Chapter 3; New adventure?

19 3 2
                                    

TRYBRID'S DARK HEART

~ Heiress of the Underworld ~

This story is one work of fiction; characters, places, topics and some words. This story having the same names nor things as other works of different authors are purely coincidental and is not by any means copied or owned as one's property of work. This piece is an original work, having the author's imigination and writing at work.

@ All rights reserved July 20, 2022
@ Edited; February 13, 2023

Yurilex Laureleih's Point of View.
My stomach rumbles when I suddenly smell something weird-- something tasty. The overwelming stench of dishes being cooked filled my nostrils. 'Ambango! Sana naman ay ako ang makakakain ng mga nilulutong iyon. Pero saan kaya mangagaling yong ganong amoy?'

Nagpaikot-ikot pa ako saglit sa aking kina-hihigaan. Nang tuluyan ko na ngang maimulat ang aking mga mata ay sandaling nagaadjust ang mga ito dahil nga kagigising ko lang.

Malabo pa ang lahat, malamang ay sa dahil hindi na talaga maganda ang aking paningin. Bago pa man maging malinaw ito ay may natanaw na akong isang pigura ng tao na nasa kusina. Dagli akong bumangon at bumuo ng isang espadang yari sa purong kadiliman. Kukulay ito ng mala-purong itim na kawalan na mayroong mga tila kulay lila ring ilaw na syang tila tumatagas sa tagiliran nito. Sa aking palagay ay ito rin ang syang lalong nakapagpapatulis sa manipis na sandatang ito.

"Who the hell are you" banggit ko habang nasa likuran nya ako't nakatutok sa leeg niya ang hawak kong patalim. Narinig ko itong tumawa- tawang nakakairita if you might want to know, na syang nakapagtaka sa akin. Bakit tumatawa ang kumag na ito? At saka bakit pamilyar ang...

It took me a few seconds to remember that annoying laugh. Sa tawang iyon ay nawala ang bahagyang antok at kakaunting kaba sa aking sistema. Ibinaba ko na ang patalim na hawak ko na syang nawala ring parang bula. Kinalma ko na rin ang aking sarili dahil kahit papaano'y nakaramdam ako ng tinatawag nga nilang 'surge of adrenaline' dahil sa biglaang pagsulpot nang presensya nya. Masama ko siyang tiningnan at pinasada sa kanya ang makahulugan kong tingin. This jerk!.

"Why are you here Sky?" Tanong ko sakanya. Isang matamis na ngiti pa ang nakuha ko mula sa kanya bago sya magsalita. "I'm here to get you, syempre!" maganang bati nya. Ngiting ngiti sya na tila lalabas na ang mga gilagid nya, habang ako nama'y nanlulumong ibinagsak ang parehas kong balikat at padabog na nagpapapdyak pabalik sa kama ko. Nagtalukbong ako nang kumot at pinilit na inimagine na walang tao rito. Nalaman nya na kung saan ako nakatira!! Nanggulo pa amputa!.

"Hey! Bumangon ka na. It's past 6 am, late ka na." sabi nya at pinilit na higitin ang kumot mula sa katawan ko. Nagbalikwas ako ng bangon at kunot ang noo ko siyang hinarap. "Wala na kong work during weekday's. Natanggal ako remember?" Mariing banggit ko.

Nakita ko nanaman yung mapanlisik nyang mga tingin. Bigla namang umurong yung dila ko nang magtangka akong biruin pa sana sya... "Just kidding." malamyang sabi ko. "I'll get ready for that school, or whatever you're saying"

Nakangiwi ko syang tiningnan sa mukha at nagsalita kahit wala pa akong sepilyo'y nagsalita ako sa harap nya. "Confidential Identity at ang Ambher Necklace lang yung mga conditions ko, and If ayoko sa lugar na yon, ayoko ron." Makahulugang sabi ko. Iniwas nya naman ang ulo nya saakin at nagpagpag sa hangin na parang nababahuan. Ang mga kilusin nyang iyo'y sya namang ikinabusangot ng mukha ko.

Parang tangang nagtatakbo ulit ako patungo sa banyo- magsesepilyo na ako, buysit. Sumilip muna ako dun sa kusina para alamin kung yung naamoy ko kanina ay galing nga ba rito. Mariin ko pang siningkit ang mata ko para mahagilap kung saan nga ba nanggagaling yung mabangong amoy kanina na syang gumising saakin. Fried eggs, bacon, ham, rice, may chicken pa- andami!! Ginanahan ako biglang maligo at magmadali para makakain na.

Tribrid's Dark HeartWhere stories live. Discover now