[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]ANDITO ako ngayon sa kwarto ko habang inaalala ang mga nangyari samin dun sa mortal world, sobrang bilis ng pangyayari. Pag katapos kasi nang nangyari nun ay hindi na namin nakita pa si Ariana, hindi ko alam kung saan na siya nag punta.Andito kami sa dorm sa Academy and yes, dito na rin nag aaral si Princess Crystaliah ang masasabi ko lang sa ugali niya hindi tulad ng inaasahan ko sa kanya, masyaso siyang malapit saakin at sa tuwing papasok naman kami sa klase ay lagi siyang naka kapit sa braso ko.Ang dami nang nangyari sa loob ng isang buwan. Isang buwan na rin naming hindi nakikita si Ariana pero hanggang ngayon ay umaasa parin ako na babalik siya. I miss her, kahit na hindi ko noon na amin sa kanya na gusto ko siya. But still she's here in my heart. (tok*tok)Agad akong napatingin sa pintuan ng marinig ang katok doon, tumayo ako sa pag kakahiga sa kama at saka tiningnan kong sino ba ang nasa pintuan."Anong kailangan mo?" Cold na aniya ko sa kanya, sanay na din naman siya sa pakikitungo ko sa kanya."Hunter nag luto ako ng makakain mo, do you want to eat?" Ang sabi niya na may halong pag lalambing at hinawakan ang kamay ko, pero marahas ko itong binawi dahil na din sa ayaw na ayaw kung may hahawak sakin, mabuti sana kung Ariana yun ay okay lang sakin tsk."Ide kumain ka mag isa, I can handle my self tsk." Inis ko siyang sinarhan ng pintuan. Ayuko sa ugali ni Crystaliah or should I say Finkly. Yun kasi ang pangalan niya daw sa mundo ng mortal.Kinuha ko ang jacket ko sa isang tabi at saka lumabas ng kwarto ko, kakain muna ako sa cafeteria. Ayuko naman na kumain sa luto ni Finkly."Saan ka kakain kuya? Pwede naman yung luto na lang ni Crystaliah." Ang sabi ni Frylah, hindi ko sila pinansin at saka dumeretso sa pag lalakad. "Ang gwapo talaga ni Prince Hunter.""Oo nga bagay sila ni Princess Crystaliah.""Anakan mo ko Prince!""Pa kiss babe."Yan lang ang samutsaring narinig ko mula sa desperadang babae dito sa academy. Hindi ko maintindihan ang mga babae kung bakit nagiging tanga sila kapag gwapo na ang nasa harapan nila tsk.Pag katapos mag order ay nag simula na akong kumain, dahil na rin sa gutom. Tsk, na alala ko tuloy si Ariana. Yung babaeng patay gutom na yon pero hindi tumataba tsk.Agad akong umalis sa cafeteria pag katapos kumain."Prince Hunter, pinapatawag po kayo ni HM Lance." Ang biglang sabi ng isang lalaki, nakayuko pa ito ng sabihin nya yon. Hindi na lang ako nag salita at saka dumeretso na lamang sa head master office.Pag dating ko sa head master office ay hindi na ako kumatok at pumasok na lamang. Napatingin naman sakin si HM Lance ng seryoso. "Hunter, alam kung napapansin mo ang kakaiba sa prinsesa." Panimula niya kaya nakinig na lamang ako."Gusto ko ay imbestegahan mo ang babaeng yon, malakas ang loob ko na may kakaiba sa kanya." Ang sabi niya pa, kahit naman na hindi niya yun sabihin ay ginagawa ko naman yon."And one more thing, wag kang mag papahalata sa iba sa plano natin na ito." Tumango na lamang ako at saka umalis sa harapan niya.[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]IT'S BEEN A MONTH, simula ng iwanan ko ang royalties kasama ang prinsesang peke na yon. Andito ako ngayon sa tahanan ng mga diyos at diyosa.Simula ng pumunta ako dito ay lagi nila akong ini-insayo, okay lang din yun sakin dahil ayukong paulit ulit na maalala ang nangyari.Ngayon na din ang balik ko sa academy, kailangan ko ng pag handaan ang nalalapit na digmaan, at wala na akong pake kung hindi man ako makilala ng magulang ko o ng sino man. Ang mahalaga ay maiiligtas ko silang lahat. Hintayin lang din ng walang hiyang prinsesang peke na yon ang pag balik ko.Andito na ako sa harap ng gate ng academy, naka suot ako ngayon ng malaking t-shirt at short na hanggang tuhod ang haba, naka salamin din ako ng malaki sa mata. In short mag papanggap akong nerd para sa mga plano ko.Nag lakad na ako papasok sa academy at pumunta sa head master office, marami din akong nadaanan na studyante na nakatingin sakin at nag bubulungan pero hindi ko na lamang pinansin. Bago pumasok ay kumatok muna ako sa pintuan."Come in." Boses sa loob kaya binuksan ko na ng dahan dahan."What can I do for you Ms?" Ang sabi ni HM Lance at tiningnan ang buong katawan ko, siguro nag tataka siya kung bakit ganito ang suot ko."Gusto ko pong mag enroll dito." Ang mahinhin kung sabi, kailangan din ang mga galaw ko ay katulad ng isang tunay na nerd."Anong pangalan mo?" Ang tanong niya, bumuga muna ako ng hangin at saka nag salita."Shiezalyn Añoraocon po, 17 years old." Ang sabi ko kaya ibinigay niya naman sakin ang schedule ng klase ko at ang susi ng dorm ko."Pwede pong humingi ng favor?!" Ang sabi ko kaya kumunot ang noo ni HM Lance."Ano yon?""Pwede po bang mag isa lang ako sa dorm, ayuko po kasi na may kasama." Ang sabi ko dahilan para tumaas ang isang kilay niya."And why?" Tsk, masyadong matanong ang matanda na to."Ayaw po kasi nilang makipag kaibigan sakin and besides ayuko ng gulo." Binago niya naman ang magiging dorm ko, kaya umalis na ako, habang nag lalakad ay nakita ko pa si di kalayuan ang royalties kasama ang prinsesang peke, hindi nila kasama si Hunter kaya hindi ko din nakita.Hinanap ko na lamang ang magiging dorm ko at hindi naman ako nahirapan dahil malapit lang naman ito sa dorm ko dati. Pag pasok ko pa lang ay nakahinga na ako ng maluwag, hindi naman kalakihan ang magiging dorm ko at tama lang naman sakin ito. Isa lang ang kwarto at kompleto naman ang mga gamit, kinuha ko ang bag na dala ko at saka binuksan iyon. "Grabe hindi na ako makahinga." Ang sabi ni Hizaku kaya naman inirapan ko lang ito, inilagay ko kasi siya sa bag para hindi nila makita."Mag luluto muna ako." Ang sabi ko dito hindi naman siya umangal pa kaya hinayaan ko na lamang, pumunta naman ako sa kusina at saka binuksan ang refrigeration ang kaso walang laman tsk.Nilagyan ko muna ng barrier ang buong dorm ko at saka ginamit ang kapangyarihang lupa, upang bumuo ng makakain namin ni Hizaku, alam ko naman na walang makaka alam ng ginagawa ko dahil siniguro ko muna ang lahat bago ko ginawa yon.Bumuo ako ng paso na gawa sa bato at saka nag tanim din ako ng isang maliit na puno sa paso para mag bunga, diniligan ko din ng tubig. "Wow! Ang ganda Ariana." Ang sabi ni Hizaku sa isang tabi na hindi ko na lamang pinansin tsk."Yan ang puno na tinatawag na luinmight." Ang sabi ko habang gumagawa pa ng dalawang ganong uri ng halaman.(A/N: YUNG LUINMIGHT NA PANGALAN AY GAWA GAWA KO LANG PO MGA BEBE KO)"What, luinmight? Bakit ngayon ko lang ata yan narinig?" Ang sabi ni Hizaku habang pinag mamasdan ang tumutubong puno, inilagay kona din sa bawat sulok ng dorm ang mga ito, bali tatlo lahat ang ginawa kung ganung puno. Mabilis din naman bumunga ang luinmight dahil na din sa mahika ang ginamit upang siya ay madaling lumaki."Oo, ako mismo ang nag pangalan sa ganitong uri ng halaman, natuklasan ko kasi na ako lang ang pwedeng gumawa ng ganitong uri ng puno or halaman." Ang sabi ko kay Hizaku. Hindi ko na siya pinansin at saka lumabas sa dorm. Hindi na din ako nag paalam kay Hizaku kung saan ako pupunta dahil sigurado hindi na naman yun papayag tsk.Pumunta ako sa likod ng academy at saka pumunta sa sapa na malapit at doon humuli ng isda na pwede naming kainin ni Hizaku.Pag katapos kung humuli ng isda ay bumalik ako sa dorm para mag luto na, mabuti na lamang at merong bigas dito tsk."Wow, pwede ka nang mag asawa Ariana hahaha." Ang sabi ni Hizaku na nasa tabi ko, hindi ko na lamang pinansin dahil sa tagal ilang buwan naming pag sasama ay nalaman ko na sobrang ingay niya at friendly, pero cold siya sa iba. Tsk, hindi ko din maintindihan kung bakit ganyan siya."Pwede ka nang kumain Hizaku, alam kung gutom kana." Seryosong aniya ko dito, sumabay na akong kumain sa kanya dahil gutom na din naman ako.Pag katapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto at saka tiningnan ang bawat palagid. I love this, dorm. Ang paborito ko kasing kulay ang pintura ng pader. Ang kulay naman ng tiles ay green, habang ang mga kurtina naman ay kulay puti. Humiga na ako sa kama at saka pinikit ang mga mata, naramdaman ko namang tumabi sakin si Hizaku na hinayaan ko na lamang.***KINABUKASAN ay maaga pa ay gising na ako para sa pag pasok, nabago na din ang section ko at magiging ka-klase ko sina Jessica at Wencie. Pero alam kung hindi nila ako makikilala. "Ikaw na munang bahala sa dorm Hizaku." Ang seryosong sabi ko kay Hizaku. Hindi naman siya nag reklamo pa at pinag iingat na lamang ako."Yuck, nerd?""Bakit may nakapasok na nerd dito.""My ghod, hindi siya bagay dito.""Ang pangit naman.""Ugly creatures."Hindi ko na lamang pinansin at bulungan at baka hindi ako makapag timpi at baka pulutin sila sa labas ng academy tsk. Bakit ba hindi na lang nila pakialaman ang buhay nila.Nakita kong makakasalubong ko ang royalties kaya yumuko ako para hindi nila ako mapansin, pero dahil sa walang hiyang si peke ay nakakuha kami ng atensyon mula sa iba."What the fuck!" Inis niyang sigaw dahil binangga niya ako sa balikat, pero tangina lumabas pa sa iba na ako ang masama."Pwede ba miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Sabi ni peke at hinawakan ang balikat niya, tsk."Excuse me, akala ko kasi basura na pakalat kalat ka lang." Malumanay na sabi ko, pero this time mukhang hindi ko na mapipigilan ang sungay ko."You nerd!" Inis niyang sinabunutan ang buhok ko, tumingin ako sa ibang royalties na wala man lang pakialam sa nangyari, bakit pa ba sila naging royalties kung ganyan sila pota.Hindi ko na pigilan ang sarili ko kung kaya't nagulat ang lahat ng tumama si peke sa pader ng building na paaralan. "Ikaw sino ka para saktan si Princess Crystaliah." Galit na sigaw ni Frylah, natawa na lamang ako ng mapait habang pinagmamasdan si Frylah, potangina hindi na siya yung Frylah na nakilala ko nung una. Siguro nga tama sila na nag babago ang lahat."Excuse me, hindi mo ba kilala kung sino ang kinakalaban mo." Inis na sigaw din sakin ni Samantha. Hindi ko siya pinansin at tumingin kay peke na nawalan ng malay, dahil siguro sa lakas ng impact ng pag tama niya sa sementong pader ng gusali.Umalis na ako sa harapan nila at inis na nag lakad papuntang klase."Ang tapang naman niya.""Sigurado bukas wala na yan sa academy.""Hindi niya dapat ginawa yon sa prinsesa.""Tsk, attention seeker kasi."Inis kung tiningnan ang mga nag bubulungan sa paligid, pero hindi naman nila napansin ang galit kung mga mata dahil sa salamin na malaki sa mata ko.Tiningnan ko ang classroom namin at sobrang kalat ng paligid. Pero ng pumasok ako ay natahimik sila at natigil sa ginagawa nila, ang kaninang kalat ay nawala na lang bigla.Napatingin din ako kay Jessica at Wencie sa isang tabi na nakatingin din sakin. Nag hanap na lang ako ng bakanteng upuan at doon umupo."Good morning everyone." Bati ng isang professor na kakapasok pa lamang, inilibot niya ang paningin at huminto iyon sakin."Kindly introduce yourself." Ang mataray na sabi niya kaya naman napaismid ako. Tsk."Hi everyone. I'm Shiezalyn Añoraocon po, 17 years old." Ang nakangiti kung sabi sa kanila bilang isang nerd dapat ganito ang galawan ko. Pero tsk nasusuka ako dahil sa ginagawa ko."And what's your powers?""Ang pangit mo.""You're not belong here.""Lumayas kana sa academy na ito.""Shut the fuck up." Cold na sabi ko dahilan para matahimik sila. Yung kaninang maingay na klase ay bigla na lamang nanginig sa takot, bigla ding lumamig ang temperatura ng paligid dahilan para mas lalo silang manginig.Ang teacher sa unahan ay napaupo na din sa sahig dahil sa takot."I want to say to all of you... you don't have no right to say that I'm not belong here." Cold na sabi ko at saka naupo sa upuan, bumalik na din sa dati ang temperatura ng paligid pero ni isang ingay ay walang maririnig mula sa kanilang bibig.|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐍𝐈𝐍𝐄|