Di ako makapaniwala, iniwan nya na ako. Alam ko naman na mangyayari to eh. Pinaghandaan na naming dalawa 'to. Pero bakit ang sakit pa rin? Bakit di ko pa rin matanggap na wala ka na Charlie.
Huling burol mo ngayon, at mula simula ay nandito ako. Gusto kong namnamin ang mga huling pagkakataong makita ka dahil alam kong di ko na ito magagawa sa mga susunod na panahon. Kahit pa na may salamin na sa pagitan nating dalawa.
Maya't maya ko pa ring kinukorot ang aking sarili. Baka kasi nananaginip lang ako. Baka isa lang itong bangungot at bigla akong magising. At paggising ko ay makikita ko ang iyong magagandang ngiti. Pagtatawanan mo ako ulit dahil bahagyang nakadilat ang kaliwa kong mata pagnatutulog. Tapos magkukunwari akong nagtatampo para suyuin mo ko at sasabihin kung gaano mo kagustong ang itsura ko kapag tulog dahil kakaiba ito.
Sana panaginip lang lahat ng ito.
Pero hindi eh. Wala ka na talaga.

BINABASA MO ANG
JUMP
Teen FictionMatalik na magkaibigan sina Ashton at Charlotte. At ang pagkakaibigang ito ay sumibol sa isang magandang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Pero dahil sa isang malubhang karamdaman ay naputol ang kanilang masayang pagsasama. Labis ang kalungkutan n...