March 11, 2009

2 0 0
                                    


March 11, 2009

Dear Diary,

Maaga ang appointment ko ngayon sa doctor. Dumaan din muna kami sa therapist ko para sa check-up. Tapos kasunod kong dumating pag-uwi si teacher Leah at nagsimula kami agad sa home schooling ko. Marami kaming sinagutang module. Kailangan ko daw galingan para daw makapasa ako sa exam ko next week. At dahil marami akong ginawa ay napagod ako.

Habang nagpapahinga ako sa sala, dumating si kuya galing school kasama ang mga classmates nya. Gumawa sila ng project nila sa science. Naiinggit ako kay kuya kasi marami syang kaibigan tapos marami silang activities sa school nya. Gusto ko rin ng ganun. Kaso di naman pwede kasi naghohome school lang ako. Sana makapasok din ako sa totoong school.

Lumabas na lang ako at umupo sa tapat ng bahay namin para di ako mainggit kaila kuya Carlo. Naglalaro ako ng game boy ko ng tumabi sakin yung kalaro ni kuya ng nakaraan. Ashton pala pangalan nya tapos dito na sya titira sa lugar namin para daw may kasama na ang lola nya. Pinakita nya din sakin yung game boy nya. Naglaro kami at nagpataasan ng score. Ang saya ko kasi sabi nya magkaibigan na daw kami. Meron na din akong kaibigan.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon