[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]ANDITO ako ngayon sa kwartong tinutuluyan namin ngayon dito sa palasyo, kasama ang iba pang royalties na babae. Ang mga lalaki naman ay nasa kabilang kwarto mag kakasama, at hanggang ngayon ay laman parin ng isip ko ang sinabi ni ama at ni ina, siguro nga gumagawa na ng palihim na hakbang ang kalaban para sa nalalapit na digmaan."Ariana, anong iniisip mo, kanina ka pa dyan tulala sa may bintana." Bigla akong napatingin kay Frylah ng mag salita ito mula sa likuran ko, andito kasi ako ngayon sa may bintana naka tanaw sa malawak na garden, actually andito kami para mag pahinga pero mukhang hindi naman ako maka pag pahinga dahil sa nangyari kanina."Iniisip ko lang ang sinabi ni King Kredaurus, hindi lang ako maka paniwala na natagpuan na ang nawawalang prinsesa." Ang sabi ko at tumingin sa mga ulap sa kalangitan."Oo nga ei sobrang nakaka bigla pati ako excited nang makita ang prinsesa, alam mo naman baka sobrang ganda at sobrang bait non." Ang sabi niya na tila kinikilig pa, bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kanya ng seryoso."Sana nga tama ang pinaniniwalaan nilang prinsesa." Mahinang sabi ko na ako lang ang makakarinig. Nahiga na din ako sa tabi ni Hushlee at saka tumingin sa itaas. Mag kakatabi lang kami sa malaking kama sa iisang kwarto, kasya naman kami dahil sobrang laki ng kama. Mukha ngang kasya lahat ng sampong tao.Ang kwarto naman ay kulay gold lahat ng paligid, ang mga bagay ang babasaging crystal, sobrang laki din ng kwarto na parang isang bahay na kung titignan ang kabuuan.Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at saka pinilit na makatulog. Hindi ko na muna siguro iisipin ang tungkol sa prinsesa kuno na susunduin namin sa mortal world.And yes, sa mortal world namin susunduin ang nawawalang prinsesa, yun ang utos ni King Kredaurus. Ang daming arte, pwede naman pumunta siya dito mag isa tsk.***KINAGABIHAN ay lumabas na kami ng kwarto para kumain, kasabay ko ngayon sina Frylah, ang iingay nga nila habang ako seryoso lamang na nag lalakad, hanggang ngayon kasi hindi ko parin nakakalimutan ang tungkol sa prinsesa. "Maupo na kayo para makapag simula ng kumain." Ang sabi ni Queen Athena. Naupo na rin naman agad kami, katabi ko ngayon si Hunter at sa dulo naman ay si King Kredaurus at Queen Athena.Agad kaming kumain dahil na rin sa gutom ay hindi ko na pinansin ang nasa paligid ko. Pero natigil bigla iyon ng maramdaman kung nakatingin silang lahat sakin."Favorite mo rin ba Ariana ang strawberry?" Ang sabi ni Queen Athena na ikinatango ko at saka linunok ang pagkain na nasa bibig ko."Pareho pala kayo ng asawa ko, favorite niya rin ang strawberry." Ang masayang sabi ni Queen Athena, naging masaya rin ako dahil kahit papano may pag ka pareho kami ni ama.Matapos kumain ay nag lakad lakad muna ako sa garden dahil hindi pa naman masyadong gabi."Why are you here?" Bigla akong napatingin sa likuran ko ng mag salita si Hunter."Gusto ko lang mag pahangin." Ang seryosong sagot ko sa kanya at naupo sa damuhan, tumabi naman siya sakin."Hunter, naniniwala ka bang siya na ang nawawalang prinsesa?" Biglang sabi ko sa kanya na ikinatahimik niya."I'm not." Bumuntong hininga siya bago nag patuloy sa pag sasalita."Hindi ako natutuwa about sa sinabi ni King Kredaurus." Ang sabi niya na ikinatango ko."You need to rest Ariana, maaga ang alis natin bukas." Ang sabi niya kaya tumango na lang ako."Sige, goodnight." Tyaka nag teleport na ako sa kwarto, naabutan ko naman na nag haharutan sina Frylah at Hushlee, habang nag babasa ng libro si Steffany, si Samantha naman ay pagulong gulong sa kama.Pumunta na ako sa tabi ni Samantha at nahiga na din, kaya natahimik silang pare-pareho."Anong iniisip mo Ariana, kanina ka pa ah?" Ang sabi ni Frylah at naupo sa tabi ng kinahihigaan ko. Ganun din ang ginawa ng iba pa, naupo sila sa katabi ko habang nakahiga ako."Nothing I want to rest, so please quite." Ipinikit ko na lamang ang mata ko, sana nga lang dumating ang araw na maging maayos na din ang lahat. Gusto ko nang maging payapa ang mundo.***"GOOD MORNING ARIANA! FIX YOUR SELF WE NEED TO GO." Ang sabi ni Frylah kaya naman iminulat ko na ang mga mata ko, tumayo na ako at saka pumunta sa banyo para maligo.Pag katapos ay nag bihis na rin ako ng pantaloon at saka black t-shirt, black and white is my favorite color. "Ang cool mo Ariana." Ang sabi ni Hushlee habang nakangiti, ganun din ang sinabi ng iba pa. Lumabas na kami sa kwarto at saka pumunta sa hapag kainan, kakain daw muna kasi bago aalis. "Ingatan nyo si Crystaliah doon Hunter, ikaw na lamang ang aasahan ko para sa kabutihan ng anak ko." Ang sabi ni Queen Athena habang kumakain kami. Muntik pa akong mapa ubo dahil dun pero hinayaan ko na lamang."Yes Queen Athena as you wish." Ang kalmadong sabi ni Hunter na ikina irap ko. Putcha, nakakawalang gana na tuloy kumain."Are you okay Ariana, bakit parang ang higpit ng hawak mo sa kutsara at tinidor mo." Ang sabi ni Frylah sa gilid ko, siya kasi ang katabi ko at sa kabila naman ay si Tyrone. Tanging tango lang ang itinugon ko dahil sa totoo lang sobrang naiinis ako tsk.Pag katapos naming kumain ay nag simula na kaming mag lakad. Yup, mag lalakad lang kami dahil yon ang kailangan para pumunta sa gubat ng mga tao. Mag secret way daw kasi dun. Hinayaan ko na lamang dahil wala akong alam sa mga sinasabi nila. "My ghod nakakapagod naman tsk." Inis na sambit ni Hushlee."Prince Hunter pwede naman siguro tayong mag pahinga." Sigunda naman ni Nathan, kanina pa sila nag rereklamo dahil kanina pa din kami nag lalakad, sa totoo lang nakakapagod talaga at sumasakit na din ang mga paa ko."Ang layo pa natin para mag pahinga." Ang seryosong sabi niya na lalong ikina reklamo nila, kahit naman sino mapapagod dahil sa layo ng nilakad namin."Saan ba nakatira si Princess Crystaliah." Ang sabi ni Samantha na may halong inis sa boses."Nasa bukana ng gubat ang sabi ni King Kredaurus kagabi, bago kasi ako matulog ay kinausap nya muna ako." Ang sabi Hunter sa malamig na boses."Bakit kailangan pa nating sunduin?" Ang seryosong sabi ko rin dahilan para huminto si Hunter ganun din ang iba."Yun ang sabi ni King Kredaurus at hindi pwedeng suwayin, beside bawal mag isa sa pag lalakad si Princess Crystaliah dahil baka matyempuhan siya ng darkians at bigla na lang kunin." Ang mahabang sabi nito at nag patuloy sa pag lalakad, mapakla akong natawa, paano naging prinsesa yun kung hindi niya kayang ipag tanggol ang sarili niya. Halatang bobo tsk.Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nag pahuli sa pag lalakad, naiinis ako ng sobra. Parang kagabi lang sinabi niya sakin na hindi siya naniniwala sa Princess Crystaliah kuno na yon tapos ngayon ipinag tatanggol niya. Huminto muna kami sa isang puno na malaki para mag pahinga. Andito kami sa ilalim ng mapunong gubat."You want water?" Alok sakin ni Tyrone na tinanguan ko na lamang, kinuha ko ito at ininom pero hindi naka ligtas sa mata ko ang sama ng tingin sakin ni Hunter kaya tinaasan ko siya ng kilay.Pumunta ako sa medyo malayo sa kanila at saka naupo para mag masid sa paligid. Nasa ganun akong sitwasyon ng maramdaman ko ang pag sakit ng likod ko. "Are you okay Ariana?" Biglang sabi ni Hizaku na nasa katabi ko din."I'm okay, sumasakit lang ang likod ko." Ang sabi ko kaya napatingin sakin si Hizaku."Ariana umiilaw ang likod mo." Ang sabi ni Hizaku dahilan para kabahan ako, anong ibig sabihin nito."Arrrrghhh!" Nag echo ang lakas ng sigaw ko sa gubat dahilan para mag takbuhan ang royalties papunta sa gawi namin."Are you okay Ariana?" Ang nag aalalang sabi ni Tyrone."I...I'm okay don't worry about me." Pilit akong tumayo para hindi na sila mag alala, hindi nila pwedeng makita ang nasa likod ko. "We need to go para makapag pahinga kana agad Ariana." Biglang sabi ni Hunter at hinawakan ang kamay ko, pero winaksi ko yun at kay Tyrone ako humawak. Tsk, naiinis parin ako hanggang ngayon sa kanya.Ilang oras pa kaming nag lakad hanggang sa matanaw na namin ang isang medyo may kalakihang mansion, it means nasa mortal world na kami."Andito na tayo, ayusin nyo ang pakikitungo sa prinsesa." Ang seryosong sabi ni Hunter, umirap lamang ako dahil sa sinabi niya at seryosong tumingin sa gate ng malaking bahay.Agad namang nag doorbell si Tyrone, mga ilang minuto pa bago bumukas ang gate, bumungad samin ang medyo matangkad na babae, medyo kayumanggi, short hair, pero sexy but duh mas sexy ako diyan."My god Prince and Princess andito na kayo, tumuloy na muna kayo." Ang maarteng sabi niya kaya pumasok na din agad kami dahil kanina pa ako nangangalay at higit sa lahat sumasakit ang likod ko, hindi ko din alam kung bakit tsk.Pag pasok pa lang agad na akong naupo sa sofa dahil hindi ko na kaya pa ang sakit mukhang mas lalo atang dumadagdag yung sakit, kailangan kung makita ang likod ko, dahil baka kung ano na ang nangyayari."Excuse me, Princess Crystaliah... kailangan ko lang pumasok sa cr na tatae na ako ei." Acting na sabi ko para naman hindi na siya mag paligoy ligoy pang ituro ang cr."Yuck ewww, pumasok kana sa cr na yon. Your so kadiri." Maarteng sabi niya kaya napa rolled eyes na lang ako at dahan dahang pumasok sa cr.Isinarado ko ang pintuan at ni lock at saka hinubad ang t-shirt ko at saka tumalikod sa malaking salamin sa cr, kita ko sa reflection ko ang likod ko na patuloy na namumula at sumasakit, parang hindi ko na ata makakaya pa.Isinuot ko na ang t-shirt ko at bumalik sa sofa, nasa kusina na ang royalties kasama ang prinsesang peke kaya inis akong tumingin sa mga ito, pero pare-pareho silang busy sa ginagawa nila."Ayus ka lang ba Ariana." Ang sabi ni Hizaku na alam kung nag aalala siya dahil guardian ko siya."Ayus lang ako Hizaku kailangan ko lang sigurong mag pahinga." Ang sabi ko, at ipinikit ang mga mata ko."Ariana, you need to eat." Ang sabi ni Tyrone kaya napamulat ako ng mata ko, ngumiti ako ng tipid at saka umiling. Ayukong kumain sa bahay ng pekeng prinsesa na yon tsk."Ikaw ang bahala, kung sa bagay pati ako ay hindi maka kain ng maayos dito." Ang sabi niya kaya tumango na lang ako, kailangan ko muna sigurong lumabas para doon kumain. Hindi naman kasi malayo ang bahay na to sa syudad dahil rinig ko din dito ang ingay ng sasakyan sa kalsada. Hindi ko nga lang alam kung saan."Sa labas na lang ako kakain Tyrone." Seryosong sabi ko kaya napatingin siya sakin at tumango."Ganun ba, sige samahan na kita." Ang sabi niya sakin kaya tumango na lang ako, lumabas kami ng bahay karga ko ngayon si Hizaku dahil kailangan niya rin naman kasing kumain. Pumunta kami sa isang malapit na restaurant, hindi naman ako nahirapang mag bayad dahil may pera naman akong dala."Close na ba kayo ng kapatid mo?" Seryosong sabi ko dahilan para mapatingin siya sakin, mag ka harap kami ngayon sa iisang table at si Hizaku naman ay nasa gilid ng mesa kumakain din, marami nga ang napapatingin sa gawi namin dahil siguro sa pusa na kasama ko o kaya naman sa gwapo na kasama ko."Tsk, she's not my sister." Seryosong aniya, hindi ko na lang pinansin at saka pinag patuloy ang pag kain.Pag katapos naming kumain ay pumasyal pa kami ng kunti at pag katapos nun ay bumalik na din sa bahay. Hindi na din naman masakit ang likod ko kaya nakahinga na din ako ng maluwag.Pag pasok pa lang namin ay bumungad kaagad saamin ang ibang royalties na close na agad sa prinsesa kuno. From now on, I call her peke. Tsk.Napadako ang tingin ko sa kamay ni peke na naka kapit sa braso ni Hunter. "Saan kayo nang galing?" Ang sabi ni Hunter na sobrang cold ang boses, pero hindi ko siya pinansin at saka pumunta sa bakanteng sofa, sumunod naman si Tyrone sakin. Iwan ko ba pero parang kampi sakin si Tyrone, siguro hindi niya nararamdaman ang lukso ng dugo kay Princess Fake kaya ganun."Nag date." Inis na saad ko na lalong nag pagalit kay Hunter, tsk I don't care anymore."Arrrghhh." Malakas na sigaw niya at pumunta sa isang kwarto."You, who are you to say that with my Prince." Ang galit na sigaw ni Princess Fake saakin, nginisihan ko siya at saka tumayo para pantayan siya, fuck her hindi ko siya uurongan."And how about you, who are you to say that you're the long lost princess." Cold na sabi ko dahilan para mamutla siya."B-because of my b-birtmark." Ang naiiyak niyang sabi at tumulo ang luha sa mga mata, wow hindi lang pala fake, best actress din ang pota."Ariana, you need to respect her." Inis na sabi ni Frylah sakin."Bakit Frylah, kilala mo na ba ng tuluyan yan sinasabi mo na respetuhin ko." Cold na sabi ko pero nagalit lamang siya."Baka nakakalimutan mo Ariana na prinsesa si Crystaliah at ikaw isa ka lamang hamak na mahirap na magician." Galit na sigaw niya sakin. "Baka nakakalimutan mo rin Frylah, wala sa katayuan ng buhay yan, kung sa pag aakala mo na tama ka ng pinag kakatiwalaan ng tao, mas mabuti pang kilalanin mo muna bago ka mag tiwala." Cold kung sabi at saka hinablot ang bag na dala ko. Inis akong lumabas sa bahay, tumingin naman sakin si Tyrone at nag aalala sa mata niya, sumunod naman ang iba pa sakin."Yan mas mabuting umalis kana." Galit na sigaw ni Frylah, tumalikod ako para di nila makita ang pag patak ng luha ko. Trahidor na luha pota."Tumigil kana Frylah." Ang kalmadong sabi ni Maxwell, habang ang iba naman ay tahimik lang."And what do you think your doing Ariana." Cold na sabi ni Hunter mula sa likuran ni Princess Fake, kumapit naman agad si Princess Fake sa braso ni Hunter."Tsk." Tumingin ako kay Hizaku na nag papahiwatig na aalis na kami, tumango naman ito, at mula sa pagiging pusa niya ay bigla na lamang siyang naging isang malaking dragon na labis na nag pagulat sa lahat.Hindi na ako nag patumpik tumpik pa at sumakay na sa likod ni Hizaku. Pinigilan pa sana ako ni Hunter at Tyrone pero tiningnan ko lamang sila ng walang emosyong makikita sa mukha ko, kaya natigil sila.Bago lumipad si Hizaku tumingin ako kay Princess Fake."Wait my revenge prinsesang peke, at sa pag balik ko sisiguruhin kung wala ka ng hininga nag ka mali ka ng sinusubukang lakas." Cold na sabi ko dahilan para mamutla siya."Let's go Hizaku." Lumipad na si Hizaku papalayo sa kanila. Tsk mga bobo halatang walang pinag aralan.|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓|