TRYBRID'S DARK HEART
~ Heiress of the Underworld ~This story is one work of fiction; characters, places, topics and some words. This story having the same names nor things as other works of different authors are purely coincidental and is not by any means copied or owned as one's property of work. This piece is an original work, having the author's imigination and writing at work.
@ All rights reserved July 20, 2022
@ Edited; April 09, 2023
Yurilex Laureleih's Point of View.
Kung makakapatay lang talaga ako ng tao gamit ang utak ko't paninitig ng masama, kanina pa nakabulagta itong baboy na boss ko.
"Deduction sa inyo tatlo, nagtaas ako sahod Ms. monica. Sya trabaho mabigat, dapat mahal bayad." Banggit nya pa at suminghot pa ng kadiri nyang sipon. Tiningnan nya rin yung katrabaho kong nagngangalang Monica, na malandi rin syang tinitingnan, kumagat pa ito sa ibabang labi nito na syang pinandirian ko rin ng palihim.
Payday kasi dapat kahapon, pero dahil nga umalis itong hayop na hapon na ito at may 'importanteng inasikaso' raw sya, nausog ang sweldo't ngayong araw ng sabado magbibigayan ng sahod. Napataray naman ako ng palihim nang kanya kanya na kaming binigyan ng mga sobreng may laman ng sinahod namin. Kinsenas rin kasi kung sumahod kami kaya hindi rin ito ganoong kataas.
"Mr. Komura, Hindi naman yata patas iyan. Sa labinlimang araw na dapat ipasok nitong si Moica ay kalahati ang absent nya. Papaano naman namin matatanggap yang raise nya?" Sabi pa ni Ate Janette. Isa sya sa pinaka matanda sa aming apat na nagtatrabaho rito.
Tahimik ko namang binuksan yung sobre ko habang hindi pinapansin yung naging sagutan ni Baboy saka ni Ate Janette.
Halagang Dalawang libo itong sinahod ko.
Aba! ang laki naman ata ng kaltas nito?! dapat apat na libo't mahigit ito ah?!."Eh sa nagraise nga ako. Can you do anything? no, right?. Ako inyo boss, sakin makinig kayo!" Banggit nitong matabang hapon na ito.
"Ikaw tanda na, hirap kiros sa store. Hindi na kita cashier, baka mali pa sukli a'tao." sabi nya't itinuro si Ate Janette. "Ikaw labo mata, hindi kita ayos. Di marunong a'bilang palpak pera." sabi nya't itinuro yung isang kasama ko pa, bumaling sya saakin at ngumiting nakakaloko. "Ikaw tahimik asyado. Hindi pa porma, a'para ka bago gising. A hindi pa aganda titig, muka papatay tao. Para ka gag-ister." Hindi ko naman mapigilang kumunot ang noo ko gayong hindi ko na nga nagustuhan yung sinabi nya'y itong binigay nyang pera'y hindi man lang sasapat pambayad ng renta. Nagpakiusap pa sila Ate Janette at yung isa pang kaedad ko halos at katrabaho ko rin.
Hindi naman sila masyadong pinapansin ni Mr. Komura, gayong si Monica rin naman ang nakikipagsagutan sakanila. Malamang ay payag itong babaita na ito, sya ang nadagdagan ang sahod hindi ba?. Patuloy akong nagpigil ng galit ko't sumubok na itago ang inis at annoyance ko.
"Ano hong ipangbabayad ko sa ospital ng anak kong na-dengue?, hindi nyo na nga ho kami pinasahod noong akinse eh!. Ngayon kukulangin nyo pa itong sahod namin?! Hindi ho ako payag dito!" si Ate Janette
"Hindi mo kasi inaalagaan yang sakitin mong anak. Mana naman kasi sayong mahina eh hindi mo pa ingatan! Tapos sakin kayo magagalit kasi ako may mataas na sahod?! Ha!" si Monica.
YOU ARE READING
Tribrid's Dark Heart
Фэнтези𝕳𝖆𝖑𝖋-𝖇𝖑𝖔𝖔𝖉𝖘, The offspring of a Greek God and a mortal. They seem to exist in stories and folklore of many versions. Powerful creatures with unique abilities that differ from one another. They seem to only appear in your dreams- within 𝖓�...