[𝐓𝐇𝐈𝐑𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐏.𝐎.𝐕]"NEXT IS THE PRINCE FROM CRYSTAL KINGDOM! PRINCE TYRONE NICS DEMONNAH!" Isang malakas na sigaw ni HM Lance, biglang someryoso ang mukha ni Ariana ng marinig ang pangalan ng kapatid niya, oo nga hindi pa malinaw para sa kanya na siya nga ang nawawalang prensisa pero sa puso niya malaki ang takot niya kapag nasa panganib na ang mga taong alam niyang naging parte ng buhay niya."Oh my ghod Prince Tyrone ang gwapo mo parin.""Honey my love's kaya mo yan!"Sigawan ng studyante na hindi naman pinansin ng lalaki. Tumingin siya kay Steffany na kanina pa nakatingin sa kanya. "Good luck." Tipid na saad ng dalaga. "Good luck bro!""Good luck Tyrone!"Umakyat na nga sa stage ang lalaki. Isang cyclops ang kalaban niya. Ngunit malaki ang katawan ng cyclops. Iisa lamang ang mata nito, at kumakain ito ng tao o magician.Hindi na nag sayang ng oras si Tyrone at gumawa agad siya ng fire straps para hindi maka galaw ng cyclops. Pero dahil sa malakas ang cyclops at malaki ang katawan nagawa nitong makawala sa fire straps kahit na may mga sugat na ang katawan nito dahil sa apoy na gawa ni Tyrone.Gumawa siya ng fire sword at saka iyon iwinasiwas sa cyclops. Kumuha din ng kahoy ang cyclops at handa ng ihampas sa kanya iyon. Hindi agad naka ilag si Tyrone kung kaya't natamaan siya nito. "Tyrone, umayos ka nga!" Isang malakas na sigaw ni Steffany at halata sa mukha nito ang pag aalala.Bumangon naman agad si Tyrone at saka tumingin ng seryoso sa cyclops. Gumawa siya ng fire ball, at fire blade at sabay sabay na pinakawalan ang mga iyon patungo sa cyclops. Ginamit ulit niya ang fire sword. Tinusok niya yun sa likod ng cyclops. Hinawakan siya ng cyclops sa kamay at ibinato sa kung saan.Napaubo ng dugo si Tyrone, hindi na rin mapakali ang lahat dahil nag aalala sila sa lalaki.Tumayo si Tyrone kahit nang hihina na. Papalapit na ulit ang cyclops sa kanya at handa na sana siyang dakmain ng mag invisible siya. Gumawa rin sya ng invisible fire ball. Pinalaki niya iyon ng pinalaki hanggang sa pakawalan niya yon. Ginamit niya rin ang isa pa niyang kapangyarihan. Ang air power, para mas lalong lumaki ang sunog.Hindi nga nag tagal ay bumulugta na ang cyclops na ikinasigaw ng lahat. Maraming nag palakpakan dahil doon."Congrats Prince Tyrone you got score 120!" Ang sabi ni HM Lance, muling nag sigawan ang lahat. Lalo na ang mga babaeng patay na patay sa lalaki."Congrats Prince Tyrone!""Ang galing mo baby.""Yowww ang galing mo Tyrone!"Hindi na lamang yun pinansin ng lalaki at naupo na lamang sa upuan niya. "Ang galing mo Tyrone." Ang sabi ni Frylah habang nakangiti na ginantihan lang ng lalaki ng tango."Congrats, bro." Bati ng ibang lalaking royalties. Pwera kay Hunter na nakatingin lamang ng seryoso sa stage ng arena."Then the last is Ms. Ariana Demon Enriquez the transfers!" Ang daming nag bulungan dahil dun. "Baka matalo lang yan si Ariana.""Anong matalo, ei sumama nga yun sa mission.""Oo nga dahil kasama ang royalties.""I'm sure, she's weak tsk." Bulungan ng lahat, pero marami din ang nag sasabing good luck daw sa magiging laban ni Ariana.Pati na rin ang mga Hari at Reyna ay gusto ng makita ang mukha ng transfer."Ms. Ariana where are you?" Ang nagtatakang sabi ni HM Lance dahil hindi pa pumupunta si Ariana sa stage."Takot na yon malamang.""Wala na duwag na."Tumingin naman si Hunter sa babae, at doon lamang napamura sa isipan ang lalaki dahil tulog ang dalaga."P*tangina!" Hindi makapaniwalang sabi ni Hunter dahil tulog parin ang dalaga imbis na kabahan na dahil sasabak na sa laban pero hito at tulog parin si Ariana."Ms. Ariana?" Muling nag salita si HM Lance."Okay, since wala si Ms. Ariana hindi na siya sasabak sa leveli—" Hindi na natuloy ng matanda ang sasabihin.Biglang bumulusok ang ice blade patungo sa kinaroroonan ni HM Lance, dahilan para magulat ang lahat."Sinong nag sabing wala ako?" Cold na sabi ni Ariana, dahilan para matakot ang lahat dahil sa lamig pa lang ng tono ng pananalita ng babae, malalaman na agad ang panganib dito."I can't believe this." Bulong ni Queen Athena. Marami din ang nag tataka kung bakit naka mask si Ariana."Malamang nahihiyang ipakita ang mukha kasi pangit." "Oo nga." Nag start na ang lahat. Nag karoon ng barrier ang stage na kinaroroonan ni Ariana nag simula na ring bumuo si HM Lance ng illusion.Nagulat si Ariana ng makita sa harapan niya ang isang pigura ng babae. Nakatalikod ito sa kanya at hindi niya makita ang mukha. Pero nag tataka din siya dahil darkians ang kasama ng babae. Doon siya nawalan ng lakas ng makitang ang mommy niya ito."M-mommy?" Ang utal na saad ni Ariana, ang lahat ay nag tataka dahil hindi nila nakikita kung anong dahilan ng pag iiba ng ekspresyon ng mukha ni Ariana."Bakit umiiyak si Ariana?" Nag tatakang sabi ni Frylah."Oo nga, what's happening?"-Hushlee."Siguro nakikita niya ang nakaraan niya." Seryosong sabi ni Tyrone na ikinalingon ni Hunter sa binata.Muling bumuhos ang luha sa mata ni Ariana, walang kasing sakit na harap harapan na niyang nakikita kung paano mamatay ang kanyang Ina.Galit, poot, pag kasuklam, lungkot at sakit ang makikita sa mga mata ng dalaga, nagulat ang lahat ng maging gold ang mata niya.Lahat ay nakaramdam ng takot dahil sa lakas ng aura na nag mumula kay Ariana.Seryosong tiningnan ni Queen Athena ang babaeng nasa stage. Hindi siya maka paniwala dahil sa taglay nitong lakas. Ang lakas din ng tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang nararamdaman niya."Arrgghh mag babayad kayo, sisiguraduhin kung walang matitira sainyo!" Galit na sigaw ni Ariana, habang lumuluha. Ang kaninang darkians sa salamin na nakikita ni Ariana ay naging totoo. Pati sina HM at ang King and Queen maging ang royalties ay nagulat dahil darkians ang makakalaban ni Ariana.Hindi lang isa kundi marami. Halos hindi na mabilang.Sunod sunod na nag kawala ng ice blade si Ariana. Marami din ang nababawas pero hindi parin maubos ubos."HM, itigil mona ang illusion!" Isang malakas na sigaw ni Hunter. Ngunit hindi magawa ni HM Lance ang itigil ang illusion, ang barrier ay hindi rin mawala.Hindi alam ng lahat ang gagawin."F*ck Ariana, please stop that!" Ang sigaw ni Hunter."Ice blazing!!" Isang malakas na sigaw ni Ariana para mawala ang lahat ng kalaban niya. Hindi makapaniwa ang King and Queen dahil sa isinigaw ni Ariana.Pati si HM Lance ay hindi makapag salita dahil doon, alam ng lahat na ang pag gamit ng salitang iyon ay dilikado at ang nawawalang prinsesa lamang ang maaaring gumamit noon.Muli ay nagulat ang lahat ng lumabas sa stage ang anak ng dark king.Tumatawa itong tumingin sa mga royalties na tila ba nang iinsulto. Sinusubukan na ring basagin ni Hunter ang barrier upang tulungan si Ariana, pero hindi man lang nagagalusan ang barrier."Hi Princess Crystaliah Monnahell Demonnah the long lost Princess." Ang sabi ng lalaki at sinundan ng nakaka kilabot ng tawa. "Walang nakakatawa tsk." Seryosong sabi ni Ariana dito dahilan para tumigil sa pag tawa ang lalaki. "Oo nga pala nakalimutan kung mag pakilala Princess Crystaliah, I am the Prince from Dark Kingdom my name is Bandedo.""Potah ayusin mo pangalan mo bading." Seryosong sabi ni Ariana."Anong sinabi mo? Bading? Bandedo hindi bading!" Galit na sigaw ng prensipe ng Dark Kingdom.Pero tumawa lang nang nakaka insulto si Ariana."I don't care." Cold na sabi ni Ariana. Nag transform si Ariana bilang isang tiger ngunit ang katawan nito ay parang tao parin. Nagulat din ang lahat ng biglang pag litaw sa stage ng isang malaking dragon."Wow! I can't believe this, totoo pala ang dragon?" Ang manghang sabi ng studyante, maging ang royalties ay hindi makapaniwala."Hindi ako makapaniwala na may na bubuhay pa palang dragon dito sa mundo natin." Ang seryosong sabi ni King Kredaurus."W-what the fuck!" Mura nang lalaki nang makita sa harapan niya ang dragon."Hi Bandedo are you ready?" Cold na sabi ni Ariana dahilan para mas lalong matakot ang lalaki.Hindi na nag sayang ng oras si Ariana at saka bumulong.'Dolor.' Sumigaw sa sakit ang lalaki. Sunod sunod na ice blade ang pinakawalan ni Ariana. Hindi maka ilag si Bandedo, dahil sa sakit na nararamdaman niya sa katawan. Pinilit ng lalaki na ipunin ang lakas at ng makakuha ng tyempo agad itong nawala.Tumawa ng malademonyo si Ariana at saka biglang bumalik sa dating anyo niya. Pero sa hindi inaasahan, isang black flumes ang bumulusok papunta kay Ariana. Binalot siya nito at unti unting nawawalan ng hininga."Ariana!" Isang malakas na sigaw ni Hunter at nawasak ang barrier. Agad niyang sinalo ang pag bagsak ng katawan ni Ariana.Inalis din niya ang mask ni Ariana, dahilan para magulat si King Kredaurus at Queen Athena ng tumambad sa paningin nila ang mukha ng dalaga.|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐎𝐔𝐑|