad ko kapag merong mga audition. Hanggang 25 lang kasi ang kadalasang tinatanggap, Sir." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

Pumihit ang lalaki paharap sa kanya. Nakakunot ang noo. Napalunok siya sa nakakamanghang kagwapuhan nito kapag ganito kalapit. Nakadagdag pa sa appeal nito ang pagsimangot. Rough, brusque, very masculine.

"Hindi ko maipagkakatiwala ang negosyo ko sa sinungaling. I hate liars, Miss."

"Tash." Ngumiti siya nang matamis kahit pinagpapawisan nang malamig.

"Tash?" Tumaas ang kilay nito.

"Oh, hindi ako nagsisinungaling, a. Nickname ko ang Tash," kaswal na sambit niya. "Ang buo kong pangalan ay Estancia Ligaya Rosanna Roces, sounds familiar, 'no? Parang yung bold star no'ng 90s."

Nanatiling nakatingin sa kanya ang lalaki na parang inip na inip na kausap siya. Umikot ang mga mata niya. "Fine, Tasya. Tasya talaga ang tawag nila sa akin dito. Ano pa ang gusto mong malaman?"

"Wala. Not interested." Tumalikod na itong muli at akmang sasakay na sa sasakyan.

"Sandali lang naman, Sir! Nagsasabi na po ako ng totoo. Baka naman pupwede n'yo akong isali sa shortlist n'yo."

"Tapos na ang interview. Nakapili na kami," sabi nito nang mabuksan ang pinto ng sasakyan.

"Sir naman. Please!" desperada niyang habol. Hinawakan niya sa kamay ang lalaki, napaigtad ito na parang napaso. Kung hindi nakakabit sa braso niya ang kanyang kamay ay baka lumipad na ito pero napangiwi siya nang tumama ito sa pinto ng sasakyan ng masungit na lalaki. "Aray . . ." Namilipit siya at agad na hinilot ang kamay. Tiyak niyang magpapasa iyon dahil gano'n kaselan ang kanyang kutis.

"Aray naman, ang lupit mo naman!"

"Bakit ka ba humahawak? Are we close?" arogante pang sita nito sa kanya.

"Imbes na mag-sorry ka, galit ka pa! Sungit!"

"You are invading my personal space, touching me even. Ano'ng karapatan mong hawakan ako?" Tumaas ang boses nito.

"Bakit? Sino lang ba ang pupwedeng humawak sa iyo? Ang arte-arte mo. Tingnan mo!" Iniangat niya ang likod ng kanyang palad at kitang-kita ang pagbabago ng kulay nito. "Gusto ko lang naman makiusap. Oo, 26 na ako, matanda na ako, siguro nga desperada. Kailangan ko ng trabaho, e. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral dahil huling-huli na ako sa karera. Lahat ng tao rito, naniniwalang malayo ang mararating ko pero nandito pa rin ako, kasama nila. Humihinga ng parehas na hangin na hinihinga ng mga kalabaw!" Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang makaramdam ng awa sa sarili.

Temptation Island: Role PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon