TRYBRID'S DARK HEART
~ Heiress of the Underworld ~This story is one work of fiction; characters, places, topics and some words. This story having the same names nor things as other works of different authors are purely coincidental and is not by any means copied or owned as one's property of work. This piece is an original work, having the author's imigination and writing at work.
@ All rights reserved August 24, 2022
Yurilex Laureleih's Point of View.Napabuntong hininga ako nang mapagtantong narito na pala ako sa Cafe na pinagtatrabuhan ko. Napansin ko na rin ang pagpasok ng kauna-unahang kostumer. I mentally and emotionally prepared myself for the day ahead. Hinablot ko muna yung menu doon sa may drawer underneath the table counter at naglakad ako patungo doon sa babaeng may dalang chihuahua. Nakangiti nya akong pinagmamasadan hanggang sa makalapit na ako nang tuluyan duon sa kinauupuan nyang table.
"Goodmorning maam, may I get your order?" Magalang kong tugon sa kanya. Iniabot ko narin yung menu na daladala ko para kahit papaano'y mayroon syang maging mga pagpipilian sa mga food variety na itinitinda dito.
Nagtatrabaho ako rito sa Meg's Coffee Shop sa araw ng Fridays, Sabado, at Lingo, samantalang lumilipat naman ako sa isang Grocery Store at nagsisilbing Cashier duon saloob ng apat na araw na natitira tuwing weekdays. Medyo malayo ito sa apartment ko at nakakapagod ang pagbabalik-balik, pero hindi ko pwedeng bitawan yung parehas kong part-time jobs.
Nagsimula akong magtrabaho noong sixteen-years-old ako. Napakabata ko pa't isang baguhang tao na nagsasanay palang ng mga kaugaliang bago pa ang konsepto para saakin. Laking pasasalamat ko nga at tumatanggap sila ng mga menor de edad bilang isang trabahador dito, kundi ay sa kangkungan talaga ako pupulitin.
Wala ako noong mapuntahan at tanging mga abandonadong bahay lamang ang tinutuluyan ko. Madilim, malamig, mabaho, at hindi komportable ang mamuhay at manirahan sa ganong paraan, pero wala naman akong ibang pag pipilian. Nagtiis ako sa sangkatutak na kagat ng lamok at nakakasulasok na amoy, pati sa mga manyak at mga gago na araw araw ang panggugulo saakin. Hindi naman ako pumapayag na mayroong ganong tao na makahahawak saakin. Nagagawa kong protektahan ang aking sarili sa kanila, ngunit hindi ko talaga maiiwasang imaginin ang isang 'warm and cozy' na pamamahay. Nangangarap ako noon na magkaroon ng normal na nanay at tatay na uuwian, kung saan hindi ko na kailangang problemahin ang kakainin ko sa bawat pagmulat ko ng mata. I dont even know how I eat at those times, I just somehow fed myself.
Ang pagpasok sa dalawang magkaibang trabaho lamang ang paraan ko para maka-survive. Ang nabanggit kong dalawang trabahong iyon ay sapat lamang para mabuhay ako ng 'normal' at makakain ng sasapat sa araw-araw. Ayoko naman na dumepende ako kay Jester sa mga pangaraw-araw kong mga pangangailangan. Pero talagang tanging sya lang rin naman ang natatakbuhan at nahihingan ko nang tulong sa mga oras na desperada ako. Kung hindi sya sumusulpot sa oras ng pagtawag ko... siguro'y wala na ako rito ngayon.
I wanted to be indipendent, I need to be... Kailangan kong maging matatag, to atleast prove to myself na hindi ako katulad ng mga sinasabi nila.
I try to live normally and provide for my own needs but hardship makes that impossible. Madalas ay gabi narin akong nakauuwi mula sa mga trabaho ko, na kung minsa'y palpak pang mangagbayad. Madalas ko talagang sumpain yung mga huklubang boss ko, pero dahil nangangailangan ako'y tinitiis ko nalang sila. Kapag kasi nawalan ako ng trabaho'y wala na akong mapagkukunan ng panggastos. Pati pagkain ko, kung sakali, ay mabubura na sa sistema't budget ko.
Madalas rin talaga'y nakalilimutan ko nang kumain sa gabi, pero magigising nalang akong may tao na sa aprtment ko; naglilinis sya minsan, kung minsan nama'y nakatayong iidlip sa may pinto, pero madalas ay hahawakan o babatakin nya ako sa paa para gisingin ako na syang magdudulot ng kusa kong pagsipa sa baba(chin) nya. Madalas nya rin akong pagalitan sa estado ng bahay ko hangga't kakayanin ng bunganga nya. Hindi talaga kasi preferable yung lagay ng pamumuhay ko, at gusto talaga ng mokong na iyon na sa isa sa mga suites nya ako tumira. Pero hanggat maaari ay ayokong nang magkaroon pa ako ng dagdag na utang saakanya. Masyado na kasing marami kung bibilangin at ililista ang mga nagawa nya sakin.

YOU ARE READING
Tribrid's Dark Heart
Fantasy𝕳𝖆𝖑𝖋-𝖇𝖑𝖔𝖔𝖉𝖘, The offspring of a Greek God and a mortal. They seem to exist in stories and folklore of many versions. Powerful creatures with unique abilities that differ from one another. They seem to only appear in your dreams- within 𝖓�...