Huling Regalo

4 0 0
                                    

Nakaupo ako sa harap ng kabaong ni Charlie. Katatapos lang ng kanyang necrological service at ang ilan sa mga nakiramay ay isa isa ng umuwi sa kanilang mga tahanan.

Kanina hiningian kami ng mga mensahe tungkol sa kung ano sya sa amin at ang mga bagay na maaalala namin sa kanya. Puno ng mga iyakan ang mga nagsalita naming mga kaibigan at ilang sa mga kaanak nila Charlie. Pero ang labis kong hinangaan ay ang mga magulang nya. Walang luhang pumatak sa kanilang mga mata, parehong naging matatag ang mama at papa nya dahil yun daw ang pangako nila sa 'princess Charlotte' nila. At nung ako na ang magsasalita, gusto ko ring maging matatag. Away ko ring umiyak kaya pinigilan ko ang sarili ko. Inalala ko lahat ng masasayang memories namin at ibinahagi ko ang makulay naming kwento ng nakangiti. Pero pag-upo ko ay inabutan ako ng kuya nya ng panyo at doon ko lang narealized na umiiyak na pala ako. Sorry Charlie, may pagkaiyakin ang boyfriend mo. Siguro pinagtatawanan mo 'ko ngayon.

Habang tahimik akong nakaupo, naramdaman kong may umupo sa aking tabi. 'Tol' pagbati sa akin ng kuya ni Charlie.

'Kuya Carlo' nakangiting bati ko sa kanya.

Biglang may iniabot siya sa aking blueng box. Kinuha ko ito sabay tingin sa kanya. Mukha namang naintindihan nya ako kahit di ako nagsasalita dahil sumagot sya.

'Di ko din alam. Nakita ko lang yan kanina sa kwarto ni Charlotte. Nakapatong sa side table nya, may pangalan mo,' tugon nya sa akin.

May envelope na nakadikit sa kahon at nakasulat dito ang pangalan ko. Binuksan ko ito at kinuha ang isang card.

'Dear Ash,
Ito na ang huli kong regalo sayo. Buksan mo 'to matapos kong mailibing. Tandaan mo, mahal na mahal kita.
-Charlie❤'

Maiiyak na sana ako pero nakita kong may isinulat pa pala sya sa baba ng card.

'P.S. Wag kang umiyak nakakapangit yun.😉'

May winky face pa talaga. Kahit sa huli kwela ka pa rin. At mukang nakita ni Kuya Carlo ang sinulat ng kapatid nya kasi bumulong sya ng 'baliw talaga yun'. Nagtawanan kami dahil sa comment nya.

Tapos nun ay nagkwentuhan kami. Nag-iwan din daw si Charlie ng mga sulat at 'regalo' para sa kanila na nirequest nyang buksan din matapos ang libing. Mukhang pinaghandaan nya ang kanyang paglisan. Pero kami hindi.

'Ashton, anak, siguro kailangan mo munang umuwi. Mag-uumaga na kasi at para makapahinga ka kahit papaano bago ang libing mamaya,' ang sabi sa akin ng mama nila. Bumaling naman ito kay Kuya 'ikaw din, magpahinga ka muna. Mahaba ang magiging araw natin,' nakangiting sabi nya.

'Sige po Ma, balik na lang po ako mamaya,' sabi ko bago tumayo. Niyakap niya ako ng napakahigpit bago ako umuwi.

Dumeretso ako sa kwarto ko pag-uwi ko sa bahay. Ipinatong ko sa study table ko ang regalo sakin ni Charlie bago nagpalit ng pantulog. Paghiga ko sa kama ay saka ko lamang naramdaman ang pagod. Nagset ako ng alarm para siguradong maaga pa rin akong magigising mamaya. Pinikit ko ang aking mata pero imbis na makatulog ay puro mukha ni Charlie ang nakikita ko. Pagod na ako pero mas gusto ko ito, dahil kahit papaano ay nakakasama ko sya. Tila ba nagpapahinga na ang aking katawan pero ang isipan ko ay gising pa rin at puro sya lang ang laman nito.

Nagulat na lamang ako ng tumunog ang alarm ko. Di ako nakatulog sa kakaisip sa kanya. Pero ayos lang, sya naman ang dahilan.

Naghanda na ako para sa huli kong pagpapaalam sa unang babaing aking inibig. Pagbaba ko sa kusina ay sinalubong ako ni Mama. Naghain sya ng almusal.

'Kamusta ka anak?' nakangiting tanong nya sa akin, pero nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Nginitian ko sya 'ok lang ako Ma,' tugon ko. Sinimulan ko ng kumain at binulungan ang aking sarili na 'magiging ok din ako.'

Maya maya pa ay bumaba na si Papa, mukhang naghanda na rin sya para makipaglibing. 'Bilisan na nating kumain para makatulong tayo sa pag-aasikaso,' sabi nya paglapit sa amin bago kumuha ng isang sandwich at kumain.

Agad namang tumayo si Mama upang magpalit ng damit. Pagbaba nya ay nailigpit ko na ang mga pinagkainan at nauna naman na si Papa sa sasakyan upang ihanda ito. Tumawid na kami ni Mama sa katapat na bahay, kung saan nakatira sila Charlie, at sinalubong naman kami ng Papa nya.

Tumulong kami sa paghahanda. Iniayos namin ang mga kakainin ng mga makikipaglibing, ang mga bulaklak na iaalay kay Charlie, at kung anu-ano pa. Maya maya pa'y nagdatingan na ang mga kamag-anak nila, mga kaibigan, at mga kamag-aral namin. Pinagmasdan ko silang lahat, ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Sa memorial garden, nagkaroon muna ng maikling misa bago ibaba sa hukay ang kabaong ni Charlie. Bumuhos ang luha sa mga oras na iyon. Pati ang matatatag nyang magulang ay di na rin napigilan ang kanilang mga luha. Inihagis ko ang purple rose, tulad ng unang bulaklak na ibinigay ko sa kanya, sa hukay bilang tanda ng aking pagpapaalam. Pero away ko pang maggoodbye. Ayaw ko pang matapos ang story namin. Parang kailan pa lang nung nagsimula kami eh tapos ngayon ending na agad? Ang daya, ang bata pa namin.. ang bata pa nya.

Natapos ang libing at nagsipag-uwian na ang lahat. Pero parang napako na ako sa aking kinatatayuan. Nakatitigparin ako sa lupang kinahihimlayan nya. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ng aking ama.

'Sa tingin ko oras na para umuwi tayo,' saka ako inalalayan sa paglalakad ni Papa. Kasabay naming bumalik sa parking lot  ang pamilya ni Charlie. Niyakap ko muna sila bago sila sumakay sa van nila.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Kinakausap ako ni Mama pero puro tango lang ang isinasagot ko sa kanya, dahil alam kong maiiyak lang ako sa oras na ako ay magsalita.

Nakatingin ako sa labas ng binta. Pinipilit kong libangin ang sarili ko para kahit papaano ay makalimot sa sakit. Habang in-on ni Mama ang radyo. Tahimik kaming nakikinig ng biglang tumugtog ang kantang iyon...

'From the way you smile to the way you look
You capture me unlike no other
From the first hello, yeah, that's all it took
And suddenly we had each other'

Special sa amin ni Charlie ang kanta 'to. At alam ng mga magulang ko 'yon. Kaya agad na nilipat ni Papa ang radio station.

'Paki balik po,' mabilis kong sabi. Nilingon ako ni Mama at tinitigan ko sya sa mga mata. 'Please,' dagdag ko at ibinalik nila ang istasyon na iyon.

'And I won't leave you
Always be true
One plus one, two for life
Over and over again

So, don't ever think I need more
I've got the one to live for
No one else will do, and I'm telling you
Just put your heart in my hands
Promise it won't get broken
We'll never forget this moment
Yeah, we'll stay brand-new 'cause I'll love you
Over and over again
Over and over again

From the heat of night to the break of day
I'll keep you safe and hold you forever
And the sparks will fly, they will never fade
'Cause every day gets better and better

And I won't leave you
Always be true
One plus one, two for life
Over and over again

So, don't ever think I need more
I've got the one to live for
No one else will do, yeah, I'm telling you
Just put your heart in my hands
I promise it won't get broken
We'll never forget this moment
Yeah, we'll stay brand-new 'cause I'll love you
Over and over again
Over and over again

Girl, when I'm with you I lose track of time
When I'm without you you're stuck on my mind
Be all you need till the day that I die
I'll love you
Over and over again

So, don't ever think I need more
I've got the one to live for
No-one else will do, yeah, I'm telling you
Just put your heart in my hands
Promise it won't get broken
We'll never forget this moment
Yeah, we'll stay brand-new 'cause I love you

Over and over again

Yeah, over and over again

Over and over again'

Tahimik lang naming pinakinggan ang kantang ito hanggang sa matapos. Habang ako ay nakayuko, at tahimik na lumuluha.

JUMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon