Pagkauwi namin, dumiretso na ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. I feel so emotionally drained matapos ang lahat. At wala na akong gusto pang gawin kundi ang matulog.
Kaya naman pagkatanggal ko ng sapatos ay humiga na ako sa kama. Lumingon ako sa bed side table ko para tignan ang picture namin ni Charlie. Ang ganda ng ngiti nya. Sayang, sa pictures ko na lang yun makikita.
Bigla akong napabangon. Oo nga pala, may regalo sya sa akin. Pumunta ako sa study table ko at umupo sa harap nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan dahang binuksan ang kahon at kunin ang laman nito.
Isang scrapbook?
'JUMP' malaking nakasulat sa cover. 'Let's jump back in time to see how everything started. To: Ash From: Charlie' naman ang nasa pinaka ibaba.
Binuksan ko ito upang makita ang laman. Sa unang page makikita ang picture ng anino naming dalawa. Di ko maalala kung kailan o saan nya to kinunan pero may note sa ibaba...
'May 1, 2016.. First date'
Sa sumunod namang page ay may mahabang letter..
'Dear Ash,
Alam kong sa mga oras na binabasa mo 'to ay wala na ako. Sorry kailangan ko na agad umalis. Alam ko naman noon pa na may chance na di ako magtagal sa mundo dahil sa palyado kong puso. Pero umasa pa rin ako sa natitirang chance na mabigyan ako ng mahabang buhay. Wala eh, hanggang dito lang talaga ako.
Salamat dahil kahit maikli lang ang ibinigay sa aking oras ay pinuno mo naman ito ng masasayang alaala. Naging masaya talaga ako dahil sayo. At sana ay napasaya din kita. Di pumasok sa isip kong mararanasan kong umibig. Bata pa lang kasi nilinaw na ng doctor ko na bawal sa akin yun. Bawal ako makaramdam ng kahit anong extreme na feelings. Ang hirap no? Akala siguro nya robot akong walang mararamdaman.
Game! Simulan na natin. Ginawa ko ang scrapbook na 'to hindi para paiyakin ka kundi para ipaalam sayo ang side ng story ko. Kung ano ang tumatakbo sa isip ko mula nung makilala kita hanggang sa huli. Naglalaman ito ng mga entry ko sa aking journal na tungkol sayo. Gusto ko kasing ipaalam sayo kung gaano ka kahalaga sa akin, na di ko kayang sabihin sayo ng harapan. Ito ang paraan ko ng pagpapaalam sayo. At pagpapasalamat sa pagbibigay kulay sa maikli kong buhay.
Oh sya! tigilan na natin ang drama at simulan ang paglalakbay sa oras
Love,
Charlie'
Ito pala ang regalo nya. Compilation ng mga alaala nya naming dalawa. Parang kumirot nanaman ang puso ko. Pero masaya ako at the same time kasi kahit papaano ay maybahagi nya akong pwede ko pang makasama.
Sa sumunod na page ay may mga pinilas na page ng notebook ang nakadikit..
![](https://img.wattpad.com/cover/186237589-288-k612245.jpg)
BINABASA MO ANG
JUMP
Teen FictionMatalik na magkaibigan sina Ashton at Charlotte. At ang pagkakaibigang ito ay sumibol sa isang magandang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Pero dahil sa isang malubhang karamdaman ay naputol ang kanilang masayang pagsasama. Labis ang kalungkutan n...