Chapter 6

6 5 0
                                    

𝑁𝑎𝑡𝑎𝑠ℎ𝑎'𝑠 𝑃𝑂𝑉

Nagising na lamang ako sa hindi pamilyar na silid. Naka higa ako sa malambot na king sized bed na kulay gray. Bumangon ako ng dahandahan at iginala ang paningin.

"Gising kana pala"

"Jusmiyo" Gulat kong sigaw dahil sa biglaang pag sulpot ni kuya Uno sa pintuan.Napahawak pa ako sa aking dibdib sa gulat.

"I'm sorry" tumawa ito."Nagulat yata kita?"

"Asan ako kuyang?bakit ako nandito?anong nangyari kanina?." Sunod sunod kong tanong rito.Umupo sa couch at nag de-kwatro.

"Nawalan ka ng malay Natasha,hindi ko naman alam ang bahay n'yo kaya dinala nalang kita rito sa condo ko."

Tumango tango ako.

" Salamat kuyang ah?kung di ka dumating baka napano na ako" Ngumiti s'ya sakin.

"Wala 'yon,alangan naman pabayaan kita doon?eh babae ka atsaka kaibigan ka ng kapatid ko."

Uno Ty, twenty one years old,kuya ni Alexus,single and ready to mingle char.

"Maraming salamat po" Tumango ito at tumayo.

"Nagugutom ka ba? it's almost ten o'clock, let's eat." Inilahad n'ya sa akin ang kan'yang kamay para alalayan tumayo.Kaya ko naman pero tinanggap ko parin ito,nakakahiya naman kung hindi.

"Hala ang phone ko?" Kinapa ko ang bulsa ko pero wala ito roon.

"Nilagay ko 'yon doon sa may lamp shade." Napalingon ako sakan'ya na nag hahain ng pagkain sa plato.Grabe ang hot ng likod ah,may katangkaran din s'ya,ang gwapo!pero mas gwapo padin si Alexus.Ha?ansabi ko?.

"Kunin ko lang kuys,I text ko lang si mama na okay lang ako."

Bumalik ako sa kwarto n'ya at kunaha ang cellphone ko.Tinext ko si mama na nasa bahay lang ako ng isang kaibigan.Well kaibigan ko din naman si kuya Uno.

"Pagkatapos nating kumain, dumaan muna tayo sa bahay namin bago kita ihahatid sainyo ha?. "

" Ah opo opo wala namang problema. " Tumango s'ya at pinag patuloy ang pagkain.

Nang matapos na kaming kumain ay tinulungan ko s'ya sa pag liligpit ng pinag kainan. Nag suot s'ya ng shorts na kulay itim at puting t-shirt. Inilagay n'ya ang bike ko sa likod ng sasakyan, hindi naman ito kalakihan kaya naman napag kas'ya namin ito.

"Good morning Sir Uno" bati sakan'ya nung dalawang maids pag kababa namin mula sa sasakyan.

" Magandang umaga din Miss Natasha" masiglang bati din sa'kin nung dalawa.Masigla ko rin silang nginitian,halos lahat rin yata sa mga maids nila dito ay ka close ko na din kaya ang gaan ng pakiramdam ko sakanila.

"Where's mom and dad?"

"Maaga pong umalis Sir,may ichecheck raw na lote sa Dagupan."

"How about Alexus?"

"Nasa loob po Sir kakarating palang." Tumango si kuya Alexus at nag lakad papasok ng bahay kaya naman sumunod na ako.

"Oh kuya–" Napatingin si Alexus sa akin."Natasha?bakit mag kasama kayo ni kuya?."

"M-mahabang kwento–"

"Anong nangyare?bakit ka may pasa sa braso?."Agad s'yang lumapit sa'kin at tinipa ang braso ko.

"Nakita ko s'ya kanina,muntik na s'yang mapahamak at pag samantalahan ng mga g*gong 'yun." Si kuya Uno ang sumagot.

"Ano?!"

"P-pero okay naman na hehe"

"Nasaan sila?!"

"Wala na okay na Alexus tsk"Ani kuya Uno.

Thirteen Years Of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon