Chapter 4; CresentMoon

7 2 0
                                    

TRYBRID'S DARK HEART
~ Heiress of the Underworld ~

This story is one work of fiction; characters, places, topics and some words. This story having the same names nor things as other works of different authors are purely coincidental and is not by any means copied or owned as one's property of work. This piece is an original work, having the author's imigination and writing at work.
@ All rights reserved July 20, 2022
@ Edited; April 06, 2023

Yurilex Laureleih's Point of View.
I felt the ground moving– more like Im in a moving vechile or something. Ang pananakit ng bawat parte ng katawan ko ang syang nagpapanatiling aware saakin. Tanging muscle cramps at stinging sensations lamang ang nadadama ko. Kung susubukin ay parang imposible pang maimulat ko ang aking mga mata. Tahimik rin ang paligid at tanging huni lang ng mga ibon na tila papalayo rin ang tanging naririnig ko. 

'Patay… na yata ako?' bulong ko sa aking sarili. 

'Hindi ba dapat wala na kong mararamdaman kung patay na nga ako?' tanong ko ulit. 

Pinilit kong ibuka ang nakasarang mga talukap ng aking mata. Hirap man ay unti-unti ko nang naaninag ang maliwanag na tanawin. Malabo parin ang kung ano mang nasa harapan ko ngunit iisa lamang ang alam ko– kung nasaan man ako'y maliwanag talaga.

'Patay na nga ako' Sabi ko sa aking sariling isip, tila kinukumbinsi ang sariling utak na patay na nga talaga ako.

Sinubukan kong unti unting i-angat ang aking mga daliri na hindi naman nagtagal ay nagawa ko rin. Tila nagbalik rin ang aking lakas at napaupo ako galing sa pagkakahiga sa isang manigas-nigas na higaan. Hilo parin ako gayong napahawak ako sa sarili kong ulo. 

Slowly but surely, nagkaroon ako nang bearings kung nasaan nga ako, hindi paman malinaw ang lahat ng nakikita ko ay naging sapat na ang kakaunting aninag upang makita ko na nasa isa akong kotse. Pula ang upuan nito na syang kinahihigaan ko. Tahimik ang lahat. Pagtingin ko sa nakasaradong mga bintana nito ay ulap na lamang ang aking naaaninag. Hinilot ko pa ang nananakit kong mga paa nang may mapagtanto ako—

"Ulap?" Mahinang sambit ko. Dahan dahan ko pang inilapit ang mukha ko sa bintana upang mas lalo kong makita kung saan na nga ba ako napadpad. Mangha ngunit takot na naiawang ko ang aking mga labi ng mapagtantong nasa isa akong daan na nakataas sa mga ulap. Patay nga nga ako!

"What the hell?" Nagugulumihanang sambit ko.

"Good eveningggg" banggit nung taong nagmamaneho. Nagmamadaling itinuon ko sakanya ang paningin ko at hindi na nga ako nagtaka nang makita ko kung sino ang nasa driver's seat– syempre si Kuya. 

Nasa loob ako nang isang kotse, sa isang daang nakalutang sa ulap, sa gitna ng kawalan. Make sense na sya ang una kong makikita. 

"My back hurts." daing ko sakanya at iniayos ang sarili ko sa komportableng postura ng pagkakaupo. 

"pft. You caused that, never challenge me." Mariing banggit nya, ako naman itong taray na lamang ang nagawa sa mga inasta nya. 

"You caused that- you cause that my ass! Where am I?!" Iritadong banggit ko sakanya at preneteng ginaya pa yung pagkakasabi nya ng 'you caused that'. Tumawa nanaman sya ng nakakaloko na lalo pang nakadagdag sa inis ko. Well maybe Im not dead.. yet.

"We're a minute away, be patient grumpy-yuri." sabi nya.

"grumpy– grumpy what?" agarang tanong ko. Mahinang tawa lamang ang isinagot nya. Ako nama'y kunot ang noong bumaling na lamang sa dinaraanan nitong sasakyan. Komportableng katahimikan rin ang nakapalibot saaming magkapatid na parang wala man lang nangyari kanina. Kahit muntikang magkapatayan ay wala man lang naging usap.

Tribrid's Dark HeartWhere stories live. Discover now