[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]"Ariana, bakit nag eempaki ka?" Ang sabi ni Jessica na nakapasok na pala sa kwarto ko."None of your f*cking business." Ang cold kong sabi at saka pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain na pwedeng kainin kahit hindi lutuin."Aalis kana ba Ariana? Iiwan muna ba kami?" Ang sabi naman ni Wencie at maluha luhang tumingin sakin, kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso."I have a mission with royalties so shut up." Ang sabi ko at saka kumuha ng delata at saka prutas."Talaga, meron kang mission kasama ang royalties?" Ang sabi nilang pareho na tila hindi makapaniwala."Bakit anong meron dun?" Ang boreng kong sabi at saka umirap."0h em ge, kyahhhh, tulungan ka na namin." Ang tiling sabi ni Jessica at kinuha ang mga hawak ko at naunang pumasok sa kwarto ko, kunot noo ko silang sinundan dahil sa inasta nila."Bakit ba?" Ang sabi ko at saka umupo sa kama ko."Anong bakit?" Ang sabi naman ni Jessica si Wencie naman ang nag lagay ng pagkain sa bag."Lumabas na nga kayo sa kwarto ko tsk." Lumabas naman silang pareho at saka tumalon talon pa, napailing na lamang ako.Pagkatapos ay nahiga na rin ako sa kama para matulog, maaga ang alis namin at kailangan walang malate tsk.~𝑲𝑰𝑵𝑨𝑩𝑼𝑲𝑨𝑺𝑨𝑵~"Good morning!" "Ariana gising na?"Tiningnan ko ng masama sina Jessica at Wencie dahil sa ingay nila."Anong problema nyo, nakita nyo nang natutulog pa ako." Ang sabi ko at saka binato sila ng maliit na ice ball, kaya naman nag unahan silang lumabas sa kwarto ko, tiningnan ko ang orasan at napamura ako ng makitang late na ako, baka kanina pa inip ang mga yun dahil sa tagal ko.Mabilis akong naligo at saka nag bihis agad, hindi na ako nag abalang mag suklay, mabilis kong isinukbit ang bag na dadalhin ko."Why are you late?" Cold na sabi ni Hunter pag karating ko pa lamang sa gate."Hindi naman ako late?" Ang sabi ko at saka inayos ang dala kung bag.[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]Ang tagal naman ata ni Ariana, kanina pa namin siya hinihintay hindi parin siya dumarating, kanina pa nag rereklamo si Steffany dahil ang tagal daw ni Ariana."Bakit ba kasi ang bagal ng babaeng yun, feeling importante." Inis na sabi ni Steffany."Baka naman may ginawa pa, hindi pa naman siya late wala pa nga si HM?" Ang sabi naman ni Frylah, umirap lang si Steffany dahil sa sinabi ni Frylah."Bakit ba galit ka kay Ariana?" Ang tanong ni Samantha na tinanguan naman ni Hushlee."Ei bakit ba, kumakampe kayo sa babaeng yon, hindi nyo naman yun ka ano ano?" Inis na turan ni Steffany.Biglang napatingin kaming lahat sa babaeng tumatakbo papalapit samin. Biglang kumabog ang puso ko ng diko alam ang dahilan kaya napaiwas ako ng tingin."Why are you late?" Ang cold na sabi ko sa kanya, habang naka iwas ng tingin."Hindi naman ako late?" Ang sabi niya at saka inayos ang bag na dala niya, ano ba tong babaeng to? Bakit hindi pa nakapag suklay tapos ang soot hindi pa ayus."Ayusin mo nga sarili mo." Ang walang emosyong sabi ko, kaya naman napatingin din siya sakin ng seryoso."Tsk." Yun lang ang sinabi niya at saka nag suot ng jacket, naka sando lang kasi siya, dahil siguro sa pag mamadali kaya hindi na nakapag ayos pa.Biglang dumating si HM Lance kaya naman tumingin ako dito ng seryoso."Ready na ba kayo?" Ang sabi ni HM at saka tumingin saming lahat, napakunot ang noo niya ng mapatingin kay Ariana, kaya naman napatingin din ako dito."Anong ginagawa mo Ariana." Ang sabi ni HM Lance."Bakit ka natutulog ka jan Ariana? Hindi pa naman gabi." Ang sabi ni Nathan."Hindi ako natutulog." Ang sabi ni Ariana at saka sinamaan ng tingin si Nathan."Sige na mag ready na kayo, ilang sigundo na lang bubukas na ang portal." Ang sabi ni HM kaya naman tumango na lang kaming lahat.Bumukas nga ang portal kaya nauna silang pumasok."Mauna kana." Ang seryosong sabi ni Ariana sakin, kami na lang na dalawa ang naiwan."Mauna kana, tsk." Ang sabi ko at saka tumingin din sa kanya ng cold, umirap naman siya sa hangin at saka pumasok sa portal, kaya pumasok na din ako.Hindi ko alam pag labas ko ng portal isang madilim na paligid agad ang bumungad sakin."What the f*ck is this?" Bulong nang kung sino kaya napatingin ako dito.Nagulat ako ng makita kong si Ariana ang kasama ko at saka tumitingin din sa bawat sulok ng gubat, ang dilim kasi ng gubat parang haunted. "Nasaan ang ibang royalties?" Ang tanong ko sa kanya na hindi niya naman pinansin."Arrrrgh helllp me huhu." Ang sabi ni Hushlee at tila takot na takot na tumakbo papunta sa kinaruruunan namin.Yung iba naman ay lumapit na rin samin. "Ano ba namang klaseng lugar to, bakit ganito." Ang sabi ni Samantha, wala naman pumansin sa kanya kaya nag simula na kaming mag lakad, bali nasa unahan kami ni Ariana."We need to be alert." Ang sabi ko at saka tumingin sa ibang kasamahan namin.Ang gubat ay maraming malalagong damo, mukhang hindi na rin dito nasisikatan ng araw dahil sobrang dilim na agad dahil sa malalaking puno at halos ang mga dahon nito ang tumatakip para di masinagan ng araw ang gubat.Biglang nag labas si Ariana ng espada kaya naman naging alerto na rin ang iba"B-bakit?" Kinakabahang sabi ni Hushlee at lumapit kay Ariana."Mukhang may ibang kasama tayo dito, nararamdaman ko ang aura nila." Ang sabi ni Ariana at seryosong nag masid sa paligid.Biglang nag labasan sa paligid ang malalaking uso. Ang mga mata nila ay kulay pula, pero nakatingin lamang sila kay Ariana at nakita ko rin kung paano tumulo ang luha sa mga mata nila.[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]"TULUNGAN nyo po kami princess Crystaliah." Ang sabi ng isang uso, nababasa ko ang kanilang mga isip, nakatingin lamang sila sakin habang nag mamakaawa."Bakit?" Ang seryosong sabi ko saking isip, alam kong alam rin nila ang ibig kong sabihin."Ang mga darkians ang komokontrol samin para makipaglaban at manakot sa ibang magician, hindi namin gusto ang kanilang pinapagawa." Ang sabi ng isang uso."Ikaw ng bahala Hunter sa isang yan, ako nang bahala sa Isa." Ang sabi ni Tyrone kaya pareho ko silang pinigil."Iwan nyo na lang sakin ang labang ito?" Ang seryoso kong sabi sa kanila."Are you crazy, feeling hero ka kasi." Ang sabi ni Steffany na hindi ko na lamang pinansin."Ariana, mapanganib sila." Ang sabi ni Hunter.Tumingin muli ako sa mga uso at saka binasa ang nasa isip nila."Ang mga darkians na komokontrol saamin ay nasa paligid lamang naka masid." Yun ang sabi ng isang uso.Tiningnan ko ang paligid at saka pinakiramdaman. Tumalon ako sa isang puno at saka inilabas ang espada at saka itinarak sa isang darkians na invisible.Kung nag tatanong kayo kung bakit nakikita ko ang isang invisible magic users. Yun din ang hindi ko alam, naniniwala akong isa yun sa isang ability ko.Ipinikit ko ang mata ko at saka sabay sabay silang sumigaw sa sakit."The f*ck!""Ano yun?""Anong nangyayari." Yun lang ang maririnig mula sa bibig ng royalties, nag invisible na rin ako at saka tumakbo papunta sa mga darkians. I used my sword to kill darkians."Ariana, asaan ka?" Boses ni Hunter ang narinig kong nag sabi nun na hindi ko na lamang pinansin.Sunod sunod na mura ang lumabas sa bibig ko ng makitang ang dami pang ibang darkians ang lumabas, akala ko ba creatures lang pero wala naman nabanggit si HM na may darkians dito.'Ice blazing' sa pangalawang pag kakataon ay ginamit ko ang salitang yun, kaya biglang natupok ng apoy ang mga darkians."Ang astig nun Hunter ang galing mo?" Ang sabi ni Nathan."Hindi ako yun." Ang cold na sabi ni Hunter at saka napatingin sa usong tumatakbo papalayo samin."Ei kung hindi ikaw ei sino." Ang sabi naman ni Frylah, tumingin naman silang lahat sakin kaya nag kibit balikat na lang ako at saka nag lakad papalayo, kailangan makuha na agad namin ang kailangan namin dito, kung bakit ba kasi yun pa ang sinabi ni HM tsk."Ariana saan ka pupunta?" Ang sabi ni Tyrone na hindi ko namalayan na sumunod na pala sakin."Tyrone kailangan maka alis agad tayo sa gubat na to, hindi tayo dito ligtas." Ang sabi ko. Biglang may lumabas sa kamay kong isang drawing. Ang drawing ay isang uri ng bulaklak na kulay yellow habang ang mga dahon nito ay kulay rainbow. "Ito na ba ang 'Eritque arcus flos'?" Ang sabi ko sa kanila at saka sinuri ang bulaklak, nasa ganoon kaming setup ng biglang maka rinig kami ng kaloskos."My ghoddd kyaahhhh giants snake!" Ang sigaw ni Samantha at saka kumapit kay Denver. Isang kulay puting ahas ang naka ambang tuklawin kami, hindi lang sila isa kundi tatlo. Ang iba naman ay maliliit na iwan, pero mahahalata sa kanila ang panganib."Ang tawag sa kanila ay PUPPET." Ang sabi ni Tyrone."Ang kyut?" Bulong ko kaya naman napatingin sakin si Hunter at umiling iling.Inihanda ko na ang sarili ko sa pag sugod ng ahas, ang ibang royalties ay kinakalaban na ang maliliit na nilalang na ang tawag daw ay puppet tsk.Gumawa ako ng isang ice blade at saka pinatama sa ulo ng ahas pero hindi pa din talaga nag patinag. "Ang papangit nyo, umalis na nga kayo." Inis na sabi ni Nathan at saka sunod sunod na pinatamaan ng malalaking bato ang maliliit na creatures.Isang malaking bolang yelo ang ginawa ko para hindi agad maka galaw ang ahas, ng tumama ang ice ball sa ahas ay naging ice snake na rin ito na hindi maka galaw, inilabas ko mula sa kamay ang espadang SLYNDERBAZER at saka tumama sa katawan ng ahas, dahilan para mag karoon ito ng malaking sugat, pinutol ko na rin ang ulo nito para siguradong hindi na mabubuhay.Tumingin ako sa ibang royalties na nakikipaglaban parin hanggang ngayon, umupo muna ako sa isang putol na puno at saka pinanood silang makipag laban.Napatingin ako sa isang uri ng halaman ng umilaw ito bigla.Tinitigan ko ito ng mabuti ng mapagtantong ganun rin ang nasa drawing na kanina ay hawak ko. Kung ganun ito yung 'Eritque arcus flos'.Hinawakan ko ito at ang liwanag nito ay nag silbi para mawala ang pagod ko saking katawan.Gumawa ako ng ice box at nilagyan ng kunting lupa mula saking kapangyarihan at saka doon inilagay ang halaman."Grabe nakakapagod naman." Ang sabi ni Nathan."Ei palagi ka naman pagod ei." Inis na sabi ni Hushlee. "I found something, siguro ito na yung 'Eritque arcus flos." Ang sabi ko at saka ipinakita ang halamang dala ko, nagulat naman sila dahil dun."Saan mo yan nakuha?" "Oo nga ang astig.""Uwi na tayo, ayuko na dito huhu." Ang ibat ibang sabi nila."Kailangan pa natin mahanap ang palabas ng gubat. Mahihirapan pa tayong mahanap yun dahil pwedeng may mga illusion na lugar ang makita natin dito." Ang sabi ni Hunter kaya tumango na lang ako."Pahinga naman tayo, nakakapagod kaya." Ang sabi ni Frylah."Oo nga Hunter." Ang sabi ni Steffany kaya walang nagawa si Hunter kundi ang tumango."Mag hanap tayo ng lugar na safe tayo, kumain na din tayo." Ang sabi ni Hunter at saka nag lakad, sumunod na lang kaming lahat sa kaniya.Huminto kami sa isang lugar na kung saan may malaking puno. Naupo sila kaya naupo na rin ako para mag pahinga."Gusto mo?" Alok sakin ni Tyrone ng isang strawberry juice. Hindi naman ako tumanggi dahil favorite ko yun."Favorite mo yun?" Ang tanong ni Tyrone na tinanguan ko na lamang. "Talaga?" Ang sabi niya pa kaya kunot noong tumingin ako sa kanya."Bakit ba?" Tanong ko dito kaya naman nag kibit balikat lang siya."Favorite din kasi yun ng kapatid ko, nag mana siya kay ama." Ang sabi niya at malungkot na tumingin sa kawalan. "Nasaan na ba yung kapatid mo?" Ang tanong ko dito, iwan ko pero curious lang talaga ako."Ang kapatid ko ang nawawalang prinsesa, matagal na siyang nawalay samin, one year old pa lang siya ay kailangan niya ng mawalay samin." Ang sabi niya kaya napatango ako, napatingin ako kay Hunter ng bigyan ito ni Steffany ng tubig. "Thank you." Ang sabi ni Hunter na hindi ko na lamang pinansin tsk."Jealous?" Ang bulong ni Tyrone kaya tiningnan ko ito ng masama."Mine on your business." Cold kong sabi at saka kinuha ang prutas na dala ko para kainin. "By the way guys, saan tayo mag sisimulang hanapin ang palabas ng gubat na to?" Ang sabi ni Samantha, habang kumakain kasabay si Denver."Bukas na lang natin yun, problemahin gusto ko ng mag pahinga." Ang sabi ni Hunter kaya wala silang nagawa kundi ang tumango, nag latag ito ng malaking dahon sa lupa at saka nahiga."Sige mag papahinga na din ako." Ang sabi ko at saka tumayo na at pumunta sa isang tabi, para doon gumawa ng pwedeng mahigaan.I use my power to make bed, gumawa rin ako ng unan at saka kumot. Tumingin muna ako sa kanilang lahat, si Frylah ay nakahiga sa malaki ding dahon kasama ang iba pang babae. Gumawa ako ng kumot gawa sa yelo... hindi naman yun malamig, isa iyong malambot na tela kaya pwede nila yun gamitin.Ang mga lalaki naman ay magkasama, maliban kay Hunter na nag iisa lang sa isang tabi, hindi ko na lamang yun pinansin at gumawa ng barrier para sa pag tulog namin ay hindi kami magambala.~𝘒𝘐𝘕𝘈𝘉𝘜𝘒𝘈𝘚𝘈𝘕~Nagising ako ng maramdaman ang kamay na nakayakap sakin. Hindi ko alam kung kanino ba yun kaya pinilit ko na lamang tingnan kung sino ang nakayakap sakin."Ouch! F*ck..." Bulalas na sabi ni Hunter, dahilan para magising din ang iba pang royalties at gulat na napatingin samin."Anong nangyari sayo kuya?" Ang sabi ni Frylah, inayos ko na ang dala kung gamit at pinag laho ang higaan na gawa sa yelo.Tumingin sakin ng masama si Hunter kaya nag kibit balikat na lamang ako."Langhiyang babae ka, ang sakit nun." Bulong ni Hunter na ako lamang ang nakarinig.Inayos na din nila ang mga gamit nila at saka tumayo na para mag simulang mag lakad."Baka matagalan pa tayo dito Hunter." Ang sabi ni Steffany habang naka kapit sa braso nito na hindi ko na lamang pinansin, maybe they are couple's."Don't touch me." Ang cold na sabi ni Hunter kaya biglang bumitaw si Steffany."Are you okay?" Ang sabi ni Frylah sakin kaya tumango na lamang ako at naunang mag lakad. Ginamit ko na rin ang powers ko para malaman kung saan ang exact na palabas sa gubat na ito, ayuko ng manatili pa dito."Tama ba tong daan?" Ang takang sabi ni Maxwell."Bakit ba?" Ang sabi ni Frylah dito at saka umirap."Ei bakit nag susungit ka agad, nag tatanong lang naman ako." Ang sabi ni Maxwell na hindi naman pinansin pa."Hunter kapag nakalabas na ba tayo ng gubat pwede nang gumawa ng portal pabalik ng academy." Ang tanong ni Steffany kay Hunter."Yes." Tipid naman na sagot nito.Bigla akong natigil sa pag lalakad ng maramdaman kung may sumusunod samin."Bakit?" Ang sabi ni Hunter, nag sign lang ako na wag silang maingay kaya yon na lamang ang ginawa nila."Let's go na, kailangan na nating makalabas sa gubat." Inis na sabi ni Steffany, nakita ko ang bumulusok na palaso kaya tumakbo ako para saluhin ang palasong tatama kay Steffany.[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]NAGULAT ang lahat dahil sa ginawa ni Ariana, tumakbo siya at bigla na lamang na tumba."F*ck Ariana..." Ang sabi ko at sunod sunod na nag palabas ng fire ball kung saan nang galing ang palaso.Sunod sunod rin na pag hiyaw sa sakit ang narinig namin, nang makuntento ako ay tumakbo na ako para tignan ang kalagayan ni Ariana."Ariana?" Ang sabi ko at saka tumingin sa mukha niya, pero nakapikit lamang siya."Ariana I'm sorry." Ang sabi ni Steffany at saka humawak sa kamay ni Ariana, mabilis kung kinarga si Ariana at saka nag lakad na dahil ubos na rin naman ang kalaban."Ang palasong tumama sa kanya ay pwedeng ikamatay nya kung hindi agad magagamot." Ang seryosong sabi ni Tyrone."Oo nga Hunter kailangan maka labas agad tayo dito sa lalong madaling panahon." Ang sabi naman ni Samantha. Hindi ko na sila pinansin at nag focus na lamang sa pag lalakad, may nakita kaming isang lagusang maliwanag, kung kaya't lumapit kami doon."Jan na ba tayo papasok?" Ang sabi ni Maxwell, na hindi namin pinansin."Kuya? Are you sure na jan na ang labasan palabas ng gubat?" Ang sabi sakin ni Frylah."I don't know but we need to try." Ang sabi ko at saka pumasok na sa lagusan, sumunod naman sila sakin.Pag labas namin ay isang maliwanag na lugar na kami naroroon. Hindi namin alam kung saan pero natitiyak kung nasa labas na kami ng gubat."Nasaan na tayo?" Ang sabi ni Hushlee at saka tumingin kay Ariana, tiningnan ko si Ariana at nangingitim na ang kanyang mga labi."Nathan gumawa kana ng portal." Ang seryosong sabi ko kay Nathan."Hindi ko kaya Hunter hindi ko alam kung bakit." Ang sabi ni Nathan kaya napamura na lamang ako sa isip ko."Humingi na muna tayo ng tulong." Ang sabi ni Steffany.Biglang umilaw ang buong katawan ni Ariana at bigla rin syang lumutang mula sa pag kakahawak ko. "Anong nangyayari kay Ariana." Ang sabi ni Tyrone, lahat kami ay nag aalala."Tara na." Cold na sabi ng isang boses mula sa likod namin."Ariana?!" Gulat na sabi nila habang ako nakatingin lamang kay Ariana ng seryoso, bakit ganun ang nangyayari kay Ariana?Pinaikot niya ang kanyang daliri at biglang lumitaw sa harapan namin ang isang portal."Pano mo nagawa yun?" Ang sabi ng mga babae kay Ariana, hindi yun pinansin ni Ariana at nauna nang pumasok sa portal kaya sumunod na lamang kaming lahat.|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍|