|𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍| (✿ ♥‿♥)

2 0 0
                                    

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]"THE F*CK!" Ang gulat na saad ko ng biglang mag apoy ang isang sulok, nakikita ko din mula dito ang isang uri ng dragon, alam kung dragon yun dahil nakakita na ako nito sa mga TV show.Anong gagawin ko sa lugar na ito? Biglang nakarinig ako ng mahinhin na boses na hindi ko alam kung saan nag mumula."Ang kailangan mong gawin ay paamuhin ang dragon na yan Ariana... ang dragon na yan ang natitirang dragon sa mundo ng magicians." Ang sabi nito kaya tumingin ako sa dragon na ngayon ay mahimbing na natutulog, nanginginig ang tuhod at kamay ko sa kaba dahil hindi ko alam kung paano paamuhin ang isang dragon.Hindi ko na muling narinig pa ang boses kaya nag simula na akong mag lakad papalalit sa dragon.Nagulat ako ng imulat ng dragon ang kanyang mga mata at saka tumingin sakin ng masama, ang kanyang mga mata ay nag lalagablab sa apoy.Bigla na lamang ito nag buga ng apoy at ipinagaspas ang kanyang mga pakpak dahilan para mag crack ang kweba na kinaroroonan namin.Hindi ko alam ang gagawin ko kung kaya't gumawa ako ng shield para hindi ako masaktan o mapuruhan.Unti-unting gumuho ang kweba dahilan para lumiwanag ang paligid dahil sa buwan.Muling bumuga ng apoy ang dragon kaya nasira ang shield na gawa sa yelo. Inahanda kona din ang sarili ko at gumawa ng weapon na yelo.Galit ang makikita sa mata ng dragon at bumuga muli ito ng apoy. Hindi naman ako nasasaktan sa apoy na galing sa kanya kaya nag taka na ako dahil don.Huminto sa pag atake sakin ang dragon na ikinataka ko. Tumingin ako sa mga mata nito at nakita kung bigla itong umamo. Nawala din ang nag aapoy niyang mga mata.Bigla itong yumuko kaya nag tataka man ay lumapit ako dito at hinawakan ang ulo nito. Hindi naman ito gumalaw kaya niyakap kona nang tuluyan ang kanyang ulo."Princess Crystaliah..." Ang rinig kong boses mula sa isip ko, tumingin ako sa dragon upang itanong kong siya ba ang nag sasalita sa isip ko."Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa." Ang sabi niya sakin mula sa isip."Who are you?" Ang tanong ko sa kanya."Wala akong pangalan. Ikaw lamang ang pwedeng gumawa ng pwedeng maging pangalan ko." Ang sabi nito."Babae ka ba o lalaki?" Ang tanong ko dito."I'm a boy." Ang sabi niya kaya nag isip ako ng pwedeng ipangalan sa kanya."Can I call you Hizaku?" Ang sabi ko dito."Magandang pangalan mahal na prinsesa." Ang sabi nito."Nasa isang panaginip parin ba ako?" Ang tanong ko kay Hizaku."Hindi po kayo nasa panaginip. Dinala lamang po kayo ng inyong sariling spirit sa lugar na ito, ngunit totoong naririto ka at hindi ka po nananaginip." Ang magalang na sabi niya."Hizaku. Hindi mo naman kailangan mag po at opo saakin, tawagin mo na lamang akong Ariana at hindi princess Crystaliah." Ang sabi ko dito na sinang ayunan naman niya."Sige Ariana kung yan ang gusto mo. By the way, isa ako sa mga guardian mo." Ang sabi niya na ikinakunot ng noo ko."Guardian?" Ang nag tatakang saad ko dito."Ang bawat royalties ay may guardian, pero hindi pa nila nalalaman ang kanilang guardian dahil hindi pa nila ipinag diriwang ang kanilang 18th birthday." Ang sabi niya na ikinatango kona lamang."Kung ikaw ang guardian ko? Paano kita isasama kung ganyan ka kalaki." Ang nakataas kilay na sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya. "Kaya ko pong mag iba ng anyo." Ang sabi niya sakin na ikinamangha ko. Mag sasalita pa sana ako ng biglang sunod sunod na palaso ang bumulusok papunta samin.Nagulat man ay nagawa ko paring mag teleport sa likod ng dragon at sinabing lumipad ito. Lumipad ito ng sobrang taas. Ang ginawa ko naman ay nag paulan ng ice blade kung saan naroroon ang mga darkians na gustong umataki samin.Si Hizaku naman ay bumubuga ng apoy sa kanila. "Wala na sila Ariana." Ang sabi ni Hizaku."Sige bumalik na tayo sa Academy." Ang seryosong sabi ko. "Masusunod." Ang sagot niya rin at saka lumipad na din.Gabi na kung kaya alam kung wala na saming makakakita kung lalapag man si Hizaku doon."Ang kwebang tinitirhan ko sa mahabang panahon ay pinaniniwalaan ng mga white magician na isang mapanganib kung kaya walang nag tatangkang pumunta doon." Ang biglang sabi ni Hizaku."Kung kaya ba hindi ka nila nakikita." Ang tanong ko din sa kanya."Oo dahil ayuko din na may makakakita sakin habang wala sa pangangalaga mo." Ang sabi niya, hindi na lang ako nag salita at ninamnam ang malamig na hangin na tumatama sa katawan ko. Hindi ko talaga alam kung bakit nangyayari to sakin. Pero ito siguro ang tadhana at kailangan ko ng tanggapin.Nang makalapag na sa Academy si Hizaku ay nag iba ito ng anyo. Isang maliit na pusa na kulay puti. Dahil sa kakyutan niya at bigla ko na lamang itong hinablot at saka pinanggigilan."A-aray Ariana ow sh*t." Ang daing niya dahil niyakap ko ito ng sobrang higpit habang pisil ang katawan nito."Oum I'm sorry." Ang hinging paumanhin ko dito. Hindi naman ito nag response at natulog na lamang habang karga ko. Tch feel na feel dude?Nag teleport na lamang ako sa dorm at saka pumasok sa kwarto ko. Inilapag ko si Hizaku sa kama at saka pumasok ako sa banyo para mag half bath.Pagkatapos ay nahiga na rin ako at saka niyakap si Hizaku na himbing na himbing sa pag tulog.~KINABUKASAN~Bigla na lamang akong napabangon ng isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa sala kaya dali dali akong pumunta doon para tingnan kung anong nangyayari sa kanila."Ano ba Jessica akin na sabi yan!" Ang sigaw ni Wencie."Bakit ei akin naman to ei?" Ang saad din ni Jessica."Arrrghhh damn, shut the f*ck up!" Inis na sigaw ko dahilan para huminto silang pareho."A-ariana g-gising kana pala hehe." Ang sabi nilang pareho at nag kamot ng ulo.Itinaas ko ang kamay ko at saka tiningnan sila ng sobrang cold dahilan para mag tatakbo sila papalabas ng dorm. Ang aga aga ang ingay tsk... tumingin ako sa orasan at nakita kong alas otso pa lang ng umaga. Pumasok ulit ako sa kwarto ko para maligo, si Hizaku naman ay tulog parin hanggang ngayon. Pagkatapos kung maligo ay pumunta ako sa kusina at saka nag luto ng agahan. Bacon, hotdog, rice with egg, and kape. Ayus na din yun kaysa sa wala. Pagkatapos kung kumain ay dinalhan ko din ng pagkain si Hizaku na agad niya namang kinain.Andito ako ngayon sa harap ng bintana ng biglang sunod sunod na pag sabog ang narinig ko. Agad akong nag teleport sa labas. Ang mga magician ay nag tatakbuhan at nag sisigawan."What happened?" Ang seryosong tanong ko sa isang studyanteng tumatakbo."May mga darkians po kasing biglang sumugod, marami po sila." Ang sabi niya habang hingal na hingal na humawak sa dalawang tuhod niya.Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin niya at nag tatakbo na rin akong pumunta kung nasaan ang darkians. Pag dating ko doon ay marami na ang namatay na darkians pero marami din ang studyanteng nanghihina at ang iba naman ay sugatan.Inilabas ko ang espada ko at saka sunod sunod na pinugutan ng ulo ang darkians. Ang mga royalties din ay nakikipag laban na din sa kanila pero halos hindi maubos ubos ang kalaban.Nagulat ako ng makita si Hizaku na nasa tabi ko na at bigla na lang din ng iba ng anyo bilang isang lion. Nilalapa niya ang bawat darkians at kung minsan ay nagpapalabas siya ng apoy mula sa kanyang bibig."Mag iingat ka Ariana." Ang seryosong boses ni Hizaku na ikinatango kona lamang.Pinag yelo ko ang sampong darkians at saka binitawan ang espadang hawak ko kaya halos lahat ito ay nasugatan."Nice." Ang ngiting sabi ni Tyrone na hindi ko alam ay nasa tabi kona pala. Hindi ko na lamang siya pinansin at saka bumulong sa hangin.'Dolor.' Isang malakas na hiyawan mula sa darkians ang maririnig. Palihim kung ginamit ang kapangyarihang apoy at saka sunod sunod silang pinatamaan ng invisible fire blade.Nagulat ang lahat ng biglang may apoy ang lahat ng darkians at ilang minuto pa ay bigla na lamang silang naging abo."Wow!" "Ang astig.""Kaninong power yun?""F*ck it's so cool." Ang ibat ibang sabi nila na hindi kona lang pinansin.Nagulat ako ng may bumulusok na palaso papunta sa kinaroroonan ni Tyrone. Tumakbo ako at saka sinalag ang palaso pero tumama ito sa tagiliran ko dahilan para mapaluhod ako.Tumingin ako sa nagpakawala nun at saka ipinatama sa kanya ang espadang hawak ko dahilan para maging abo din ito."Ariana, bakit mo ginawa yun?" Gulat na sabi ni Tyrone at hinawakan ako sa kamay.Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa sakit na nararamdaman ko dulot nang pag iwan niya sayo. Iniwan ka niya kasi may mahal na siyang iba at hindi na ikaw ang dahilan kung bakit siya ngumingiti araw araw.Joke lang back to reality... nakita ko si Hizaku na nag aalalang tumingin sakin. Bumalik na rin ang anyo niya bilang pusa."Ariana, are you okay?" Ang sabi niya saking isip."Idiots mukha ba akong okay? Tsk..." Yun na lamang ang nasabi ko saking isip bago nag dilim ang paningin ko.|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍|

𝐓𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐬𝐭 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon