Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Prologue

433K 8.1K 1.8K
                                    

Ang ambisyosang si Tash mula sa maliit na bayan ng San Isidro ay nawala sa sarili isang gabi nang uminom sa loob ng Isla ng Temtasyon kasama ang isang gwapong-gwapong lalaki na bago niyang amo.

Isinuko niya ang Bataan nang gabing iyon nang walang kahirap-hirap at nagising siyang nananakit ang katawan na walang saplot katabi ang kamag-anak yata ng anghel sa langit at lupa. Bilang laki sa kanyang lola at may paniniwalang isa siyang dalagang Pilipina (yeah), kinumbinse niya ang lalaki na panagutan ang 'paglapastangan' sa kanyang pagkatao. Laking gulat niya nang pumayag agad ito at nagpakasal sila sa loob ng Temptation Island ora mismo.

Ganoon kabilis?

Sa Temptation Island sila nanirahan ng kanyang bagong asawa, sa pinakamagarang mansyon sa loob ng makamundong isla. Lahat ng tao ay yumuyukod sa kanya. Dream come true, sa isip niya.

"Magandang umaga, Ginang Monasterio," magiliw na bati sa kanya ng nagsisilbi ng kanyang agahan.

Naka-jackpot na sana siya, kung hindi lang ang walanghiyang asawa ay tinetiyempuhan ang pagtulog niya bago ito umuwi. Naaamoy naman niya ang pabango nito sa unan sa tabi niya, pero hindi na niya muli ito nasilayan pagkatapos ng kanilang kasal.

Hindi siya makakapayag na gano'n-gano'n na lang. Kung ang napangasawa niya ang hari ng Temptation Island, dapat niyang gampanan ang kanyang role bilang isang reyna.


Temptation Island: Role PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon