Introduction; Jester

35 4 3
                                    

TRYBRID'S DARK HEART
~ Heiress of the Underworld ~

This story is one work of fiction; characters, places, topics and some words. This story having the same names nor things as other works of different authors are purely coincidental and is not by any means copied or owned as one's property of work. This piece is an original work, having the author's imigination and writing at work.
@ All rights reserved July 20, 2022
@ Edited at January 29, 2023


Yurilex Laureleih's Point of View.

Kakagatan ko na sana yung sandwich na binili ko dun sa aleng nagtitinda ng milkshake kanina, ngunit kasabay ng pagdampi ng hangin sa aking balat ay ang pagkapansin ko sa isang nagtatagong presensya.

I secretly rolled my eyes, feeling disappointed as I know to myself na masasayang nanaman itong bente pesos na ipinambili ko rito sa clubhouse sandwich. Kesa naman umuwi akong gutom na, pagod pa, at posibleng magsayang ng kakarampot kong kinita ay kumagat na ako ng malaki sa clubhouse. I placed it back in it's wrapper at matapos na makipagtitigan rito'y napagdesisyonan kong iwan na nga.

I heaved a sigh and took a moment to myself. Pasalamat tong stalker na ito at magiiwan pa ako ng trace. Stupid but lucky you, kung sino ka mang impaktong hukluban ka.

"I know you're there. Your hiding skills sucks. Masyado kang gumagalaw." Sinabi ko at tumingin sa direksyon kung saan ko naramdaman yung taong sumusunod saakin. Hindi ko naman ito nararamdaman pagkapunta ko rito kaya'y sigurado ako na ngayon-ngayon lang sya nandyan. Maigi itong nakatago sa madilim at mapunong parte ng park. Narito kasi ako sa nagiisang bench na may ilaw. The bushes rustle, meaning na lalo pa itong nagtatago ng mapagtantong nalaman kong naroroon sya.

'Ito nanaman itong kalokohang ito. Laro ba ito ng taguan? ako nanaman ang taya? Di ba pwedeng ibang laro naman? like kill then die ganon. tang'nang yan.'

"Alright, Once I stood up this very bench, you wouldn't even notice me leaving." Mahinang bangit ko, ngunit sapat ang lakas nito para kahit papaano'y marinig ako nung taong nagmamasid saakin. Kahit papaano'y kinalilibutan ako sa mga makatagos-kaluluwang mga titig nya, lalo na't alam ko sa sarili ko na iba ang lebel ng lakas nya. I've sensed counless more dimwits like this one, kaya alam ko na one-level higher sya.

Narinig kong bumuntong hininga ito.Kahit na kasi may pagitan ang distansya naming dalawa ay naririnig ko parin ang bawat kilos nya gamit ang mga kakayahan kong lagpas na normal na uri ng mga tao. Perks of being a half-blood.

I waited for a couple more minutes, munit katahimikan lamang ang natanggap kong sagot. Nahirapan pa akong kuhanin itong payong ko mula sa medyo luma ko nang bag. 'Shit, this is stupid!.' Jusko. Itong payong na ito pa yata ang makapapatay sakin, napakahirap kasing buksan!

Gagamiting ko itong payong na ito upang umalis 'with style'. Since me and my sandwich was interupted and is being parted, Papahirapan ko itong tarantadong ito. I'd make sure na wala syang mapapala sa pagtingin-tingin nya saakin. Naiisip ko rin kasi na pwedeng makita nya at masundan yung dereksyon kong pupuntahan if harap-harapan akong umalis ng walang cover.

I waited for a couple of seconds but nothing happened. Welp, That's my cue. Tumayo na ako sa upuan at maiging inilarawan saaking isipan yung apartment ko. Siniguro kong maigi ang detalye ng imahe sa isip ko para tama ang aking mapupuntahan. Naligaw na ako dati, hindi na mauulit dahil sakit sa ulo ang naidulot nito sakin at sakanya.

Hindi man isang segundo ang lumipas nang maramdaman ko na ang pagkalma ng aking mga kalamnan. The overwhelming prescence of home has brought me warmth. Kahit papaano'y alam ko na dito'y malaya ako at walang magtataboy saakin. Dahil nga saakin itong maliit na space na kinatatayuan ko ay hindi ko kailangang mag-panggap pa kahit sa sarili ko mismo. Hindi ko na kailangang umarte o magpanggap na ibang akong tao. Kahit papaano, dito sa bahay ko, pwede akong magpakatotoo bilang isang tamad, walang galang, walang respeto, basagulera, at maruming tao. No more proper and fine lady shit, I can be myself once here.

Tribrid's Dark HeartWhere stories live. Discover now